FTLY 57

1.1K 63 11
                                    

VLAD

Nandito na kami sa bagong bahay na binili ni Jimin. Katatapos lang ng binyag ni baby Allen. Kasama ko ngayon sila Kuya Ted at Roxanne. Gusto kasi nilang makilala ang mga kaibigan ko.

Napatingin ako sa paligid. Wala pa din sila Jisoo at Josh.

"Stan, nasaan na sila Jisoo?" Narinig kong tanong ni Rose.

"Nasa ospital pa. Padating na din siguro." Sagot ni Stan habang kumakain ng carbonara.

"Grabe! Sosyalin ka na talaga tisoy!" Sabi sa akin ni Kuya Ted.

"Oo nga tisoy. Teka, nasaan ba yung ex mo?" Bulong naman sa akin ni Roxanne. Bunsong kapatid ni Kuya Ted.

"Uy Vlad! Kain lang kayo ng kain ah." Tinanguan ko si Jimin. Busy sila dahil sa mga bisita.

Kasama namin ang mga kaibigan ko sa iisang table. May dalawang upuang bakante para kina Jisoo at Josh. Nakakwentuhan na din sila nila Kuya Ted.

"Jisoo!" Napatingin ako sa kinakawayan ni Lisa nang marinig ko ang pangalan ni Jisoo.

Magkasama sila ni Josh at kararating lang. Nakahawak si Jisoo sa braso ni Josh at nakangiti sila pareho habang naglalakad palapit sa amin.

Nag iwas agad ako ng tingin nang makita kong napatingin sa akin si Jisoo.

"Ang tagal niyo." Bungad ni Rose sa kanila.

"Ang tagal kasi nung kapalitan namin eh." Narinig kong sagot ni Jisoo bago umupo sa tabi ni Lisa.

Nasa tapat ko pa sila.

"Siya ba?" Napatingin ako kay Roxanne nang bumulong siya sa akin. Katabi ko kasi siya. Tumango lang ako at ngumiti.

"May kasama ka pala Vlad." Napatingin ako kay Josh. Nakangiti siya sa akin.

"Ah oo. Sila Kuya Ted at Roxanne. Nakilala ko sila nung naaksidente ako." Sagot ko. "Sila Jisoo at Josh nga pala." Nag hi naman sila sa isa't isa.

Nakita kong nginitian sila ni Jisoo. Kakain na sana ulit ako ng bigla akong hawakan ni Roxanne sa braso ko.

Gulat akong napatingin sa kanya.

"Akong bahala dito. Basta sumakay ka lang sa trip ko." Bulong niya bago siya humagikgik.

-------------

* Jisoo's PoV

Nagulat ako ng hawakan nung Roxanne ang braso ni Vlad. Sila ba?

At ano naman kung sila nga?

"Guys! May sasabihin sana ako sa inyo." Nahihiyang sabi ni Roxanne. "Ang totoo niyan, naging kami ni Tisoy este ni Vlad at ngayon." Tinignan niya muna si Vlad bago ngumiti. "I want to win him back again. Kaya sana tulungan niyo ako." Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin??

"Really? Bakit hindi mo sinabi sa amin Vlad?" Tanong nila.

At ako. Heto at hindi pa yata maprocess sa utak ko ang mga narinig ko. May naging girlfriend siya at kasama niya ngayon. Bakit parang nasasaktan ako?

Napatingin ako kay Vlad. Nakatingin din siya sa akin at nahihiyang ngumiti lang sa pag uusisa ng mga kaibigan namin. Nag iwas ako ng tingin at uminom ng tubig. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Sweetheart, kukuha lang ako ng juice ha." Paalam ko kay Josh.

Gusto kong makaalis dito. Feeling ko anytime iiyak na lang ako bigla.

"Ako na lang." Sabi niya at tatayo na sana pero pinigilan ko agad.

"Ako na lang. Diretso na din ako sa comfort room." Sabi ko at tumayo na.

Hinanap ko agad ang CR at naglock ako sa loob.

Bakit ang sakit? Bakit ang sakit nung nalaman kong may naging girlfriend din siya? May boyfriend din naman ako pero bakit ganito?

Napatingin ako sa salamin.

Mahal ko pa din ba siya?

Mahal ko pa din ba si Vlad?

------------

JOSH

Napalingon ako sa paligid. Bakit ang tagal ni Jisoo? Tumayo ako para sana hanapin siya pero pinigilan ako ni Kuya Jin.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Hahanapin ko lang si Jisoo. Ang tagal eh."

Tinanguan niya ako kaya umalis na ako. Nagpunta ako sa CR pero wala naman siya doon. Wala din siya sa kusina. Wala din siya sa sala kaya lumabas ako. Nakita ko siya sa garden ng bahay nila Jimin. Nakatayo lang siya at nakatingin sa malayo. May hawak siyang wine sa kaliwang kamay.

"Bakit ka lumabas? May problema ba?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanya.

Nakangiti siya sa akin ng lumingon siya.

"I love you Josh." Nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan.

Kahit three months na kami ay hindi pa kami nagkiss sa lips kaya naman nagulat ako dahil siya pa ang nag first move.

Nagsimulang gumalaw ang mga labi niya pero ako dilat pa din ang mata dahil sa gulat. Huminto siya at tinignan ako sa mga mata.

"Kiss me back." Bulong niya sa akin bago ako halikan ulit.

At sino ba ako para tumanggi? The girl I love is kissing me. I close my eyes and kissed her back. I can taste the alcohol in her mouth. Marami na ba siyang nainom?

I just enjoy this moment.

Our first kiss.

------------

Hala! Grabe si Jisoo oh! Hahahaha. Go Josh! Just enjoy the moment..

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now