「Ruins」

1.8K 72 10
                                    

Raph

Katatapos lang nilang gawin ang ipinapagawa ng job upgrader and luckily, nakapasa silang lahat kaya naman upgraded na mga jobs nila. Halata sa kanilang mukha ang galak at tuwa. Bumalik muna kami sa town dahil may gagawin pa raw sila at bumili muna ako ng maraming mana at stamina potion. Hayaan mo na ang Hp potion dahil may life steal naman ako and bumabase ako sa Hp upang maactivate ang ibang skills ko. Bumili ako ng 99pcs mana at stamina potion. Sa game ay may level ang mga potion at iba-iba ang effects nito sa player. Mas malaki ang level, mas maraming hp/mana/stamina ang mareregenerate. Nahahati ang mga potion sa I, II, III, IV, at V. Ang V ang may pinakamataas na level at ito rin ang may pinakamataas ang effect. At ang V potions ang pinakamahal dahil nabibili lang ang mga ito sa Npc kaya wala kang makukuhang tawad. Wala pa kasing alchemist job dito sa game. Siguro sa mga susunod na update baka meron.

Lumabas na ako ng town at pumuntang NorthEast. Ito lang ang part ng Third Town na hindi pa napupuntahan dahil kulay black pa ito sa map. Hindi pa nga alam ang pangalan kasi "???" ang nakalagay dito.

You have arrived at the Ruined Temple.

"Ruined Temple huh?"

Parang isang Cathedral ito pero malaki. Sobrang laki na parang tore pero wasak-wasak ang paligid nito. Bitak-bitak ang pader, may mga vines na nagkalat sa mga pader at basag-basag na mga salamin ang makikita. Malawak ito at hindi mo makita ang paligid ng mga lugar na hindi mo pa napupuntahan. Ganito kasi sa game, kapag bagong discovered ang isang lugar ay kulay black ang paligid. Tsaka lang ito nagiging visible ang paligid kapag inexplore ito, kaya todo ingat ang mga players dahil hindi mo alam kung anong kalaban ang lalabas.

........

Walang gaanong kalaban sa first floor. Ganun din sa second, third, at fourth floor. Walang kalaban pero maraming mga traps at mechanism. Sobrang dami nito na kahit ako na max ko na ang evasion ay hindi ko maiwasan ang mga ito kaya nababawasan ang hp ko.

Kasalukuyan akong nag-eexplore sa fifth floor. Todo ingat na ako dahil 85% nalang ang hp ko. Mababa lang ang natural regeneration ko kaya mabagal magregen ang hp. Nakarating na ako sa may duluhan at nakita ko ang kakaibang pintuan.

Kalahati nito ay gawa sa bato at kalahati nito ay gawa sa tubig. Masama ang kutob ko rito dahil naglalabas ito ng malakas na aura.

Ngayon ko lang din napansin na naka Lesser Demon God parin ako. Ang tagal ng duration nito. Kung hindi ko lang sinusupress ang aura ko baka matagal ng nasira ang lugar na ito. Teka, masisira nga ba? Lumapit ako sa pader na malapit sa pintuan at sinuntok ito ng pagkalakas-lakas.

Invulnerable. Boss Teritory.

Hmm, so ok lang kapag nilabas ko aura ko. At wait, boss teritory? Kaya naman pala masama kutob ko sa pintuang ito eh.

Lumapit na ako sa pintuan at binuksan ito.

Ancient Serpent of Shynder
Level: 150
Boss Category: Legendary
Hp: ???
Mp: ???

Skills: ???
             ???
             ???

Golem Rock of Ur
Level: 150
Boss Category: Legendary
Hp: ???
Mp: ???

Skills: ???
             ???
             ???

Dalawang boss ang bumungad sa akin. Yung serpent ay gawa sa tubig na medyo transparent ito na parang salamin at mayroon itong pulang mata. Samantalang ang golem ay may taas na 7 ft. at may apat na braso at kamay. Wala itong bunganga ngunit may matang kulay asul. Gawa ang katawan nito sa granite. Mukha talaga itong matigas.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon