FTLY 49

1.3K 63 13
                                    

JISOO

"Bumaba na po ang blood pressure niyo Lola. Wag na ulit kayo magagalit ha." Paalala ko sa pasyente ko.

"Eh paano ba naman kasi hija. Nakaka highblood ang anak kong bunso. Nandito na nga ako sa ospital sa akin pa humihingi ng pera. Ano bang tingin niya sa akin? Dito nagtatrabaho?" Galit na sabi niya.

"Galit ka na naman Lola. Wag kang mag alala sa susunod hindi ko na siya papapasukin dito kung gagalitin ka lang din." Nakangiting sabi ko.

"Salamat hija."

-------------

"Grabe Jisoo! Sinagot mo na pala si Nurse Josh? Grabe! Ang hot ng dyowa mo!" Kinikilig na sabi sa akin ni Nurse Kim.

"Nung isang gabi ko lang siya sinagot." Nakangiting sabi ko.

"Ay wow! Fresh na fresh pa kayo. Goodluck sa relationship niyo ah."

Magsasalita na sana ako ng makita ko ang anak ni Lola Gracia na papunta sa kwarto ng pasyente ko.

"Wait lang Kim ha. May aasikasuhin lang ako." Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil tumakbo na ako papunta sa anak ng pasyente ko para pigilan ito.

"Wait lang Sir!" Sigaw ko ng maabutan ko siya.

Kunot noo siyang lumingon sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka ngumisi.

"Sorry Miss ha. Hindi ko pinangarap magkaroon ng girlfriend na nurse pero kung mapilit ka sige pagbibigyan kita ng isang linggo." Nakangising sabi niya.

Tumaas ang kanang kilay ko at tinignan din siya mula ulo hanggang paa. Humalukipkip din ako.

"Sorry din Sir pero hindi ako pumapatol sa lalaking dalawampung taon yata ang agwat sa akin. Hindi tumatanggap si Lola Gracia ng bisita ngayon." Mataray kong sabi.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now