FTLY 9

2.1K 122 9
                                    

This next chapter is dedicated to @Kim_Jichoo. Salamat po sa pagbabasa 😀

--------

JISOO

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tuwing tinatanong ako ng mga nurse kung bakit nandito pa din yung tatlo. 6pm na and obviously ay dapat kanina pa sila umuwi kaya lang ewan ko kung anong trip nila.

Kanina pa sila tinititigan ni Alice pero wala silang pakialam. Busy rin sila sa kanya kanya nilang ginagawa. Si Josh na naglalaro sa phone niya habang nakaupo sa sofa. Si Stan na nagbabasa ng libro habang nakatayo malapit sa pintuan. Hindi ba siya nangangalay? At si Vlad na katabi ni Josh sa sofa habang natutulog.

"Ate." Napatingin ako kay Alice ng tawagin niya ako. "Sabi mo walang nanliligaw sayo. Bakit binabantayan ka nila?"

"Ano kasi eh.. Hmm. Madalas akong magkamali. I mean palpak ako kaya binabantayan nila ako baka kasi may magawa akong hindi maganda." Buti na lang at mukhang naniwala siya dahil napatango siya.

"Oh nandito pa din kayo?" Wala ni isa sa tatlo ang sumagot sa tanong ng kapapasok lang na si Johann. "Ganda mo talaga." Natatawang asar niya sa akin nang makalapit siya sa amin. Inirapan ko lang siya. Kanina pa siya nang aasar.

"Dito ka muna. Kakain lang ako." Paalam ko sa kanya bago tumayo.

"Sama ako. Nagugutom na din ako eh." Nakangiting sabi ni Josh.

"I'm hungry too. Let's eat." Sabi din ni Stan bago ipatong ang libro niya sa mesa.

Nakita ko rin na tumayo si Vlad at bahagyang nag unat.

Seriously? Tatlo silang sasama sa akin?

Nandito na kami sa cafeteria. Gustong gusto ko na silang pauwiin dahil iba na ang tingin sa akin ng mga babaeng nurse dito. Baka isipin pa nila nilalandi ko ang tatlong ito.

"Mauna na kayo sa dorm." Sabi ko habang kumakain ng burger.

"Why? Almost 2 hours na lang naman. Hintayin ka na namin." Sabi ni Josh.

"Hindi na. Mauna na kayo. Nakakahiya eh." Napapakamot na lang ako sa ulo. Ang kukulit ng mga ito.

"We'll wait for you. Baka kung saan ka na naman pumunta at may makilala ka na namang lalaki. Babae ka. Gabi na at hindi mo masyadong alam dito." Seryosong sabi sa akin ni Stan.

"Okay. Pero kailangan ba tatlo talaga kayo?"

"Just eat Villarama. You're talking too much." Bossy na sabi ni Vlad kaya napairap na naman ako.

"Last question na. Type niyo ba si Johann?" Tanong ko na naging dahilan kung bakit sabay sabay silang nabulunan.

Pagkatapos nilang uminom ng tubig ay tinignan nila ako ng masama. Ngumiti na lang ako ng alanganin at nag peace sign.

"What the hell?" Seryosong sabi ni Stan.

"Are you serious?" Napapailing na sabi ni Josh.

"Do we look like a fucking gay Villarama?" Inis na tanong ni Vlad.

"Joke lang. Masyado niyong sineryoso. Wag niyong dibdibin may likod pa kayo hehe." Awkward kong tawa.

Napailing na lang sila.

Pagdating namin sa dorm ay nanonood sa sala sila Ana at Troy.

"Kamusta naman ang pagbabantay nila sayo?" Nakangiting tanong ni Ana. Dumiretso kasi ako dito sa kwarto at sumunod naman siya. "You're so lucky talaga girl! Ako yung kinikilig sa inyo eh." Mukha nga siyang mas kinikilig sa akin.

"They're just bored. Wala silang magawa kaya ako ang napagtripan." Sagot ko bago hubarin ang uniform namin. Pareho naman kaming babae so okay lang.

"Wow ha. Sabay sabay silang mabored." Sarcastic na sabi niya.

"You know what." Lumapit ako sa kanya. "Feeling ko type nila si Johann." Bulong ko sa kanya.

"What?!" Pasigaw niyang tanong habang nanlalaki ang mga mata.

"Ang ingay mo. Binulong ko nga lang eh. Wag kang maingay baka..-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at hinihingal na nakatingin sa amin ang apat na lalaking kasama namin dito. Lahat sila ay gulat na nakatingin sa akin.

"A-anong nangyari b-bakit sumisigaw kayo?" Tanong ni Troy pero sa iba siya nakatingin.

Tinakpan ko ng damit ang katawan ko ng may marealize ako.

"Aaahhhhhh!!!" Sigaw namin pare pareho ng magkatinginan kami.

Nagmadali silang lumabas at isarado ang pinto.

I'm only wearing my brassiere for pete's sake!!

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now