Valentine's Special Chapter [1.2]

2.2K 77 3
                                    

Enjoy guys.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Rolly's Pov

Naglalakad ako habang hawak-hawak ang kamay ng babaeng ito. Teka bakit ko ba siya hinila? Ay ewan, minsan nagiging padalos dalos ako. Hays. Hayaan na nga.

"Oy kumag! Saan mo ako dadalhin?" Tanong ng kasama ko. Nagkibit balikat lang ako at hinila siya papasok sa dala kong kotse. Pinaandar ko narin ito at nagsimulang magpatakbo.

"Ayaw mo sagutin? Di wag. Bahala ka sa buhay mo." Saad nito habang naka pout. Napapailing nalang ako sa sarili ko kung paano ba ako nagkagusto sa babaeng to.

Flashback

Grade six

Naka-upo ako sa bench ng school habang hinihintay ang punong guro namin. Bagong lipat lang ako mula sa malayong probinsiya. Kung saan iyon, wag niyo nang alamin basta malayo hahaha.

Nagulat nalang ako ng may sumulpot sa harapan ko ang isang lalaki na may kulay ang buhok. Parang yellow na hindi. Ano ba tawag dun? Ewan basta yun na yun.

"Supp bro. Bago ka lang ba dito? Yaan mo, ako na magtotour sayo. Wag mo na hintayin yung panot na iyon mwahaha. Akong bahala sa iyo." Saad niya sakin habang nakangiting aso. Teka aso ba or bulldog? Hahah ewan.

"Oy chano nandiyan ka lang pala. Baliw ito nag cutting ka na naman bumalik ka nga dun!!" Biglang dating ng isang babae. Maputi siya at reddish ang kanyang buhok. May masigla siyang aura. Palaging nakangiti. May kung ano akong naramdaman sa loob loob ko. Ano ba ito? Love at first sight? Teka mali ito. Masiyado pa akong bata para dito. Oh well, siguro crush ko siya. Yun na yun.

Napatingin siya sa akin kaya naman napatuwid ako ng upo. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Bago ka rito."

"Ah, oo bakit mo natanong?"

"Hindi yun tanong. I'm stating the obvious." Sagot niya sa akin na nakapamewang at nakataas ang kilay. Sungit naman nito.

"Tsk. Eh ano ngayon? Pake mo ba?" Matigas na tugon ko sa kanya. Tinaasan niya ulit ako ng kilay. Yung tipong haggang langit ganun kataas.

"Hay. Alis na nga ako, baka mapagkamalan nilang may kasama akong pulubi." Saad nito tsaka siya nag lakad paalis. Napayukom ako ng kamao. Kaasar.

Sa wakas at dumating narin ang panot na lalaki. Si prinsipal pala. Iginaya niya ako papunta sa office niya at kinausap ako tungkol sa mga bagay-bagay. Siguro kung nagtataka kayo kung bakit mag-isa ako, ang sagot diyan ay sanay akong mag-isa. Sanay akong lumuluwas mula sa aming probinsiya at kung saan saan napapadpad. Mayaman naman kami kaya walang problema pagdating sa pera. Maalam din ako sa mga bagay-bagay at may mataas na survivability skills kasama na ang communication skills, technology skills, at mataas na antas ng edukasyon. Sumatutal ay matalino ako at kaya ko nang buhayin ang sarili ko. Lumuwas ako dito para sa panibagong adventure. Natagpuan ko ang paaralang ito at marami ang nagsasabing maganda raw rito. Sinubukan ko and I found out na maganda nga. Mula sa labas ay may malaking gate na kulay ginto. May malaki itong field. Nagtataasang mga puno at building. Sobrang lawak ng school na ito. Worth it naman pala ang pera na ginastos ko rito. Hindi narin problema ang tutulugan ko dahil mayroong cottages dito sa loob mismo ng school. In overall, maganda. I like it.

Matamang kaming nag-uusap ng may biglang pumasok na babae na wala manlang katok sa pintuan. Pumasok ang isang babae na may red ang buhok.

"Oh miss Tacipit, anong problema?" Tanong ng prinsipal

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon