Ch. 7: The Girl in the Woods

4.3K 180 30
                                    

Chapter 7: The Girl in the Woods

"Haaaaa!!!!"

You killed Cute Savage Wolf Cub! Gained 500 exp.

Level Up: 14>15

Gained 7 stat points.

Gained 3 skill points.

Gained new skill: Fade Attack

Fade Attack:

Category: Basic

Level Cap: 10

Fades after 3 seconds of not moving. Slows the movement speed by 25% and deal 10% additional damage when hit the enemy from behind.

Cooldown: 5 minutes

Agad binuksan ni Ralph ang Skills Tab at minax ang skill. Mayroon siyang 198 skill points na nakuha niya sa mga level up. Masiyadong marami ang kaniyang skill points samantalang dalawa pa lang ang kaniyang skill na nagagamit.

Sa NLO mayroong Random Skill Generator System. Every 5 levels ay magbibigay ang system ng isang skill. From Basic to Gold lang ang maaaring ibigay ng system. Maaaring hindi class related ang skill ang maibigay. Maaaring Passive or Active.

Nilevel niya ang dalawang skills to level 10. Ang dating 15 seconds cooldown ng Stiffling Dagger ay naging 5 seconds na at ang dating 5 minutes cooldown ng Fade Attack ay naging 1 minute na. Though we can't say na malakas ang mga skill na nakuha niya sa system, atleast hindi siya shabby at may silbi rin kahit papaano.

"I'm done. Ok na itong level na ito. Babalik nalang ulit ako bukas."

Bumalik siya sa City at binenta lahat ng mga trash items upang may maidagdag sa kaniyang kakarampot na Spinna. Pagkatapos niya maibenta lahat ay mayroon na siyang 100,000 spinna[1].

Pagkatapos maibenta ay balak niyang bumili ng mga armor at bagong weapon. Hindi kasi kayang icope-up ng dagger ang HP ng mga kalaban. Pahaba ng pahaba ang mga HP bar ng kalaban at pahaba ng pahaba narin ang mga laban. Kailangan niya ng bagong weapon na may mas mataas na damage.

Habang naglalakad siya papunta sa Blacksmith ay may nakita siyang pintuan na may tatak na God's Weapons. Hindi niya ito nakita noong naglibot-libot siya sa City. Isa lang itong maliit na building. Sira-sira ang bubong at puro basag ang bintana. Sa unang tingin isa itong naabandonang building kaya hindi kapansin-pansin. Nacurious si Ralph kaya napagdesisyonan niyang pumasok.

Halos lahat ng bagay na makita niya ay luma at malapit ng masira. Ang lampara na nakasabit sa taas. Mga shelf na halos magiba na. Mga weapons at armors na kinakalawang na. Pati na ang counter na puno ng alikabok. Mga sulok na puno ng sapot. At isang rocking chair na may matandang naka-upo at parang inaalala ang mga kahapong hindi na magbabalik. (Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan. De joke.). Tiningnan ni Ralph ang kaniyang ulo, kulay violet ito na may halong itim.

Sa loon mg laro, may nga uri ng cursor[2] na siyang nagiging palatandaan kung player o NPC[3] ang kausap mo. Green cursor kung player ang kausap mo. Samantalang kapag normal NPC ang kausap mo ay walang cursor. May mga special NPC rin at may kaniya-kaniya silang palatandaaan. Red cursor for killers, a player that killed another player. Orange for those who killed 30 players. Black for those who killed 60 or more. Violet for special NPCs like pets, skill instructors, special quest giver, or simply special and mysterious NPC. And last but not the least, the blue cursor or the GM [4].

Pumunta si Ralph sa shelf at tinignan ang mga items roon. Kakaiba ang mga itsura ng mga items. Karamihan sa kanila ay nagbibigay ng dark aura. May armor, pants, boots, gloves, cloak at isang dagger. Kakaiba ang itsura ng dagger dahil mukha itong shortsword. Ang hawakan nito ay kahoy at ang blade nito ay straight imbes na pacurve katulad ng ibang dagger. At ang armor ay mukhang t-shirt lang na kulay itim. Ang cloak naman ay parang cape na nagamit na sa libo-libong mga laban dahil ang ibaba nito ay punit-punit na. (imagine nalang niyo sa anime capes after fights. Kung di niyo maimagine search niyo nalang. Bala kayo jan.). Hinawakan niya ang cloak at nagulat siya sa kaniyang nakita.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon