「Death Match 7」

1.9K 75 0
                                    

Silent Pov

Isang nakabibinging sigawan ang maririnig sa buong arena. Halos magwala na ang mga manlalarong nanonood dahil sa wakas, ito na ang pinakahihintay nilang. Isang laban sa pagitan ng malalakas. Isang laban sa pagitan ng mga Dragon Slayer (An: Duragon Sureyu? Hahaha) Laban ng sa pagitan ni No. 2 at No. 3.

"Wow partner hindi pa nakakarating sa arena ang dalawang manlalaro pero nag-iinit na ang mga players!" Gm Benj

"I know right! Sa katunayan ay ako din! Excited na ako sa laban na ito. I mean, isang powerful wizard at isang agile ninja! Besides, sila si No. 2 and No. 3 Ranked within the game! Hindi kaba ma-e-excite kapag mga top players ang maglalaban?" Gm Mi

"Actually, excited din ako pero bilang Gm kailangan kong maging compose sa lahat ng oras para naman kapani-paniwalang Gm ako." Gm Benj

"Hmmp. Whatever. Pustahan tayo magsisisigaw ka din kapag nag-umpisa na ang laban." Gm Mi

Habang patuloy sa pag-uusap ang dalawang Gm ay umakyat na sa arena ang dalawang kalahok. Saya, kaba, at pagkasabik ang nararamdam ng dalawang laro dahil sa wakas, malalaman na nila kung gaano na sila kalakas matapos ang dalawang linggong pagsasanay.

"I won't go easy on you." Franchelle

"Same here." Raph

Saktong tumunog na ang timer na nangangahulugang tapos na ang 5 minutong paghahanda. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalawang kalahok at agad silang sumugod sa isa't-isa.

Habang pasugod si Ms. Shadow ay may mga magic circle ang naglilitawan sa kaniyang uluhanan, sa kanan at kaliwa at sa likuran. Tig-apat kaya naman labing anim na magic circle ang agad na lumabas. Pagkabuo ng mga magic circle ay nagsimula itong maglabas ng Wind Arrows at Air Balls na kadalasang nasa first tier skill ng mga magician and it is considered one of the weakest skills for mages.

"Wind Art no. 56: Wind Magic Circles" Ms. Shadow

Oo nga't isa ito sa pinakamahinang skill pero hindi parin biro ang pagkontrol sa kanila. Kahit ang isang average mage player ay kayang kumontrol ng Wind Magic Circles ng hindi bababa sa 4 ang labing anim pa kaya? Patunay lang ito na hindi biro ang player na nag cast ng skill na ito.

Seryoso, gaano ba karaming skill meron ang babaeng ito. Mabuti naman sana kung marami din akong skill, ang kaunti ng skill ko, karamihan mga one-hit at lakas mangonsumo ng mana at stamina. Kung patatagalin ko pa ang labang ito siguradong dehado ako. Mabilis pa namang mag-regen ang mana nila.
Saad ni Shadow sa kaniyang isip habang iniiwasan ang lahat ng mga Wind Arrows at Air Balls na paparating sa kaniya. Tandaan na mabibilis lahat ng travel rate ng mga ito. Isipin kung gaano kabilis ang isang bala kapag ipinutok ang baril ay ganun din kabilis ang mga arrows at balls na papunta sa kaniya.

"Shit ang bilis!" player 1

"Di ko masundan." player 2

"Astig." player 3

Sari-saring komento ang maririnig mo sa arena. Oo ngat mabibilis ang mga arrows at balls pero kumpara ito sa bilis ni Shadow ay parang bolang ibinato ng isang 5 year old child kabilis ang mga ito.

Inaasahan ni Ms. Shadow na ganito nga ang mangyayari pero hindi siya nadisappoint dahil ito nga ang gusto niyang mangyari. Ang madistract ang kalaban. Hindi na ito nagbalak magcast ng mga skill na pagkarami-rami dahil alam naman niyang hindi ito uubra laban sa pambihira niyang bilis.

"Dragon Force Mode: On!"

Naging crystal ang kaniyang kaliwang braso, naging kulay asul ang kaniyang buhok at nagkaroon siya ng cyrstal na pakpak. Sa unang tingin, hindi mo aakalaing ito ang wizard kanina. Naglalabas ito ng kulay asul na aura na nagdadagdag sa karismang kaniyang taglay.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon