Chapter 3: The Game
'Ang ingay.' Yan na lamang ang nasa isip ni Ralph habang naka-upo at nakikinig sa usapan ng kaniyang mga kasama.
Bukod sa maingay sila, ay walang tigil ang bunganga nila sa kakakwento. Hindi sila nauubusan ng topic. Hindi na nag-oopen ng perverted topic ang mga boys dahil nandito na ang ma babae. Baka kasi maupakan sila ng mga babae kapag nagkataong narinig nila ang usapan about boo*s and p****.(books and pasta)
Sa kanilang usapan ay never pang sumabat o di kaya sumagot si Ralph. Hindi naman sa hindi niya alam ang topic nila, kundi dahil wala siyang balak sumagot. May kaunting trust issue siya kaya hindi pa niya feel na kabilang siya sa grupo. Hindi siya iniignore ng barkada, well, maliban sa isa. Yung katulad niyang tahimik rin kanina pa.
"Ano next period natin?" tanong ni Deborah.
Deborah Tacipit. Siya yung babaeng kulay pula yung buhok. Tama ang hinala ni Ralph na isa siyang masiyahing dalaga. Friendly. At laging nakangiti. Siya ang naunang nakipagkilala sa kanilang tatlo ng mapansing may bagong kasama sina Zed. Mabait siya sa lahat ng mga kabarkada except kay Rolly. Lagi silang nagbabarahan at nagsusumbatan to the point na sumasakit na ulo ng iba. Well hindi naman nila mapigilang mag-away. Hindi naman aabot ang away nila sa tampuhan. Kumbaga yung away nila ay yung tipong away barkada lang.
"Vacant." Tipid na sagot ni Ace.
Ace De Ocampo. The cold girl. Well naka deadpan expression lang ito the whole time. Pareho sila ni Ralph. Pero ang kaibahan ay suamasagot si Ace sa mga tanong ng barkada habang si Ralph ay never pa itong nagsalita simula pa kanina. She got this dark blue hair which is matched with her icy expression.
Sandaling nagnakaw tingin si Ralph sa huling babae sa trio group. Tahimik lang siyang kumakain at hindi nagsasalita simula pa kanina. She's Franchelle Angeli Dela Cruz. She got this black hair with glasses na nagpacute sa kanya. Magkamukha sila ni Zed. Kapag nilagyan si Zed ng wig ay magmumukha siyang Franchelle. Hindi malaman ni Ralph kung anong ugali nito dahil hindi siya mayabang pero hindi rin siya mabait. Kumbaga sa kanilang magbabarkada ay siya lang ang hindi pumapansin sa kanya.
Mukhang naramdaman ni Franchelle na may nakatingin sa kanya kay sandali siyang tumigil sa pagkain at iniangat ang ulo at tiningnan sa mata ang nakatingin sa kanya.
Ralph saw a trace of disgust in her eyes. Pero kaunti lang.
Pagkatapos tignan ni Franchelle si Ralph ay agad itong umiwas ng tingin. Sa totoo lang ayaw niya sa taong ito. He look like a hypocrite kaya hindi niya matago sa mata niya kanina ang pandidiri. Hindi niya alam kung bakit ito narito pero hindi siya nagsalita dahil alam niya si kuya niya ang nagpakilala sa barkada. Ayaw niyang madismaya ang kuya at ang barkada kaya hindi nalang siya nagsalita.
Napansin naman agad ito ni Zed. Kambal sila kaya alam niya ang nasa isip ng kapatid niya. Tumikhim si Zed na siyang nakakuha ng atensiyon ng barkada.
"Nagtataka kayo siguro kung bakit may bago tayong kasama. Actually ako rin. De joke lang. No particular reason. Gusto ko lang ng bagong kasama kasi nakakasawa na pagmumukha niyo. Puro nalang mukha niyo nakikita ko. Nakakaumay na." nakangiting sambit ni Zed.
Napa roll-eyes nalang ang mga babae habang nagsitaasan ng middle finger ang mga lalaki.
Alam nilang nagbibiro si Zed at alam rin nilang hindi talaga ito ang totoong rason. Ngunit hindi na sila nagtanong. Alam nilang hindi basta-basta gagawa ng isang bagay si Zed kung hindi ito sigurado. At isa pa, sino bang walang sikreto? Kung ayaw sabihin, wag pilitin. Baka pumayag. (Joke. Haha.)
"Announcement: Afternoon classes are suspended due to emergency meeting with the school teachers. I repeat, afternoon classes are suspended due to emergency meeting with the school teachers. Good day to everyone."
