An/ chiennedc ito na ang pinakahihintay mo hahaha.
Silent signing in
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Wina Ayson Dela Cruz Pov
"Kuya!! Akin na kasi! Ang duga mo!" Habang pinipilit abutin ang pagkain ko kay kuya.
"Ayoko nga bunso! Hahaha. Akin nalang kasi ito at bibilhan kita ng Nerve Gear. Ano payag ka?" Saad ni kuya. Matagal na akong naghahangad ng Nerve Gear para makapaglaro ng New Life Online: Battle Against the Darkness. Isa itong sikat na VRMMORPG na dinadala ang consciousness mo sa gameworld. Parang kay Kirito my loves sa Sword Art Online. Yung Anime noon. Pero sana hindi maging ganun yung NLO. Siguradong marami ang madadamay at mapapahamak.
"Sige!! Sabi mo yan ah?" Nerve Gear na yun eh. Papakawalan ko pa ba?
"Hahaha. Aalis muna ako. Pagbalik ko, ibibigay ko na yung Nerve Gear. Mamaya nalang ulit. Bye bunso!" Kuya
"Bye kuya!!" Saka ako kumaway sa kanya. Pumunta nalang ako sa ref at kumuha ng makakain. Gutom na gutom na kasi ako haha. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko. 3 o'clock palang ng hapon at dahil sa Saturday ngayon ay wala kaming pasok. Humiga ako sa kama at nagbabasa ako ng Wattpad. This app have many books online. Marami ang pwede mong basahin rito. Maraming genres such as mystery, thriller, vampire, chicklit, general, teen fiction, science fiction, adventure, action, romance and such. And the good thing is pwede kang mag sulat rito. Di ko namamalayan na nakatulog na pala ako habang nagbabasa.
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Hmm, maalala ko, nagpakilala na ba ako? Hindi pa? Haha oh sige magpapakilala ako. Ako si Wina Ayson Dela Cruz. Isa lang akong simpleng mag-aaral na nasa ika-sampung baitang. Meron akong tatlong kapatid at ako ang bunso. Yung kausap ko kanina, sya yung panganay samin.
Pagkababa ko ay naroon na si kuya na kumakain. Mabuti naman at siya na yung nagluto. Talagang malilintikan yan sakin kung ako pa ang paglulutuin niya.
"Oh bunso, kain ka muna at pagkatapos pumunta ka ulit sa kwarto mo. Buksan mo yung aparador mo. Wag kang magmadaling kumain. Hindi tatakbo ang Nerve Gear hahaha." Kuya
Kumain lang kami ng kumain. Sa sobrang sarap ng niluto niyang adobo talagang mapapakain ka ng marami. Pagkatapos kong kumain ay diretso na ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang aparador ko at bumungad sakin ang isang parang helmet. Ito na siguro yun. Kinuha ko na iyon at ikinabit sa outlet. Di ko na binasa yung manual dahil alam ko na ito. Memorado ko na kung ano dapat ang una kong gagawin. Pero di ko pa alam kung ano ang pakiramdam sa loob ng game. Although kinakabahn, naeexcite ako. Isa kasi akong MMORPG player. Lahat na ata ng mmo games ay nalaro ko na. Ito lang talaga ang pinaka-aabangan ko. Di naman siguro halatang gamer ako no? Sinuot ko na ang Nerve Gear at humiga.
"Log-in."
Nandito ako ngayon sa room. Sobrang dilim. Maya-maya ay luniwanag naman ito. Kung kanina sobrang dilim, ngayon naman ay sobrang liwanag. Maya-maya ay may lumitaw na babae sa harapan ko.
Welcome player. I am Mathilde. Please enter your in-game name.
Katulad ng dati kong ign sa anumang game.
IGN: Shadow Slayer
Kasunod ay ang paglabas ng mga classes. Pinili ko ang archer. Kadalasan kasi sa mga mmo ay may class na archer. Maganda ang archer dahil may distance ito na pwedeng pang kill sa mga mobs. Pang ks narin hahaha.
BINABASA MO ANG
New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]
Science FictionIt started when the lonely boy Ralph met the famous Zed and his gang. Join Ralph and his friends in discovering secret, finishing quests, solving mysteries, and unlock new features. Until they found a secret they shouldn't know. Secrets about Ralph'...