FTLY 58

1.2K 57 7
                                    

JISOO

Paggising ko kinaumagahan ay sobrang sakit ng ulo ko. Buti na lang at restday ko ngayon.

"Anyare sayo teh?" Tanong sa akin ni Rose.

"Hangover. Naparami yata ang inom ko nung wine kahapon. Masarap kasi eh." Sagot ko kahit ang totoo niyan ay uminom ako para kahit papaano mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Kanina parang gusto ko na lang wag gumising dahil naalala ko ang ginawa ko kahapon. I kissed Josh on his lips.

Alam ko namang normal lang yun pero syempre nahihiya ako no! Ako pa ang nag first move!! Ano na lang ang iisipin niya sa akin? Napapikit ako ng mariin.

"Bigla kang nawala nung sinabi ni Roxanne na naging sila ni Vlad at gusto niyang maging sila ulit." Napatingin ako kay Rose, seryoso siyang nakatingin sa akin. "Are you jealous? Mahal mo pa ba si Vlad?" Saglit akong natigilan sa tanong niya pero nakabawi ako agad.

"Hindi na, okay. Mahal ko si Josh." Sagot ko bago inumin ang kape ko.

Speaking of Josh, I promised him na magdedate kami ngayong restday namin.

Kinuha ko ang phone ko and dialled his number.

"Good morning sweetheart. Kanina pa kita gustong tawagan kaso ayaw kong maistorbo ang tulog mo." Malambing niyang bungad sa akin. Who wouldn't fall for him?

"Good morning too. Medyo masakit lang ang ulo ko. Hmm. Punta ka dito. We have a date right?"

Gusto ko siyang makasama. Yung kaming dalawa lang talaga. Baka kaya parang naguguluhan ako dahil wala na kaming quality time dalawa.

"Okay. Be there in 30 minutes. See you sweetheart. I love you."

"I love you too. Take care."

-----------

RAPHAEL

Busy ako sa pagddrive nang mapadaan ako sa restaurant kung saan nagtatrabaho si Lisa. Napahinto ako ng makita ko siyang lumabas. Mag uuturn sana ako para ayain siyang magsnack pero nakita kong may lumabas din na lalaki kasunod niya. Nakasuot din ito ng kapareho niyang uniform, ang pinagkaiba lang naka palda siya at syempre black pants sa lalaki. Co manager niya siguro.

May kasama na pala siya..

Nakita kong pinagbuksan siya ng pinto ng kotse nung lalaki.

Well, I guess I'm late again. Napangiti na lang ako at nagmaneho na ulit.

I like Lisa from the start pero sa aming magkakaibigan ako ang pinakamagaling magtago ng feelings kaya naman walang nakakaalam kahit sino. Sinarili ko na lang lalo na ng malaman kong may gusto siya kay Josh. Hindi naman siya umamin but I can see it through her eyes. The way he looks at Josh is very different when she is looking to someone.

I feel sorry for her when Josh still pursue Jisoo but I can't blame my friend. Jisoo is so unique. Siya yung tipo ng babaeng kapag nasa harapan mo na wag mo nang pakawalan pa. Like Lisa. Yun nga lang sobrang torpe ako at alam ko namang wala talaga akong pag asa sa kanya.

Pagdating ko sa company ay binati ako agad ng mga empleyado namin. Papasok na sana ako sa office ko nang may mapansin akong parang mali kaya napahinto ako.

Bumalik ako sa mesa ng secretary ko at doon ko napagtantong may mali nga.

Dali daling tumayo at yumuko ang babaeng nakaupo sa pwesto ng secretary ko.

"Who are you?" Tanong ko sa babae.

"Ahhmm. Sir. Kasi po." Kinakabahang sagot niya.

"Who are you? Don't tell me ikaw si Ate Yolly at bumata ulit?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Ahmm. Sir. Kasi po. Anak po ako ng secretary niyo. May sakit po kasi si nanay kaya wala siya ngayon. Pinipilit niyang pumasok pero hindi ko siya pinayagan. Sayang daw po kasi ang araw at sweldo kaya sabi ko ako na lang muna ang papalit sa kanya para makapagpahinga siya. Sorry po Sir. Sorry po talaga." Mahabang paliwanag niya.

"Okay. Basta ayusin mo ang trabaho mo." Sabi ko na lang para matahimik siya kakasorry.

"Opo sir! Promise po." Nakangiting sabi niya.

-----------

Uyy si Raphael! May lihim na pagtingin! Hahahahaha.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now