FTLY 44

1.3K 81 3
                                    

Dedicated to Enthralled_pixie17. Thank you so much for waiting. Kamsa!! 😚😚

----------

JISOO

Ngayong gabi na ang laban nila Vlad. Nandito kaming lahat sa hideout nila. Nandito na din sila Alex at mga ka gang niya at naghahanda na.

"Hindi ba talaga kami pwedeng sumama?" Dinig kong tanong ni Jennie.

"Jennie babes, mas safe kung nandito kayo. Tago itong hideout kaya hindi nila kayo magagalaw habang nakikipaglaban kami." Paliwanag ni Jimin sa kanya.

Napatingin ako sa mga kaibigan namin. Ang sabi ni Vlad mano mano ang napag usapang laban pero madumi daw makipaglaban ang kalaban nila kaya naman naghahanda din sila ng mga baril at mga balisong.

"May idea ba kayo kung ilan ang makakalaban niyo?" Tanong ko kay Vlad na ngayon ay nag aayos ng baril.

"Pina imbestigahan ko sila. Nalaman ko na mahigit sa seventy ang ka grupo ni piggy." Sagot niya.

Napatingin ako sa kanila mahigit fifty sila siguro naman ay kakayanin nila.

"Please be safe baby." Sabi ko at niyakap siya. Niyakap din niya ako pabalik.

"I will baby. So just wait me here. Dito lang kayo at wag lalabas hangga't hindi pa kami nakakabalik. You're all safe here. Kumpleto lahat ng kailangan niyo dito at may mga pagkain na din sa kitchen." Malambing niyang sabi sa akin.

------------

Kinabukasan ay maaga kaming nagising na magpipinsan akala namin maaabutan namin sila sa sala na tulog dahil sa pagod pero nagkamali kami.

Wala sila doon.

"Kinakabahan na ako. Bakit wala pa din sila?" Kinakabahang tanong ni Jennie.

"Jin's not answering my calls." Naiiyak na sabi ni Rose.

"We just have to wait. Sabi nila babalik sila right? Magtiwala tayo sa kanila." Pinilit kong maging matatag kahit kinakabahan na din ako.

You promise me Vlad. You promise me..

Hapon na pero wala pa din sila. Hindi din nila sinasagot ang tawag namin. Gusto ko ng maiyak pero hindi ko magawa. Pare pareho ng umiiyak ang mga pinsan ko dapat may mag comfort sa kanila.

Sabay sabay kaming napatayo ng makarinig kami ng sunud sunod na pagpatay ng makina ng sasakyan. Tumakbo agad sila Jennie at Rose para buksan ang pintuan. Sumalubong sa amin ang mga mukha nilang puro pasa at sugat. Lumabas ako ng hindi ko siya nakita.

"Vlad?" Tawag ko pero wala ng tao sa labas. "Nasaan si Vlad?" Tanong ko pagpasok ko sa loob.

Lahat sila ay napayuko sa tanong ko kaya naman kinabahan ako lalo.

"Where is Vlad? Bumili ba siya ng miryenda? Dapat sinabi niyo maghahanda na lang kami ng pagkain." Pinilit kong wag ipahalata na naiiyak ako pero lahat sila ay nakayuko pa din kaya hindi ko na napigilan at tuluyan na akong naiyak. "Tell me where is Vlad?! Where the hell is my boyfriend!" Sigaw ko habang umiiyak.

"Jisoo." Napatingin ako kay Josh ng tawagin niya ako. "Sorry."

"What are you talking about?"

"Niyaya ni piggy si Vlad sa ibang lugar para daw sila lang ang magtuos. Pinigilan namin siya pero ayaw niyang magpapigil. We waited for him. Hanggang sa wala. Hindi siya bumalik." Paliwanag niya.

"No. Babalik yun. He promised me." Napaupo ako sa sahig. "Nangako siya eh. Sabi niya babalik siya kaya maghintay lang ako dito."

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin.

Bakit Vlad? Tumupad naman ako sa pangako kong maghihintay lang dito ah. Bakit ikaw? Bakit hindi ka bumalik?

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now