Ch. 1: Le Ninja Turtle [Revised]

5.1K 194 13
                                    

Zed on media

==================================


Chapter 1: Le Ninja Turtles

"Tsk."

Tanging yan na lamang ang tumunog sa bunganga ng isang binata. Hindi dahil sa galit ito, kundi wala na siyang makain. Nakalimutan niyang bumili ng food supplies kahapon kaya naman badtrip ito. Buti nalang at hindi niya naubos lahat ng pagkain kagabi kaya nireheat nalang niya ito at kinain.

Umakyat siya sa kaniyang kwarto. Bago pa man maligo ay binigyan niya ng makakain ang alaga niyang pusa.

. . .

"Sir, nandito na tayo."

"Salamat manong.,"

Pagkalabas pa lamang ni Ralph sa sasakyan ay nagsilingunan na lahat ng estudyante sa kaniya. Sensitive siyang tao kaya kung may tumingin sa kaniya ay agad na niya itong mararamdaman. Kahit sabihin nating sanay na ang isang tao sa mga ganitong tingin, hindi mo parin maiwasang mainis. Sino bang hindi maiinis kung pagbaba mo palang ay parang pinapatay ka na ng mga matang mapanlait. Hindi na lamang ito pinansin ni Ralph at ipinagpatuloy ang paglalakad sa loob ng school.

Artemis Elite School.

Isa ito sa Top 3 Universities around the Philippines. Isa ito sa may pinaka-advance mag-isip, este, advance na system of education. Kumpleto sa mga gamit. May highly trained teachers. Maganda ang kapaligiran. At higit sa lahat, this is a public school. Mababa lang ang tuition fee kaya maraming mga estudyante ang naaakit na mag-aral dito. Kumbaga, this school is for the rich and the poor.

Hindi maiiwasan ang pagkahati ng mga estudyante rito. Nahahati ito batay sa kanilang social class. May mga poor society, the rich society, the walang pake society, and more. Hindi mawawala ang mga klase ng estudyante. Mga bully, the nerds, the varsities, the celebrities, the queen b*tches at kung ano pang maisip niyo. Kasama si Ralph sa grupong nerds pero ang kaibahan niya sa iba ay isa siyang loner. May mga time na nakikita niya na magkakasama ang mga nerds pero siya ay nasa isang sulok lamang at tahimik lang na tumitingin sa kanila.

Aaminin niyang ang lungkot ng walang kausap. Sinubukan naman niyang makipagkaibigan pero may something na hindi niya magustuhan sa kaniyang mga kausap. It's either plastic ang kausap niya or nandidiri ang kausap niya. Bakit ayaw niyang mag-ayos? Dahil gusto niya ng totoong kaibigan. Yung tatanggapin ka kahit ano ka pa. Sa mundo kasi, bihira ng makakita ng totoong kaibigan. Karamihan kasi nandiyan lang kapag may kailangan. Aapakan ka kapag nadapa. Iiwan kung wala ng pakinabang.

'Di bale na lamang na mag-isa ka kaysa umasa sa basura.'

Ito ang pananaw ni Ralph sa buhay kaya kahit mag-isa siya ay nakakaya niya.

Marami paring mga matang mapanlait ang nakatutok sa kaniya pero hindi nalang niya ito pinansin.

Maglalakad pa lamang siya ng marinig niya ang sigaw ng mga nagtitiliang mga babae.

'Sila na naman siguro.' Ang nasa isip ni Ralph.

May dalawang grupo na sikat na sikat sa buong campus. Ang Five Goddesses at ang Tropa de Puta. Sa tutuusin iisang grupo lamang sila. Ang tawag sa kanila ay Black Pearl.

'Not my concern anyway.'

Pinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad hanggang sa makarating na siya sa kaniyang destinasyon. G10 Section A. Hindi niyo lang naitatanong pero matalino si Ralph. Kabilang siya sa top 3 at laging mataas ang grado sa ano mang subject.

Pagpasok pa lamang niya ay agad nagsitinginan ang mga estudyante sa kaniya.

'Mga mata niyo please. Nakakasawa na.'

Hind na lamang niya ito pinansin at naupo sa may dulo ng room. Wala pang limang minute ng tumunog na ang bell at pumasok ang unanng teacher.

'Introduce yourself na naman siguro.' Saad ni Ralph sa kaniyang isip. Ano pa bang gagawin sa unang araw ng school kundi ito?

Hindi na nag-abala pang making si Ralph dahil para san pa?

"Raphael Angelo Leonardo Donatello Cruz. 16. May 29, 2050." Maikling paliwanag niya noong siya na ang tinawag. Hindi maiiwasang magtawanan ang mga estudyante at magbato ng mga mapanlait na salita. Hindi na lamang ito pinansin ni Ralph. Pasok sa kanan na tenga, labas sa kaliwa ang mga bulungan nila at insulto nila.

Noong natapos na lahat ay walang ginawa ang guro kung hindi magkwento ng mga experience niya sa buhay. Habang ang mga estduyante ay matamang nakikinig, si Ralph naman ay nakatitig lang sa labas.

Habang nagkukuwentuhan ang mga estudyante ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki. Itim ang buhok at may katangkaran. May glasses rin siya pero litaw ang kagwapuhan nito. Cold ang mga mata at aura nito. Magsasalita pa lamang ang teacher ng inunahan na ito ng lalaki.

"Ladies and gentlemen. I'm Franz Edrick Dela Cruz. You may call me Zed at naniniwala sa kasabihang, ang late pumasok, malamang gwapo. And I thank you."

Nagsitawanan ang mga estudyante rito. Hindi rin maiwasang mapangiti ang guro. Habang kinikilig naman ang mga babae.

Naglakad na ang lalaki sa kaniyang upuan. Katabi lang ito ni Ralph dahil wala ng bakante. Pagkaupo niya ay agad niyang tiningnan si Ralph sabay abot ng kaniyang kamay.

"Franz Edrick Dela Cruz bro. Anong pangalan mo?"



A NOTE:

It's 200 words more than the old version :3.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon