Chapter 13: A Glimpse of Future
"Argh, akala ko mamamatay na ako." Hinihingal na saad ni Ralph habang nakasandal sa pader. Nasa locker room siya at kasalukuyang nagpapahinga. Kakatapos lang kasi ng shift niya.
"Ganyan talaga, sanayan lang. Ganiyan din ako nung umpisa. Actually mas malala pa nga sayo eh haha. Mukha akong naghihingalong aso noon." Saad naman ni Kenneth habang tumatawa. Isa siyang katrabaho ni Ralph na nakilala niya.
"Hindi ko alam na famous pala ang restaurant na ito."
"Hindi mo lang alam pero hindi pa ito yung pinakabusy na season ng resto na to."
Mukhang natakot naman si Ralph sa kaniyang narinig dahil nanginig ito ng kaunti. Hindi biro ang kaniyang naging trabaho. Aaminin niyang minsan lang siya magtrabaho dahil walang gaanong tao sa kanilang bahay pero iba talaga ang sitwasyon dito. Dapat hindi ka tumigil ni minsan dahil kapag nalate ka ng kahit isang minuto sa pag deliver ng order nila ay maaaring magcomplain ang mga costumer sa manager. And take note, puro mga highclass ang mga costumer dito so you need to be efficient at wag tatamad-tamad.
"Oh yeah, naglalaro ka ba ng New Life Online? Sikat na sikat yun ngayon. Akalain mo, Pinas ang unang nakabuo ng ganitong High Quality VR game hahahaha. Walang panama ang mga taga Tsina at mga Hapon." Excited na sabi ni Kenneth na para bang siya ang gumawa ng game. Napangiti nalang si Ralph sa inaasta ni Kenneth.
Hindi na pinakinggan ni Ralph ang pag de-daydream ni Kenneth at nagpalit na ito ng damit.
"Oy add moko sa game..."
"Pag-maglalaro ako." Tamad na sumbat ni Ralph at naglakad na ito palabas. Medyo makulimlim na dahil alas-siete ang kaniyang out sa trabaho. Nagsibukas na ang mga street light at makikita mo ang pagkabusy ng mga tao sa paligid, mapa-uwi man galling trabaho, mga sales lady na pilit paring naghahakot ng costumers, mga drivers, mga business man and woman in their formal attire suits. Makikita mo ang aura ng busy, yet successful city.
Habang naglalakad si Ralph sa kalye ay may nakasabayan siyang matanda at paika-ikang maglakad. Hindi klaro kung dahil ba sa kaniyang edad of may masakit sa kaniyang katawan pero mabagal itong maglakad. Halos patapos na ang timer sa paglalakad at wala pa sa kalahati ng kalye ang kaniyang natapos. Napabuntong hininga nalang si Ralph at tsaka naglakad pabalik.
"Manong tulungan ko na po kayo." At dahan-dahang umupo si Ralph sa harapan ng matanda upang makasakay ito sa kaniyang likod.
"Ay salamat iho. Patnubayan ka sana ng Diyos." Ani ng matanda.
"Walang anuman ho iyon." At dahan-dahang ibinaba ni Ralph ang matanda.
"Huh, so medyo mabait ka pala huh?"
Ang hindi alam ni Ralph ay may mga matang kanina nagmamasid sa kaniya.
. . . . .
Sa loob ng isang nakatagong laboratory.
"Are you sure na ilalaunch natin ang event na ito? Alam mo naman kung gaano ka under level ang mga players diba?" kunot noong tanong ng isang lalaki.
"Yes." Isang malamig na tinig ang sumagot sa tanong.
"I understand na kailangan nating padaliin ang operation, pero hindi ba masiyado ng mabilis ang phase kapag idadagdag pa natin ito? Baka hindi nila kayanin yung burden."
"We need to do it. There's no second option."
Natahimik naman ang lalaki sa malamig na sagot na kaniyang natanggap. Umupo siya sa swivel chair at naglabas ng isang sigarilyo. Ipinasa niya ang isa pang sigarilyo sa kasama niya na siyang hindi niya tinggihan at agad itong sinindihan. Pinagmasdan ng lalaki ang kasama niya. Halatang nagpipigil ito ng galit dahil sa higpit ng hawak niya ng mga data habang nagbabasa.
BINABASA MO ANG
New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]
Ciencia FicciónIt started when the lonely boy Ralph met the famous Zed and his gang. Join Ralph and his friends in discovering secret, finishing quests, solving mysteries, and unlock new features. Until they found a secret they shouldn't know. Secrets about Ralph'...