FTLY 63

1.1K 68 8
                                    

JISOO

"Let's cool off. I know you're in trouble now. Narinig ko ang pag uusap ninyo ni Vlad. I love you Jisoo. Mahal na mahal kita kaya gagawin ko ito. I know you need space and time that's why I'm giving it to you. Follow your heart. Kung sino sa tingin mo ang mas matimbang sa puso mo, go choose him. Just always remember that I'm always here."

Tandang tanda ko pa ang huling sinabi ni Josh noong gabing iyon.
Gusto ko siyang pigilan pero magiging makasarili lang ako nun.

Isang linggo na ang lumipas pero bakit pakiramdam ko kagabi lang nangyari yun? Bakit sobrang sakit pa din?

"Umiiyak ka na naman." Napatingin ako kay Lisa ng marinig ko ang boses niya.

Nandito lang ako sa kwarto ko at nakahiga. Buti na lang restday ko ngayon, hindi ko na yata kakayanin pang makita si Josh na iniiwasan ako. He's literally giving me space.

Naramdaman kong pinunasan ni Lisa ang luha ko.

"Kung hindi mo na kaya nandito lang kami para sayo." Malungkot na sabi ni Rose.

"Miss na namin yung palaging masaya na Jisoo." Sabi naman ni Lisa.

I miss my old self too. Yung walang Vlad. Walang Josh. Yung mga pinsan ko lang ang pinapansin ko. Yung walang heartbreak.

"Hindi pa ba nagpapakita sayo si Vlad?" Lalo akong naiyak sa tanong ni Lisa.

Isa pa ang alien na yun! Siya ang may kasalanan nito pero iniwan ako sa ere ng hinayupak.

Iniwan na naman niya ako.

Bakit ba ako nagdadalawang isip? Nandyan naman si Josh na hindi ako iiwan. Bakit ko pa iisipin yung taong palagi akong iniiwan?

------------

Bago pa ako tuluyang mabaliw sa bahay ay napag isipan kong mamasyal muna para na din makapag isip ako ng maayos. Feeling ko kasi mababaliw ako sa bahay mag isa at bigla na lang akong magbibigti o kaya maglalaslas. Wala pa naman sila Rose at Lisa para pigilan ako.

Namili na din ako ng mga damit at bag since kasasahod ko lang kahapon. Binilhan ko din ng damit at laruan si baby Allen.

Maglalakad na sana ako papunta sa Jollibee nang mapahinto ako dahil sa taong makakasalubong ko.

---------

Nakatingin lang ako sa harapan habang mahigpit ang hawak sa mga paperbag na pinamili ko kanina.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "I'm sorry." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya na nasa parking lot pa din ng mall. Nakahawak lang siya sa manibela.

"I'm sorry for ruining your relationship with Josh."

Natawa ako dahil sa sinabi niya.

"Yun lang? Yun lang ba ang sasabihin mo Vlad? Sorry? Tapos ano? Ngayong nakipag cool off na siya sasabihin mong nagsisisi ka? Sasabihin mong bumalik na lang ako sa kanya dahil alam mong mas sasaya ako sa kanya o dahil alam mo sa sarili mo na iiwan mo pa din ako?" Binuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Ang tagal kong kinimkim ito. "What? Say something Vlad! Yun ba ha? Yun ba ang dahilan kaya nagpakita ka ngayon?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan siya.

Gigil niya si ako!!

Nagulat ako ng halikan niya ako sa labi kaya napatigil ako. What the hell?!

Pinagdikit niya ang mga noo namin bago ako titigan.

"I love you. Nandito ako ngayon para bawiin yung akin talaga. Kung kinakailangan kitang ligawan ulit gagawin ko. Kung kinakailangan kong isaalang alang ang pagkakaibigan namin ni Josh then go. I'll risk everything to have you in my life again. I want you back. I want us back Jisoo." Napalunok ako dahil sa mga narinig ko.

Bahagya siyang pumikit at pinagdikit ang mga ilong namin.

"I miss you so much. I miss you Jisoo. I miss everything about you. I miss holding your hands. I miss kissing you." Nakapikit na sabi niya bago ako halikan ulit.

At bakit ba ako nagpapahalik eh hindi naman kami!!

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now