FTLY 34

1.4K 99 11
                                    

JISOO

Nakakainis talaga! Kapag sila may kasamang iba okay lang? Kapag ako hindi na pwede? Nakakahiya naman doon sa mga lalaking kinausap ni Jennie para magpanggap na date namin.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Lisa.

Kami pa lang ang nandito sa bahay. Wala pa yung dalawa at ewan ko kung saan sila dinala nila Jimin at Jin.

"Ang unfair di ba?"

"No. Actually, it's not unfair." Napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. "Sabi mo nga manliligaw mo lang sila. Nililigawan ka nila pero wala kang pakialam kung sino ang kasama nila. Sa tingin nila nagpaligaw ka din naman sa iba kahit hindi naman. Ganun din ikaw, akala mo nanliligaw sila sa iba pero ang totoo hindi."

Ouch! Tinamaan ako sa sinabi niya ah. Tama naman siya.

"Oo nga no. Oh my god! Baka iniisip nila na nagseselos ako sa mga babaeng kasama nila? Like duh!"

"Kanina ko pa nga iniisip eh. Kanino ka ba nagselos?"

Doon ako natigilan. Nagselos ba ako? Nagselos ba ako para gumanti sa kanila? Pero kanino?

Oh my god!

Parang alam ko na kung kanino.

--------

Kinabukasan ay may pasok na kami sa school at hindi ko alam kung paano haharapin yung tatlo. Classmates ko pa naman sila. Argh!

Nakailang buntong hininga ako bago pumasok sa classroom and bingo! Nandoon na nga silang tatlo.

Pinigilan ko talaga ang sarili ko para wag salubungin ang tingin nila.

At ang tingin niya.

Iihhh!! Iniisip ko pa lang na siya pala ang dahilan kung bakit ko naisipang gumanti ay feeling ko mangingisay ako.

Seriously Jisoo?!

Napabuntong hininga na naman ako. Kahapon nung umuwi sila Jennie at Rose ay naikwento nila na okay na sila ng mga boylet nila. Ako na lang itong may problema.

"Iiwas ka na lang ba?" Nagulat ako ng hawakan ako ni Stan sa braso ko. "May mali kami pero may mali ka din naman. Hindi tamang bastedin mo kami dahil lang doon."

"Please Stan wag ngayon. Naguguluhan pa ako. Oo tama ka. May mali din ako kaya gusto ko munang ayusin yun. Just give me time."

"Tell me." Sa sobrang seryoso niya ay feeling ko nasa hot seat na ako. "Sino ba? Alam kong may napili ka na."

Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Nahalata niya agad yun?

"Wala pa okay?" Pagsisinungaling ko. "Maybe I'm just upset yesterday kasi nakita ko kayong may kasamang iba."

-------

Hindi ko alam pero ang awkward talaga ng table namin. Dati rati naman kapag sabay sabay kaming maglunch ay kami ang pinaka maingay pero ngayon? Kami ang pinakatahimik.

Napatingin ako kay Raphael at Johnny nang sabay silang umubo. May sinesenyas sila sa akin pero hindi ko magets.

"Ano?" Tanong ko sa kanila kaya naman nalipat sa akin ang atensyon nilang lahat.

"Hmm. Pakiabot nung juice hehe." Awkward na sabi ni Johnny.

"So guys! Cheer up! Mga gutom ba kayo para wag magsalita at mabusy sa pagkain?" Awkward na tumawa si Raphael.

Nang mag uwian ay mag isa lang ako dahil nag early dismiss ang prof namin at tinatamad naman akong hintayin ang mga pinsan ko kaya naman nauna na ako.

"Jisoo!" Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng hiya ng makitang si Josh pala iyon.

"Uuwi ka na ba? Hindi mo na hihintayin ang mga pinsan mo?" Okay? Ako lang yata ang nakaramdam ng awkwardness sa aming dalawa.

"O-oo. Uuwi na ako. Mamaya pa kasi sila eh." Awkward akong ngumiti.

Napansin kong napabuntong hininga siya.

"About what happened yesterday." Lumapit pa siya lalo sa akin. "I'm really sorry Jisoo. Oo pinayagan mo akong umalis pero dapat ako yung hindi pumayag. Dapat pinili kita kasi ikaw yung kasama ko eh. Nung nakita kita kahapon na may kasamang iba narealize ko na ang tanga ko para umalis sa tabi mo. Ang tanga ko para hayaan kang mag isa. Ang tanga ko para pakawalan yung oras na sana tayong dalawa yung magkasama."

Ewan ko pero..

I feel butterflies in my stomach.

Totoo pala yun? Yung naririnig at nababasa ko na kakaibang feeling kapag kinikilig ka o kaya masyado kang na over whelmed sa isang tao.

"Please Jisoo. Let me court you again." Tanong niya habang hawak ang mga kamay ko.

What is it Josh? Ano itong nararamdaman ko para sayo?

Bakit parang pareho ko na kayong gusto?

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now