FTLY 11

2K 131 31
                                    

Enjoy this chapter with VSoo couple 😍😀

--------

JISOO

Sa wakas! Natapos din ang duty. Nakakapagod pero masaya naman kasi gumagaling na si Alice. Gustong gusto niyang labanan ang sakit niya. Pagkauwi namin sa bahay ay nagkanya kanya na muna kami. Last day na kasi ng duty namin sa susunod na araw kaya kailangan na naming umpisahan ang reaction paper namin.

Pababa ako sa kusina para sana kumuha ng chips nang makita ko na nandoon din si Vlad at umiinom ng tubig.

Nagkatinginan kami saglit bago ako dumiretso sa drawer para kumuha ng chips. Nakakailang kasi. Nakasando lang siya. Hindi naman kalakihan ang biceps pero ang masculine pa din ng dating. Why so gwapo Smith?

Umiling ako para mawala ang kahalayang naiisip ko. Oh tukso! Layuan mo ako!! Hahaha. Charot!

"Chips ba hinahanap mo? Naubos na yung stock kahapon eh." Wahhh!! Kinakausap niya ako? Ay hindi! Yung multo. Lumingon ako sa kanya para naman makita ko kung gaano siya ka yummy este ka hot este para pala hindi naman ako bastos. "Mag gogrocery ako. Sama ka?"

Oh my gosh!! Is he asking me on a date?

Gaga! Syempre hindi. Grocery lang teh! Wag assuming!

Wag ka ngang basag trip dyan!

Okay!? Inaaway ko na ang sarili ko. Poor me. Ajujuju.

Pero sasama ba ako?

Aba! Oo naman no! Choosy ka pa ba? Yummy yan!

Pakipot kaya muna ako? Baka sabihin niya bet ko din siya makasama?

OMO! What to do?

Nandito na kami ni Vlad sa supermarket. Oo! Sumama ako. Well, kawawa naman kasi siya wala siyang kasama.

Sus! Aminin mo na! Gusto mo din siyang makasama!

Tss! Oo na! Oo na! Masaya ka na?

Nababaliw na naman ako. Hay.

"Kumuha ka na ng gusto mo." Sabi niya habang tinutulak ang cart.

Okay. Kumuha pala ng gusto ko ah.

Kumuha ako ng dalawang piattos yung roadhouse barbeque flavor, dalawang chippy, isang cheese ring, dalawang mr.chips, isang cracklings.

"Mauubos mo ba yan?" Tanong niya.

"Oo naman. Akin lang yan ah. Ikaw na bahala kumuha para sa mga kasama natin. Ito pa." Nilagay ko pa ang isang roller coaster at isang mang juan. Take note lahat malalaki hahaha. "Punta tayo sa drinks mamaya ah. Bibili ako ng coke at royal." Napailing lang siya sa sinabi ko.

"Ang takaw mo. Saan mo nilalagay ang mga kinakain mo? Hindi ka naman tumataba."

"Wow! Ang gwapo ni kuya."

"Bagay sila nung girl. Maganda si ate."

"Gusto ko ng ganyang boyfriend yung susuportahan ako sa lahat ng gusto kong kainin."

"Ang swerte naman nung girl."

"Chix pare."

"Ang ganda."

Yan yung mga naririnig namin habang naglalakad hanggang sa makapagbayad kami sa counter.

All in all. Anim na malalaking plastic ang dala namin. Kukunin ko sana yung dalawa kaso sabi niya siya na lang daw. Nilagay na namin sa kotse ang mga napamili namin.

"Smith, punta muna tayo sa jollibee. Gusto ko ng burger." Sabi ko sa kanya nang istart niya ang kotse.

"Ang takaw." Napapailing na sabi niya.

Nag drive thru kami. Bumili siya ng burger with fries and coke. Yum.!

Buti na lang bumili kami ng pagkain traffic kasi eh tapos ang tahimik pa ng kasama ko.

"Smith." Tawag ko sa kanya bago kumagat sa burger na hawak ko.

"Hmm?" Hindi man lang siya lumingon sa akin. Napakabait talaga niya. Tsk.

"Pagbalik sa Manila pwede ba kitang maging kaibigan?" Tanong ko at napatingin siya sa akin. Napansin kong namumula na naman ang tenga niya.

"Why?"

"Ang tipid mo naman magsalita. May pinag iipunan ka ba?" Sumubo muna ako ng fries bago magsalita ulit. "Masama ba? Bawal bang maging kaibigan ka?"

"Ang ingay mo talaga. Kumain ka na lang dyan."

"Sagutin mo muna ako. Pagbalik sa Manila friends na tayo ah."

"Bakit doon pa? Hindi ba pwedeng ngayon pa lang maging kaibigan na kita?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Wala namang kakaiba sa sinabi niya pero bakit biglang dumagundong ang dibdib ko?

Bakit bumilis ang tibok ng puso ko?

"Mag aalok ka dyan tapos tatahimik ka." Nakangiting sabi niya habang umiiling.

Omg!

Ngumiti siya!

Nginitian niya ako!

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now