FTLY 25

1.6K 98 4
                                    

ROSE

"OMG talaga! Narinig niyo yun ah! Crush din ako ng crush ko! Ayyiieehh!" Impit na tili ko.

After ng game kanina ay nagpasya na kaming magpahinga. Nandito na kami ng mga pinsan ko sa kwarto namin dito sa rest house nila Johnny.

"Oo na! Paulit ulit ka!" Bulyaw ni Jennie sa akin.

Masisisi niyo ba ako? Hindi ako masasama sa mga babaeng ang tanong ay "Bakit di ako crush ng crush ko?"

Hay! Feeling ko talaga panaginip lang yung kanina. Hindi ko akalain na crush din niya ako. I mean simple lang naman ako.

Sige na! Maganda kasi ako. Hihi.

"Kung ikaw kilig na kilig, yung isa speechless." Sabi ni Lisa habang nakatingin kay Jisoo na tulala.

Epic naman kasi si Vlad. Ginulat masyado ang pinsan namin.

Nagulat na lang kami ng biglang lumabas si Jisoo ng kwarto.

"Saan pupunta yun?" Tanong ko.

"Magpapalipas lang yan. For sure, gising na gising diwa niyan." Sagot ni Jennie habang nagtetext.

Tss. Eh kung magkita na lang sila ni Jimin sa labas? Kaloka to.

Alas onse na ng gabi pero hindi pa din bumabalik si Jisoo. Kanina pa hindi mapakali sila Vlad. Naghanap na kami kanina pero no where to be found ang lola niyo.

"Damn! Where the hell is she?!" Sigaw ni Vlad.

"I need to find her." Sabi ni Stan na bigla na lang tumakbo palabas ng bahay.

Wala din si Josh ngayon naghahanap pa din. Kababalik lang din ni Vlad galing sa paghahanap.

"Ikaw naman kasi Vlad. Ginulat mo yata sa confession mo kanina." Sabi ni Jin. Ahem! Sabi ng may crush sa akin. Ahihi.

Okay! Tama na muna landi Rose. Pinsan muna bago lalaki.

Napatingin kami sa pintuan ng bigla itong padabog na bumukas. Isang lasing na Jisoo ang bumungad sa amin. Agad namin siyang nilapitan at inalalayan.

"Jisoo wait for me! Lasing ka eh." Dinig naming sabi ni Josh habang nakaalalay din sa pinsan namin.

"Hard headed girl." Iling na sabi ni Stan habang nakasunod kay Jisoo.

"What the hell happened to her? Saan mo siya nakita?" Tanong ni Vlad kay Josh.

"Nakita ko sa parking lot ng bar. Buti na lang may nag asikasong guard sa kanya at wala namang nambastos." Paliwanag ni Josh habang tumutulong sa paghiga kay Jisoo sa kama.

"Bhaket naman ako mag-hik- papabastosh! Sapa-hik-kin ko pa shila ehh!" Sabi ng pinsan naming lasengga na yata at nagkarate moves pa habang nakahiga.

"Kami ng bahala dito boys. You should take a rest now." Sabi ng kapapasok lang na si Lisa na may dalang maliit na planggana at bimpo.

"Okay. I'll talk to her tomorrow." Sabi ni Vlad na nauna ng lumabas ng kwarto.

Nang kami na lang ang nandito ay pinalitan na namin siya ng damit. Kaloka talaga ang babaeng to. Kailan pa siya naging lasengga?

--------

JISOO

Paggising ko kinabukasan ay ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Grabe. Kung hindi ako nagkakamali limang bote ng The Bar ang nainom ko. Paano ko kaya nakaya yun?

At paano kaya ako nakauwi? Sinong nakahanap sa akin kagabi?

Paglabas ko ng kwarto ay mukha agad ni Vlad ang sumalubong sa akin. Bigla ko tuloy naalala kung bakit ko naisipang magpakalasing kagabi. Tsk.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Waiting for you to wake up." Simpleng sagot niya at tinitigan lang ako. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya.

"V-vlad wag ka ngang tumingin ng ganyan." Naiilang na sabi ko.

"Hindi kita tinitignan." Aba't nagdeny pa tong bakulaw na to. "Tinititigan kita."

Feeling ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa buong mukha ko kaya naman tumakbo ako pabalik sa kwarto at naglock ng pinto.

Oh my god!

What the hell is that??

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now