FTLY 10

2.2K 122 22
                                    

This chapter is dedicated to @mariaclaraph dahil siya ang kauna unahang nagcomment sa story na ito hahaha. Salamat po 😀

-----------

JISOO

Nakakaasar!

Nakakainis!

Nakakahiya!

Argh! Bakit ba napakamalas ko?

"Tara na Jisoo. Kain na tayo. Malelate na tayo." Sabi ni Ana habang nilalagay ang make up kit niya sa bag niya. Tinignan niya ako ng mapansin niyang hindi pa din ako gumagalaw. "Girl! Okay lang yun. Isipin mo na lang nakita ka nilang naka two piece. Nasa beach tayo kunwari."

Kahit na! Kahit nasa beach ako hindi naman ako nagsusuot ng ganun. Nung nag beach nga kami last year ng mga pinsan ko naka short at t-shirt ako eh. Nakakahiya talaga.

Sa huli wala pa rin akong nagawa kundi bumaba na para mag almusal nandoon na silang lahat at isa lang ang masasabi ko.

AWKWARD!!

Hanggang sa makarating kami sa ospital ay wala pa din nagpapansinan. Si Ana nga lang ang nagsasalita sa buong biyahe.

"Okay ka lang?" Tanong ni Johann ng mapansing tahimik ako.

Tumango lang ako sa kanya. Wala talaga ako sa mood. Naaalala ko lang yung nangyari kagabi. Lesson learned. Wag basta basta maghubad ng damit kahit nasa kwarto ka and always lock the f*cking door!!

Napabuntong hininga ako ng matapos ang shift namin. Makikita ko na naman sila. Buong maghapon ko silang iniwasan. Hindi nga din ako sumabay sa kanila maglunch.

"Jisoo." Napatingin ako kay Ana ng tawagin niya ako. Nandito kaming dalawa ngayon sa kusina at naghahanda para sa hapunan namin. "Pakisabi nga kina Vlad na ubos na pala yung chicken natin. Sabi kasi nila gusto daw nila ng adobong manok ngayon."

"Ako pa talaga ang inutusan mo? Nananadya ka ba?" Hindi ko mapigilan na sungitan siya. Para namang hindi niya alam na gusto ko silang iwasan. Tss.

"Hahahaha! Ang ganda mo talaga lalo na pag naiinis hahaha. Pero sige na. Sabihan mo na sila para makapag grocery sila."

"Ikaw na."

"Ikaw na magtutuloy nitong graham na ginagawa ko?" Nanghahamon niyang tanong.

"Edi balikan mo mamaya. Wala pa nga tayong ulam may dessert na agad."

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now