Silent Pov
Pumwesto na ang dalawang kalahok. Pareho sila ng class ngunit magkaiba sila ng lakas. Kung titingnan, ang isa sa kanila ay mas malakas samantalang ang isa naman ay napakahina. Ang babaeng Shinobi ay may kulay itim na buhok at kulay dilaw na mata at siya ay nakasuot lang ito ng simpleng leather vest, leather pants, leather gloves at leather boots pero may kakaiba rito dahil may mga simbolo na nakadikit sa mga ito. Ito ay tinatawag na enchantments. Ang enchantments ay mga runes na maaaring makuha lamang sa pagpunta sa mga dungeon sites, pagtapos ng mga A Class quest, o di kaya pagpatay ng Epic Bosses. Ang mga runes ay nagsisilbing power-ups para sa mga gamit. Ang isang rune ay may taglay na element na kapag finuse ito sa gamit ay maaaring makontrol mo ang element na nasa rune o di kaya magkaroon ka ng magic resistance sa element na nasa rune. Ang rune ay may pitong element: Fire, Lightning, Poison, Wind,Ice at ang pinakarare sa lahat ang Dark at Light. Maaaring ifuse ng tatlong beses ang rune sa isang equipment ngunit dapat magkapareha ito ng element. Malaki ang tyansang magfail ito pero kung nagsucceed ng tatlong beses ay magkakaroon ka ng tyansang makontrol ang element na iyon at ang mas ikinaganda nito ay ang additional stats. Fire=Str, Wind=Agi, Ice=Int, Poison=Vit, Lightning=Dex, Dark=Agi and Dex, and Light=Str and Vit.
Mabalik tayo sa babaeng ninja, ang kaniyang leather set ay may tatlong lightning runes sa bawat equipment. Ibig sabihin lang nito na maaaring kontrolado niya ang lightning element o di kaya mataaas ang resisitance sa lightning. Ang kaniyang weapon ay daggers na mayroon ding tatlong lightning runes.
Samantalang ang lalaking Shinobi naman ay naka begginers set lamang ito at may dalawang begginers sword sa kaniyang likod. Kung titingnan sa malayo ay talagang mapapaisip ka ng mahina ito o di kaya ay walang laban ito ngunit hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin.
"Shadow." Inori
"Inori." Shadow
"You'll lose." Inori
"Come and try." Shadow
Nagsimula na ang countdown at ang mga manonood ay nagkanya-kanya na sila ng pusta. Marami ang pumusta kay Shadow ngunit mas maraming pumusta kay Inori. Pumatak na sa 0 ang orasan at nagsimula na ang laban.
Nagdash agad papunta kay Shadow si Inori at akmang itinaga nito ang kaniyang dagger sa kaniyang leeg. Kumpyansa siyang natamaan siya dahil sobra ang kaniyang bilis salamat nalang dahil sa nakuha niya ang lightning element. Samantalang si Shadow naman ay hindi umalis sa kaniyang kinaroroonan. Bagamat nagulat siya sa bilis ng kaniyang katunggali, kumpara sa kaniya ay mabagal parin ito. Sa sobrang bilis gumalaw ni Shadow ay kaya niyang ilagan ang dagger na paparating sa kaniya at bumalik ulit sa dati niyang puwesto. Ngunit hindi niya ito ginawa bagkus sinalo ang dagger na papunta sa kaniyang leeg sa pagitan ng kaniyang mga daliri. Nagulat si Inori dahil nasalo ito ng kalaban at mabilis na binunot ang dagger tsaka siya kumuha ng distansiya.
Grr. Paano niya sinalo ang dagger ko?! Mabilis ang paggalaw ko pero parang nakikita niya ako. Tsk. I won't hold back anymore!
Hindi na nga nakapagtimpi si Inori at sunod-sunod na gumamit ng Flash Step at bawat pag-gamit nito ay may tagang papunta sa kalaban. Mabilis lamang itong nailagan ni Shadow na parang nakikita niya ang galaw ng kalaban. At dahil dito ay mas lalong nainis si Inori. Lumayo muna siya at naghanda."Flash Strike!"
Gamit ang lightning element ni Inori at ang ng kaniyang bilis ay nakarating siya agad sa harapan ni Shadow at nagpakawala ng sunod-sunod na hit. Isa, dalawa, tatlo, hanggangsa hindi na mabilang dahil sa sobrang bilis gumalaw ng kaniyang kamay isama mo pa ang kaniyang lightning element at natitiyak na hindi na masundan ng mga manlalaro kung ilang hit ba ang pinakawalan ng naturang Shinobi.
BINABASA MO ANG
New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]
Science FictionIt started when the lonely boy Ralph met the famous Zed and his gang. Join Ralph and his friends in discovering secret, finishing quests, solving mysteries, and unlock new features. Until they found a secret they shouldn't know. Secrets about Ralph'...