Sandaling napatigil ang mga estudyante sa kanilang narinig. (At tumigil ang mundo~~ jk.). At ng mahimasmasan sila ay saka sila nagsigawan na akala mo nanalo ng loto. (1b kaya yun.) Siyempre hindi papatalo ang barkada. Sino bang may gusto ng klase sa unang araw ng school? Wala rin namang gagawin kaya mas mabuting wala ng klase dahil tiyak mabobored ang mga estudyante.
"So, san tayo?" naunang tanong ni Rolly.
"Dito nalang. Nakakatamad maglakad eh." Tugon ni Chan habang nakapatong ang kanyang paa sa mesa.
"Di ko feel maglakad." Saad naman ni Ando habang nag-i-scroll sa kanyang phone.
"Same." Bagot na sabi ni Nard.
"Same." Sagot naman ng iba habang may kanya-kanya silang mundo.
Habang nag-i-scroll si Chan ay bigla itong napatayo na siyang nakakuha ng atensyon ng iba.
"Oh f*ck, malapit na palang ilabas yung bagong vr game!"
"Oh? di nga?" Rolly
"Shet oo pala! Magreresearch na ako para alam ko na gagawin ko kapag nasa game na ako." Excited na sabi ni Nard habang hawak-hawak ang phone niya.
"Hahahahahahaha." Biglang tawa ni Zed. Tumayo ito at ini-adjust ang kaniyang salamin with matching liwanag. (Anime style!)
"Tanungin niyo ako about sa game at sasagutin ko lahat!" Zed habang tumatawa ito ng malakas.
Ang mga excited na lalaki ay nandiri sa ginawa ni Zed at hindi na siya pinansin. Ganun rin ang mga babae na maingay ng nag-uusap about sa game. Nabato naman si Zed at malungkot na umupo.
Hindi mapigilang ngumisi si Ralph pero agad din itong nawala. Kinuha niya ang phone niya at nagsearch about sa game. Interesado kasi siya.
New Life Online: Battle Against the Darkness.
Sa pag-advance ng technology, ganun rin ang pag-advance ng games. Kakaunti nalang ang mga PC games dahil nauuso na ang 3D games. At ngayong nabuo na ang virtual reality helmet ay dinala na ang gaming to a new era. Ang mga gumawa ng vr helmet ay naglabas ng bagong game na siyang ilalabas sa buong mundo. At ang nakakamangha nito ay ang mga creator ay taga Pilipinas. Dinaig pa ang mga bansang professional about games katulad ng America, Japan, at China.
Katulad ng ibang RPG games, ang NLO ay may mga quest na maaaring gawin. Meet and greet sa loob ng game. At 97% realism na siyang dahilan kung bakit parang totoo ang paligid. Pwede nang mahanap ang ka-forever mo dahil hindi maaaring baguhin ang kasarian kaya no to males pretending to be females. Pero pwedeng i-alter ng kaunti ang mukha, kulay ng buhok at kulay ng mata.
The game has 3 maps. And in the first map have 5 towns. 5 major jobs. 7 mobs and boss category. 5 item category. A wide variety of bosses with different classes and different elements.
"Hey may naisip ako. Hanapin natin ang isa't-isa. Bawal sabihin ang IGN[1]. Tingnan nga natin kung kaya niyo akong hanapin. Ang makahanap sa akin ay may prize." Challenge ni Deb. May thrill naman kaya game ang mga barkada.
"Ngayon pala ang labas ng head gear[2]. Uwi na tayo para makabili." Chan
"Chill lang guys. Nakapag-advance orders na ako. Lahat kayo mabibigyan. Pati na rin ikaw Ralph. Hahaha. Thank me. Thank me. Dali!" Zed
Hindi na siya pinansin ng barkada at isa-isang tumayo at lumabas ng canteen at iniwan ang nag-iisang Zed na may luha sa mga mata. (Jk)
A NOTES:
[1] IGN- In-Game Name: is the nickname a person gives the character they play as in a (typically multiplayer) game
[2] Head gear- Tawag sa VR helmet nila. Parang sa SAO lang.
P.S. 327 words more than the previous chapter
BINABASA MO ANG
New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]
Ciencia FicciónIt started when the lonely boy Ralph met the famous Zed and his gang. Join Ralph and his friends in discovering secret, finishing quests, solving mysteries, and unlock new features. Until they found a secret they shouldn't know. Secrets about Ralph'...