「The Dark World: King Balthazzar」

1.5K 53 10
                                    

Ralph Pov

"So here we are. This is the entrance to the boss lair. Hindi ko alam kung ano man ang mga kalaban dahil hindi ako nagtagal sa loob dahil masiyadong madilim at hindi ako makakita. Kaya kailangan nating mag-ingat. As much as possible, wag hihiwalay. Understood?" Zed

"Yes!"

"Then good. I-oopen ko na." Zed

Inopen ni Zed ang inventory niya at may kung anong something na kinuha siya. Mukha itong susi. Nasa harap kami ng isang malaking pader sa bundok malapit sa third town. Masasabi mong parang ordinaryo lang pero kung titingnan mabuti ay may mga runes na nagkalat dito. Sobrang nipis ang mga runes at sobrang faint ito kaya mahirap talaga makita kung hindi mo susuriing mabuti.

Lumapit si Zed rito at kumatok. Parang may rythm ito dahil minsan malakas, minsan mahina, minsan mabilis, minsan mabagal, minsan pa-isa isa, minsan nag-iislide pa ang pagkatok niya. Para itong password. At hindi nagtagal ay may keyhole na lumabas sa pader. Ipinasok agad ni Zed ang susi at agad pinihit. Hindi nagtagal at bumukas na ang pader at bumungad sa amin ang napakadilim na paligid.

"Mag-ingat." Zed

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob na nakataas pa ang shield. Makikita ang tindi niyang pag-iingat.

"This is much more darker than I thought." Cyrene

"Agreed. Halos wala na akong makita. Walang pinagkaiba kapag pumikit ka." Rolly

Habang nag-uusap sila ay pinapakiramdaman ko ang paligid. Pagpasok kasi namin ay may naramdaman akong nakatingin sa amin. And may naramdaman akong dumaan kanina sa likuran namin. Sobrang bilis nito. Hindi ako sigurado kung ilan to basta alam ko may kalaban.

"Sense already?" Zed

"Yeah. Di ako sigurado kung ilan pero basta may kalaban."

"Kalaban? Bakit wala akong maramdaman?" Chan

"Palibhasa manhid ka kasi." Meynard

"Alright cut it. Mamaya na kulitan." Rolly

Hindi na umimik pa ang iba dahil alam nila kung gaano kaseryoso ang sitwasyon. May isang oras lang kami para patayin ang boss. Two times para i-cast ang secret skill. We need no mistake or else down ang system.

"Gaano ba kahaba ang passage na ito at kanina pa tayo naglalakad? Wala pa ba tayo sa dulo?" Ando

"Mas mahaba pa ito sa akin." Chan

"Oh please bitch. Hindi mahaba yung sayo." Nard

Kahit na medyo dugyot yung pinag-uusapan nila pero tama sila. Mga may pitong minuto na kaming naglalakad pero wala pa kaming nakikita ni isa. As in. Kung hindi pa mag-iingay ang mga kumag ay hindi mo aakalaing may kasama ka. As in, sobrang dilim. Hindi kami lumiko or huminto. Basta tuloy-tuloy lang ang lakad. Wala din akong maramdaman na pader. Para lang itong malawak na field na madilim.

Pagkatapos ng isang oras na paglalakad ay sa wakas nakarating na kami sa dulo. Or not. Kasi pintuan ang bumungad sa amin. Isang plain black door. No design. No color. Just black.

Binuksan ito ni Zed at agad kaming pumasok. Although may kadiliman, hindi ito katulad kanina na sobrang dilim. Sakto lang ang dilim para makita ang mga kasama pero pawala-wala ito. Malawak din ito.

"Look who's here brothers."

"Another prey?"

"Great. I've been hungry for 300 years."

"Worry not brothers. We will have a feast today for they have a good meat and blood."

"You sure have sharp eyes. Indeed. They are fresh and tender."

"And their blood smells fresh."

"""Right hahahaha"""

(""": tatlo yung nagsasalita.)

"You sound like you already won huh?" Zed

"Oh, they're fighting. They're fighting. This is exciting hahahaha."

"Pest, what's your name?"

"Light. And I will kill you three." Zed

"I am Balanar, the 2nd brother."

"I am Bralar, the 3rd brother."

"And I am Balthazzar. The King. Prepare to die.

_________________________________________

An: Alright, di pa tapos ang test namin at hindi pa dapat ako mag-uupdate pero, oh well. Bigay ko nalang ito sa inyo in advance.

Medyo rush kaya sobrang crappy hahaha. Sinulat ko nga ito sa school at hindi pa ako nakareview.

So, abangan next week ang update ko

xxsilentauthorxx

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon