An: Para kay WhiteMim dahil nakakatuwa ang mga comments mo. Sana patuloy mo paring basahin ang story na ito.
===================================
Cyrene's Pov
School Canteen
Kasalukuyan kaming kumakain ng barkada sa canteen. At as usual, maingay parin sila to the point na nakaka-istorbo na sila sa ibang estudyante. Hindi naman nila kayang magreklamo kasi pawang mga gwapo ang nag-iingay. Oo na, wala akong choice kundi sabihing gwapo sila. Nakakasuka ang mga mukha nila, except kay Zed na gwapo na, cute pa siya.
Napatingin ako sa katabi ko na hawak-hawak ang kamay ko kahit na kumakain pa kami. I've gotta admit na sobrang possesive ng lalaking ito. Kahit na makipag-usap ako sa ibang kaklase naming lalaki ay nagseselos na ito. Though hindi niya pinapahalata kasi hindi naman siya showy, ramdam ko at kitang-kita ko sa mga mata niya kapag nagseselos ito. Oo na. Selosa din ako. But unlike him, kitang-kita sa mukha ko kung nagseselos ba ako or hindi. Minsan nga eh kung hindi ako makapagpigil kinukurot ko siya. Or di kaya sinasampal, or binabatukan, or kinakagat.Parang naramdaman niya na may nakatitig sa kaniya kaya tumingin siya sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Kaya mas lalo akong naiinlove sa kaniya eh.
"May problema ba? Ma?"
"Wala. Ang gwapo mo lang kasi."
Namula naman siya sa sinabi ko. Zed's weakness 101: isa sa mga weakness niya ay kapag prinepraise siya.
"Oh shut up ma. Kumain ka na nga lang."
Saad niya habang kumakain pero namumula parin ang mukha niya. Now I realized how dumb I was before. Bakit ko ba pinakawalan noon ang isang lalaking sobrang sweet, tapos maalalahanin, sobrang caring niya, sobrang understanding, minsan lang siya magalit. Basta mag-aaway siya unang nagsosorry kahit na kasalanan ko. Kapag pinagbabawalan ko siya sinusunod niya kahit na labag sa kalooban niya.
At ngayon na nagkabalikan kami, masasabi kong worth it. Worth it ang paghihintay ko. Worth it ang pagpapanggap ko. Worth it lahat ng sakit na naramdaman ko. At ngayon na nasa akin na ulit ang lalaking ito, I sewar to God na hinding-hindi ko na ito papakawalan. I don't want to make the same mistake again. Kahit na hindi madali ang pakikipagrelasiyon, basta may tiwala at mahal niyo ang isa't-isa, ay kakayanin lahat ng problema.
Rinnnggggggggg
"Ma, can you go home by yourself? May importanteng lakad lang kasi ako."
I look at him and gave him a nod. Lately ganito nalang lagi. Hindi ko maiwasang malungkot, pero I need to understand him. Baka concern ang pamilya niya dito. Although noon eh lagi niya akong hinahatid pauwi. I miss those days.
"Don't be sad Ma. Let's go on a date this Sunday. How's that?"
Muntik na akong napangiti sa sinabi niya pero pinigilan ko. Mag gagalit galitan muna ako. Gusto ko suyuin niya ako. I pouted and frown.
"Stop that!" saway niya sa akin.
Zed's weakness 101: Pout. Isa sa mga weakness niya ay kung magpapout ako.
Hindi na nga niya napigilan ang sarili niya and he gave me a peck on the lips. Hindi ko na mapigilan at ngumiti nadin ako. See? That's his weakness.
"Arg, you did that on purpose. Again." sabi niya habang nakakunot ang noo.
"You don't like it?" tanong ko sa kaniya habang nakangiti. I don't know why, but I'm enjoying teasing him.
"Ok fine. I like it. And I've gotta go. Sobrang importante lang ito. See you in the game. Pero malelate ako ng pag-log-in ok?" he smiled at me.
BINABASA MO ANG
New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]
Научная фантастикаIt started when the lonely boy Ralph met the famous Zed and his gang. Join Ralph and his friends in discovering secret, finishing quests, solving mysteries, and unlock new features. Until they found a secret they shouldn't know. Secrets about Ralph'...