FTLY 35

1.4K 91 14
                                    

VLAD

Nakatingin lang ako sa magkahawak nilang mga kamay. Mukhang siya ang panalo. Mukhang talo na talaga ako.

"Anong tinitignan mo dyan?" Napatingin ako kay Stan dahil sa tanong niya. "So siya pala? Sabi na nga ba. May napili na siya." Mapait siyang ngumiti at umalis na din agad.

May napili na siya? Napatingin ulit ako kina Jisoo at Josh. Ibig sabihin siya talaga ang napili?

-------

Kinabukasan ay nakasalubong ko si Jisoo, nagkatinginan lang kami saglit pero ako na ang umiwas ng tingin at naglakad na ulit pero nagulat ako ng tawagin niya ako.

"Vlad." Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin lang din siya sa akin. "Sorry."

Sorry? Para saan? Para sa pambabasted sa akin? O dahil si Josh ang pinili mo at hindi ako?

"Okay lang. Hayaan mo na." Sa huli ay yun lang ang nasabi ko.

"No. Hindi mo naiintindihan eh."

"Ang alin? Alin yung hindi ko maintindihan? Ahh, kung bakit hindi ako yung napili? Naiintindihan ko naman eh. I respect your decision."

"Pwede ba patapusin mo muna ako?" Naiinis na tanong ni Jisoo. "Vlad." Huminga siya ng malalim bago magsalita ulit. "Gusto kong malaman mo na.."

"Honey! I'm here!" Sigaw ng babaeng nasa gilid namin ngayon kaya natigil sa pagsasalita si Jisoo.

"Monique?" Nagtatakang tanong ko. Bakit siya nandito sabi ko hintayin niya ako sa parking lot eh.

"Ang tagal mo. Kanina pa ako sa kotse mo. Ihahatid mo ako right." Sabi niya sa akin at kumapit sa braso ko. Napatingin naman siya kay Jisoo. "Oh you're with someone pala. Hi, I'm Monique, Vlad's girlfriend."

"Monique!" Saway ko sa kanya.

--------

JISOO

Girlfriend? So may girlfriend na pala siya? Natawa na lang ako habang pinipigilan ko ang luha ko. Nakakaiyak lang. Kung kailan handa na akong sabihin na siya ang pinili ko eh may iba na pala siya.

Niyakap ko na lang ang unan ko at pinikit ang aking mga mata.

Kasabay ng pagbagsak ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

Bakit? Bakit Vlad?

Kinabukasan ay tamad akong naglalakad papunta sa classroom namin at kung sinuswerte ka nga naman. Si Vlad at yung babae pa niya ang makakasalubong ko.

"Oh my god babe! Buti na lang talaga nagawan natin ng paraan para classmates tayo. Lagi na kitang makakasama."

Ewan ko kung malakas ang pandinig ko o talagang pinarinig sa akin nung babaeng yun ang sinabi niya. So? Classmate ko pala siya? What a life?!

Kanina ko pa gustong buhusan ng mainit na tubig ang mukha ng babaeng ito. Like seriously?! Maghapon na siyang nakakapit kay Vlad. Ano siya unggoy? Linta? Para namang mawawala si Vlad kung makakapit. Nakakairita silang makita.

Sus! Nagseselos ka lang eh.

Che!

"Okay ka lang Jisoo?" Napatingin ako kay Josh nang tanungin niya ako.

Tumango lang ako bilang sagot.

Nandito na kaming lahat sa cafeteria at kung minamalas ka nga naman kasama din namin yung Monique.

"Buti naman pinayagan ka ni Tito Anton na dito mag aral." Sabi ni Raphael kay Monique. Yes. Kakilala nila si linta.

"Yes naman Raph no." Maarteng sabi niya at kumapit na naman kay Vlad. "Papayag talaga siya kasi si Vlad ang maghahatid at sundo sa akin palagi. Right babe?" Pa sweet pa. Tss.

Napatingin silang lahat sa akin ng bigla akong tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Stan.

"Hindi mo pa nagagalaw pagkain mo ah." Sabi naman ni Jennie.

"Bibili lang ako ng tinapay." Sagot ko bago umalis.

Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Ako na ang bibili. Stay here." Sabi ni Josh.

Wala na akong nagawa ng tumakbo siya paalis.

"Wow. Consistent pa din pala si Josh sa panliligaw sayo?" Tanong sa akin ni Jin.

"Pinatigil ko na sila." Napatingin ako kina Vlad pero iniwas ko din agad ang tingin ko ng magtagpo ang paningin naming dalawa.

"Jisoo ito na oh." Napatingin ako kay Josh nang iabot niya sa akin ang tinapay na binili niya.

Ewan ko kung anong pumasok sa isipan ko pero bigla ko na lang siyang hinila palayo sa kanila.

Palayo sa kaniya.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now