_______________
◆sandra POV ◆
Well hello, ako nga pala si sandra, college student at...at...obviously ay...ordinaryo, well hindi naman kasi ako yung type na supermodel. As in ordinaryo lang talaga ako, erm...alam niyo yun bang boring? yun yun eh! hehe well ayun minsan din praning ako, pero syempre hindi ko pinahahalata kakahiya yun noh, although I think wala naman makakapansin kasi nga ordinaryo ako. Ayun despite ng ka ordinaryohan ko eh...
weirdo din ako madalas, oo sige aaminin ko NERD ako! o ano? masaya na? tss ambabaw much...well hindi naman medyo lang, kasi ako yung tipo ng tao na mas gusto pang kasama yung mga libro kesa...erm..tao! there you go. err basta basahin niyo nalang ang aking ordinaryong buhay, at tignan natin kung may magbago (at kung wala eh di saksakin na yang author na praning na yan) yun go push! damn! O sige panibagong intro...yung medyo matino naman daw at mukhang kanina pa naiinis yung mga readers, sabi "anu ba naman yan? paulit ulit? unli teh unli?"
Ako si sandra chariz Montez, 16 years old at NBSB (alam nyo ba yun? No Boyfriend Since Birth) yun kasi ako, at...hindi naman dahil sa ayaw ko ano? pero eh hehe...ano kasi...bawal pa...yun... at saka, well nakakahiya man aminin pero tumuntong ako sa ganitong edad na hehe...wala pang nanliligaw sa akin, ewan ko ba sabi naman ng nanay ko maganda daw ako (bah syempre nanay ko yun eh! alangan naman di ba? >_<) so ayun, syempre feel na feel ko naman kahit alam ko pareho lang kami na malabo ang mata, well...siguro nga ay kulang lang talaga ako sa charm, at pati sa eskuwelahan ay wala talagang pumapansin sa akin, so ayun, medyo masungit din kasi ako (hindi naman bagay =_=") pero may mga kaibigan din ako, yun nga lang mas madalas ay libro ang kaulayaw ko.
"Sandra! hoy sandra! wala ka ba talagang balak pumasok ikaw bata ka?" sigaw ng nanay ko, kuu si Mama talaga mas matindi pa ang boses sa alarm clock "Gising na ho ma!" I said back (malamang gising na ako eh kanina ko pa ako nag iintro ng paulit-ulit dito eh) so ayun bumaba na ako sa baba, (malamang try mo bumaba sa taas, ay sorry korni na sige patayin na yang author na yan)
Lumabas na ako sa kwarto ko at diretso na sa banyo para maligo, bwisit kasi sino ba nagpauso na dapat weekdays ang pasok at weekends ang walang pasok? hindi ba nila pwedend i-180 degrees nalang, pagbuhos ko nung tubig sa ulo ko napahiyaw ako sa lamig "ANG LAMIG!!!!" =_=" bwisiit na buhay estudyante ito oo! deym! >_< pag abot ko nung shampoo nakita ko oo nga pala may hot water naman kasi sa shower di'ba? ang bright bright mo kasi talaga sandra eh! deym you... pagkatapos kong maligo eh, nagbihis na ako at nag-ayos sa may dresser, sinipat ko ang aking sarili sa salamin, at sinubukang magpa-cute kaso nga lang EPIC FAIL ang lola niyo, well sino nga ba naman eh ang mukha ko yata ay kmubaga sa slot machine o kaya yung pick sa dota: RANDOM siguro pag naglakad lakad ka lang jan eh may makikita ka ng kamukha ko. Yung buhok ko hindi man buhaghag ay hindi din maganda, yung mata ko hindi singkit, hindi din malaki, ordinaryo lang, -pati ilong ko hindi pango, hindi din naman matangos o sige lahat lahat na sa akin ay ordinaryo! tss ang boring kong nilalang! kinuha ko yung eyeliner na regalo sa akin ng bestfriend slash future ate in law kong si Maui (girlfriend ng kuya ko) at sinubukan kong maglagay kaso natusok ko lang yung mata ko, anu ba yan? ang bobo ko naman. Kaya naman sinukuan ko na ang pesteng eyeliner na yan at bumaba na para makalamon ng agahan.
Pangpunta ko sa kusina agad kong binati sa mama ng goodmorning at humalik sa pisngi niya, bat ganun? ang ganda ng mama ko? >_< ang pogi din ng papa ko, lalo naman na ang kuya kong cassanova na papalit palit ng girlfriend kada linggo! (pero dati lang yun before niya nameet si maui) ba't ako super ordinary??? >_< hindi kaya ampon ako? homigosh! o di kaya napagpalit kami sa nursery nung baby pa ako? Mara Clara effect? asa ka naman eh house delivery lang ako, anu ba yan? So ayun nakabusangot umupo na ako sa hapag kainan.
"O? ang aga aga nakabusangot ka?" puna sa akin ni Papa at inilapag yung diyaryong binabasa niya at sumimsim ng kape "Siguro Pa nakita niya ang sarili niya sa salamin kaya yan! haha" bunghalit ng demonyo kong kapatid, tss ano ba nagustuhan ni maui dyan sa weirdo na yan baliw ampotek "john ace, stop making fun of your sister" saway ni Mama sa kanya, benelatan ko siya samantalang siya ay nakangiti pa din, weirdo talaga pati pangalan pang abnormal.
"Kamusta ang school?" biglang tanong ni Papa, syempre sumagot ako "Okay lang naman po pa---"anu ba yan pa! Bastos much?Di ako pinapatapos. Joke
"Ano 'tong nababalitaan ko na top three ka nalang daw sandra?" biglang tanong ni Mama, patay! paano nila nalaman yun? >_< pati ba naman yun!!! alam nyo kasi medyo stricto sila mama at papa sa studies namin, eh hate ko kasi talaga ang physics eh ano'ng magagawa ko? pero syempre di ko pedeng sabihin yun duh?? "Erm..." tae! ano ba talaga ang sasabihin ko? "Babawi po ako sa susunod." sabi ko
, bumuntong hininga lang sa Mama buti nalang wala siya sa mood na sermunan ako ngayon, whew! "Eh ikaw john ace?" tanong bigla ni Mama, napasimangot nanaman ako, tss...eh paano, yang kuya kong kumag na yan ang sarap itapon, edi siya na! Si Kuya lang naman ay isang president's lister, full scholar at ang presidente ng buong campus nila, may leadership award, outstanding student award at kung anu-ano pang award award na yan siya na humahakot sigi na!, kaya hindi ko gusto mag aral dun eh, buti nalang hindi ako doon nag-aral "same padin po" anito na parang balewala lang, hmp o di sige siya na talaga!
Tumaas na ako at nag ayos ulit ng kunti lang.. Di naman ako gaya ng ibang babae e maarte. Jukie!
-----
Sorry sa typo 😘😁😂