FTLY 42

1.2K 81 27
                                    

SOMEONE

Nakatingin lang ako sa kanila na sweet na sinicelebrate ang first monthsary nila. Napangiti na lang ako.

Malapit na. Mag enjoy ka na Jisoo dahil aagawin ko na ang dapat ay akin.

Malapit na kitang makuha.

Akin ka lang Vlad..

------------

JISOO

Napatingin ulit ako sa singsing na bigay sa akin kanina ni Vlad. Well, it's not an engagement ring of course. Ang sabi niya ay couple ring daw namin ito kaya naman kilig na kilig ako.

"Huy! Matunaw ah." Napatingin ako kay Lisa dahil sa sinabi niya.

"Inlove na inlove ah." Sabi naman ni Rose.

"Wag ka masyado mainlove. Mahirap masaktan sa bandang huli kapag hulog na hulog ka na." Humuhugot na naman si Jennie. Mukhang war sila ni Jimin.

"Lalim ng hugot ah." Pang aasar namin sa kanya.

----------

"Baby hindi kita mahahatid pauwi mamaya ah. May kailangan kasi akong puntahan." Napatingin ako kay Vlad dahil sa sinabi niya.

Nandito kaming lahat sa cafeteria para maglunch.

"Pwede bang malaman kung saan?" Tanong ko.

Napansin kong naging uneasy siya kaya naman hindi ko na lang pinilit na sagutin niya.

"Alam mo ba kung saan nagpupunta si Vlad lately?" Tanong ko kay Josh.

Siya kasi ang maghahatid sa akin pauwi ngayon. Nandito kami sa kotse niya.

"W-wala ah." Defensive niyang sagot. "Hindi ko alam."

And with that nagsimula na akong maghinala.

-----------

Isang buwan. Isang buwan na ang lumipas na hindi ko na nakakasama ng maayos si Vlad. Palagi siyang may gagawin after school hours. Ayoko mang isipin pero nagdududa na ako sa kinikilos nilang pito.

"Nakakainis na Jin!" Nagulat kami ng biglang ihagis ni Rose ang cellphone niya. "Cancel na naman ang date namin!"

Linggo ngayon at nandito lang kami sa bahay. Well, hindi lang ako ang nakakatanggap ng cold treatment galing sa boyfriend. Yeah, you heard it right. Mag on na sila Rose at Jin. Same as Jennie and Jimin.

"Hindi ba kayo nagtataka? I mean, isang buwan na silang ganyan. Hindi kaya nambababae na sila?" Hinala ni Jennie.

"Sila pa ang may ganang maghanap ng iba? Duh! Neknek nila!" Sagot ni Rose habang tinatanggal ang make up niya.

Pero hindi ko maiwasang hindi mag isip.

Is Vlad cheating on me?

------------

JIMIN

Napahawak na lang ako sa sintido ko habang pinapakiramdaman ang cellphone kong kanina pa nag vivibrate. Kanina pa tumatawag si Jennie pero hindi ko masagot dahil nakakasawa ng magsinungaling sa kanya.

"Anak ng tokwa naman kasi oh! " Napatingin kaming lahat kay Jin ng bigla siyang sumigaw. "Ano ba kasing problema ng piggy gang na yan? Nananahimik na tayo manggugulo pa?!"

Bago kami magtransfer sa Montellano University ay isa kaming sikat na gang sa Trinidad University. Marami kaming nakalaban at hindi naman sa pagmamayabang pero kami palagi ang panalo. Isa na sa natalo namin ay ang grupo ni piggy. Bago pa kami lumipat sa MU ay nag quit na kami sa gang world hindi dahil naduduwag kami kundi dahil gusto na naming matahimik at magbagong buhay pero heto nga at gusto kaming bawian ng gang ni piggy at dinadamay pa ang mga girlfriends namin.

"Anong plano Vlad?" Seryosong tanong ni Johnny. Si Vlad kasi ang leader namin dati.

"Deal with them. Tapusin na natin 'to." Seryosong sagot ni Vlad.

"Pero marami ang member ni piggy." Sabat ni Raphael.

"I'll ask Alex for help." Kung natatandaan niyo pa si Alex siya yung nakalaban na din namin dati na kinidnap pa si Jisoo sa sobrang pagka obsessed niya.

Nagkatinginan kaming lahat at nagkibit balikat. Tama naman siya. Kung hindi pa namin tatapusin ito baka lalong magkagulo.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now