Dedicated to @ruby_jul_9. Ito na chapter mo imouto hahaha. Medyo short lang kasi.
-------It's been years since I last saw him. Naalala pa ba niya ako?
Ninja Turtle.
Siguro hindi na. Mga bata pa kami noong huli kaming nagkasama bago kami ng migrate papuntang Japan para doon na tumira.
Still, living here in Tokyo is good. Pero wala paring tatalo sa Pinas.
Ang mainit na simoy ng hangin. Ang mga pasaway sa kalsada. Mga galang aso. Mga tambay sa kanto.
Kung tutuusin, hindi naman ganon ka perpekto eh. Pero this is my birth place. This is my nation. Kahit isa akong haponesa, in my heart I am a Filipina.
"Kanae, babalik ka ba sa Pilipinas?"
"Yes mom."
"That's good. Paki kamusta ako kay kumare, at tignan mo kung meron na ba yung mag-asawang Dela Cruz kasi kailangan na namin ng tulong."
"Alright mom."
Gulat kayo no? That's my mom, Hisaya Sumire. 100% Japanese pero alam niyang magtagalog. Siya yung nagturo sakin para maging fluent ako sa pagtatagalog tho may konting accent. I also know japanese so no worries about living here in Japan.
My mom work as a GM in NLO.
NLO is an VRMMORPG international game. Sobrang sikat nito na kahit ang mga bansang Amerika, Japan, at Europe na sikat sa paggawa ng games ay linalaro din ito. NLO got the best graphics actually. Sobrang smooth ng laro at magaganda ang ideas nito. Pero ang main system nito ay nasa Pinas so kung may hindi sila maintindihan ay kinokontak ang mga GMs sa Pinas for consultation. Not that tagalog yung language, naka base ito sa language ng bansang linalaro. Tulad dito, japanese. Kadalasang tinatanong eh yung mga event like Slay the Dragons Event and the others.
Kahit na international ito, ang main base nito ay nasa Pilipinas. Kahit na cleared na ang lahat ng town dito, kung hindi cleared sa Pilipinas ay hindi mauunlock ang second map. This is the downfall of NLO. Wala namang magawa ang mga GMs dahil encrypted na lahat ng data ng game at tanging ang creator ng game lang ang kayang mag-unlock nito. Ok sana kaso nawawala ang creator ng game na siyang hinahanap pa hanggang ngayon. Hindi rin nila alam kung bakit ito nawawala. Nawala na lamang siya na parang bula. At ang head ngayon ng GMs sa Pilipinas ay si L at Isang misteryosong babae na hindi pa minsan nagpakita sa headquarters nila.
Here in Japan, cleared na lahat ng towns. Maraming profesional players rito kaya halos lahat ay high level na. Tho may kakaunting newbie yun ay dahil nahuli sila sa paglalaro.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay kaagad akong nagpalit ng damit at natulog. Wala muna akong balak mag-online dahil ilang araw ay aalis rin naman ako sa Japan.
I'm a Hunter at level 189. With a experience bar 89%. Kaonti nalang at maglelevel 190 na ako. Pahirapan sa pagpalevel. Bukod sa malalakas ang mobs sa 5th town, medyo mababa rin ang additional experience points na naibibigay. Karamihan din sa mga mobs ay by group kung magrespawn so dapat may party ka dapat para makapag farm ng experience points. Eh isa akong Hunter plus samahan pa na isa akong solo player, ay talagang mahihirapan ako.
My build is 3 points agi, 2 points dex. Every level ay makakakuha ka ng 5 stat points. Base sa ginawa ko, isa akong pure one-hit assasin hunter. Mataas ang hitrate ko at critical damage at mabilis din ang galaw ko. Kaso nga lang medyo malambot ako kaya takbo lang at nakadepende sa stats ng mga equipment ko. Kadalasan yung mga equipment na may vitality at movement speed ang hinahanap ko. Kaya noong nakumpleto na yung equipment ko eh hindi na ako malambot.
Ang prinoproblema ko lang ay kung cleared na ba ang fourth town ng Pilipinas. Kapag kasi nagtranfer server ako, dapat open na yung fourth town para hindi maibaba ang level ko dahil sa level suppression. For example, kapag level 300 ako, pero nagtransfer ako sa isang bansang hindi pa tapos ang fourth town ay babalik ang level to the highest level available, which is level 200. Kasamang mawawala ang stats mo na inilagay noong naglevel ka patungong 300. It means mga 500 points ang mawawala sa iyo. Kaya karamihan sa mga players ay ayaw magtransfer server unless kailangan talaga.
Well, bahala na. Solo player naman ako so magpapalevel nalang ulit ako. I'll stay in Philippines in a couple of years so wala na akong proproblemahin kapag mag server transfer ako sa Japan. Besides, ang main headquarters ay Pilipinas so baka mas mauna nga ako kaysa sa mga players dito sa Japan.
Two days later.
MA1674 Airport.Hello Philippines. I'm back!
Now, saan ko siya hahanapin?
Tiningnan ko yung ibinigay sa akin ni mama na papel. Sabi niya sa akin na buksan ko lamang ito kapag nakarating na ako sa Pinas.
Artemis Elite School.
Hmm? Elite School? Alright.
*Ring.
Hinalungkat ko yung phone ko sa bulsa ko. It's my mom.
"Hello? Mom?"
"Diyan mo siya hanapin, alright? Have fun there."
"Alright mom. I love you."
"I love you too sweetie."
Ninja Turtle, kamusta kana?
Do you still remember me? Hisaya Kanae.
-------
An: Short update. Hinihintay ko munang matapos yung list bago ulit ako magsulat ng new chapters.
BINABASA MO ANG
New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]
Science-FictionIt started when the lonely boy Ralph met the famous Zed and his gang. Join Ralph and his friends in discovering secret, finishing quests, solving mysteries, and unlock new features. Until they found a secret they shouldn't know. Secrets about Ralph'...