Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng alarm clock kong pusa. Pinakain ko na rin siya at ginawa na ang dapat kong gawin.
Nakarating na ako sa school. As usual may mga nakatingin parin sakin. Pero nabigla ako sa mga bulungan nila.
Pre sino kaya nakapatay kay Lycanthrope? Hanep solo pa ah!
Oo nga eh! Lakas nun. Eh sino kayang nakatapos kay Crixalis? Solo din yun!
Baka pareho lang ang pumatay?
Hindi rin. Sabi nila mabilis daw gumalaw yung pumatay kay Lycanthrope. Tanging anino nalang niya ang nakikita kaya pinangalanan siyang Shadow. May nakapagsabi na may aura ito na inilalabas kaya madali lang siyang makita pero mahirap makilala.
Ows? Di nga?
Oo. Tas kay Crixalis naman daw eh sobrang liwanag daw nung lumalaban sabi ng mga nakakita. May white daw na aura. Pero hindi daw nila makita ang mukha kaya Light yung tawag nila.
Grabe!! Ang astig. Sana...
Hindi ko na napakinggan ang huli niyang sinabi. Ano daw? Shadow? Light? Pft. Corny.
Nasa room na ako and to tell you ganun parin ang pinag uusapan nila. Si Shadow and Light. Sino ba kasi mga yun? Nakakaumay na pakinggan. Dumating nadin si Zed at umupo narin sa tabi ko.
"Musta tol! Haha nahanap na kita sa game. Pupuntahan nalang kita mamaya sa town. Langya ka! Ang lakas mo naman pala eh. Hahaha" bungad niya sa akin.
"H-huh? H-hindi ah. Ano ba yang pinagsasabi mo? Hehehe" sagot ko naman.
"Wag mo nga akong lokohin bro. I know and I can see everything kaya wala kang maitatago hahahaha. Nga pala. Gusto daw mag dungeon ng tropa. Sama ka samin mamaya ok?"
"O-ok."
Tanging sagot ko nalang. Dumating na kasi si mam at nagsimula na siyang magdiscuss. Pero may tanong parin ako. Pano niya nalaman? I mean. Argh!! Whatever. Makikinig nalang ako.
Recess.
"Mga pips!! Musta hunting?" Bungad agad ni Chanu kahit nasa may pintuan palang siya. Nasa canteen na kami at kasalukuyang nagmimiryenda. Kasama ko sila Nard, Zed, Athena, Ando, Deb, Rolly, at si Ace. Hmmm. Bat wala yung supladang yun?
" Absent siya bro. May sakit si lil sis." Bulong niya sakin kaya napa "ah" nalang ako.
"Hoy!! Zed at ninja turtle este Raph!! Hanep kayu ah!! T*ng ina niyo ang galing niyong magtago. Waah. Pakyu kayo. Di nyo man lang kami hanapin!!" Pagdradrama ni Chanu. Binatukan siya ni Ace kaya ayun natahimik. Pfft. Nakakatawa silang dalawa.
"Guys. Dungeon tayo mamaya. Para naman makabawi kami ni Raph. And besides. May supresa kami. Diba Raph?" Sabay tingin niya sakin kaya napatingin din ang iba.
"A-ah oo. Oo naman. May supresa kami ni Z-Zed." Sabay yuko ng ulo. Nakakahiya.
"Woooo!! Rak na ituu!!!" Sigaw ni Chanu. Ang lakas at rinig na rinig sa buong canteen kaya naman marami ang napatingin sa amin. Kinuha ni Ace ang plato na walang laman sa table at hinambalos si Chanu. Bagsak si Chanu at mahimbing na natutulog.
"Wahahaha. Weak p*ta. Weak. Pwe!!"
"One hit si manong hahah. Ano? T*ng ina mo! Wala ka naman palang binatbat!"
"Oy picturan natin. Hahaha tapos pagtripan natin mamaya. Langya ka! Makakaganti narin ako sayo!"
Mga pang aasar ng tropa. Nagbell na kaya dali-dali kaming nagsipuntahan sa mga classrooms namin.
BINABASA MO ANG
New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]
Ficțiune științifico-fantasticăIt started when the lonely boy Ralph met the famous Zed and his gang. Join Ralph and his friends in discovering secret, finishing quests, solving mysteries, and unlock new features. Until they found a secret they shouldn't know. Secrets about Ralph'...