Dedicated to: keesha9147kpop
◆james POV ◆
"Oh my gosh! may fiance na si James !" sigaw ng isang tao malapit sa amin sunod sunod na nagsilapitan ang mga tao at nagbulungan....
agad namang nanlaki ang mga mata ni sandra, halatang hindi siya komortable sa mga pangyayari.
Kaya naman napangiti nalang ako at hinatak siya away from the confusion. "T-teka saan ba tayo pupunta?" reklamo nito
"Secreto" sagot ko nalang, ewan ko ba, pero pag tinitignan ako ni sandra ng ganyan ang saya saya ko lang, wag na sana'ng bumalik yung Hashitsorii na yun!may Japanese na sya eh ahahaha!!!!
__________
◆sandra POV ◆
Tengene talaga ng james na ito oh! trouble talaga lagi ang dala ng lalaking ito sa buhay ko!
anu ba kasalanan ko dito ha? ako pa yung may nerve mag inarte eh noh? eh ako na nga yung gusto, duhrrr?? naniwala naman daw ako? eh obvious namang naggagaguhan lang kami dito eh, anu beee? ang arti ko oo sige ako na talaga! eh sa talaga namang ako eh! anu daw?
o siya wag niyo na nga kasi ako pinagpapapansin dito? hinihingal ako ng matapos kaming tumakbo "Hah...hah...bakit ba kasi tayo tumatakbo ha?" sita ko dito, mukhang pati ito din ay napagod sa katatakbo namin, baliw talaga! =_=
Humarap ito na nakangiti sa akin, ewan ko ba sa tuwing ngingiti nalang si james sa akin yung puso ko lumilipad! ang landi po ng pusong yan! pede ipalit? (tange! yung hypothalamus mo ipalit mo bakla!) o di sige author ikaw na ang ma-alam sa anatomy! tss eh bakit ba? eh sa puso nga ang symbol ng emotions di ba? try mo magbigay ng valentine card na utak ang shape kaderder naman yun di ba?
"Eh kasi hinahabol nila tayo eh" sagot naman nito, ano bang reasoning yan? walang kakwenta kwenta! tsk =_=
"Eh kasi kung anu-ano pinagsasabi mo eh! ayun naniwala naman sila!"
"Eh bakit? totoo naman yun ah! sa fiancee naman talaga kita!" Tengene me telege esten!!
"Hindi pa nga confirmed eh! sira-ulo kasi parents natin" sabi ko
"Okay lang yun! si Reino nalang naman ang problema ko, maipasalvage nga yun" sbai pa nito! O_O teka! anu daw? ang sama talaga ng taong ito
"Hoy teka ano sabi mo?"
"Pero syempre joke lang yun! hehe hindi bagay maghimas ng rehas ang kagwapuhan kong ito!" *wink* sabay kindat pa talaga? "Bumabagyo ka nanaman jan!" sita ko sa kanya!
"Sandra naman ang init nga eh o! tirik ang araw! ang hot ko kasi! hehehe" sabi pa nito, bilib din ako dito eh noh? May kalan ba katawan nya? Tsss... hindi nauumay sa sariling kayabangan.
Inilibot ko yung paningin ko sa lugar kung nasaan kami, teka lang! O_O asan na kami?
"hoy james! teka asan na tayo!" sabi ko na bigla naman akong kinabahan, hapon na kasi palubog na ang araw (wag niyong pinapansin mga time settings ko hehehe) basta palubog na ang araw! mukhang pati ito ay nagulat, kasi hindi na din niya alam kung nasaan kami
"hala..oo nga nasaan na ba tayo?" O_O
"baliw ka! hinatak hatak mo ako sa kung saan pagkatapos hindi mo alam kung nasaan tayo?!"
"Eh kasi naman basta takbo nalang din ako eh" =_= pagdadahilan naman nito, dear lowrd asan na po ba kami? shet naman oh! >_< bigla pang bumuhos yung malakas na ulan!
"Sandra!" sabi nito at bigla nalang niya hinubad yung basketball jersey niya at itinalukbong sa akin! teka lang! hindi ko makita yung nice view! abs! ngek sandra! ang manyak mo po! eh kasi naman eh! abs! ay mali umulan pa! "Doon tayo!" sabi pa nito at basta nalang ako hinila sa isang building Nakakatakot sa building na ito, parang ano mang oras guguho na siya
"Teka james hindi ba delikado dito?" sabi ko asan na ba kasi talaga kami?
"Mas delikado pag nagpaulan ka ano?" sagot naman nito.
"Asan ba tayo?" "Mukhang napalayo tayo sa school grounds eh, nasa old abandoned HE building tayo." sagot nito na nangangatog na sa lamig dahil topless nga naman ito. Pero anu daw? asan daw kami? sa Old HE building?! hala!!!! nanlaki ang mata ko sa narinig ko! ang old Home Economics building sa eskuwelahan namin ay popular for its ghost legends. Maluwang kasi ang school ground namin, at ang bali-balita noon ay may babaeng nagmumulto daw dito sa old home economics building dahil hinihintay pa niya ang pagbabalik ng amore niya na nagpakamatay dito sa HE building na ito, eventually namatay din ang babae sa depression, nagsuicide din daw ito. Naku author kilabutan ka nga sa mga pinagsusususlat mo jan! natatakot na ako eh!
"Te-teka james hindi ba d-dito yung-----?" napalunok ako ng bumaling ito sa akin "Yung alin?" he said nonchalantly, hindi ba ito natatakot? tengene sige ako na matatakutin dito! eh paano naman kasi naaalala ko pa nung bata pa ako, si kuya nahilig sa mga paranormal chuchu na yan at lagi nalang akong kinukwentohan, kesyo sa interesting daw, ano'ng interesting natatakot nga ako eh! >_< "Y-yung m-may m-multo..." kako in a silent whisper, tinignan ako ni james na yung tingin na para bang nababaliw na ako.
"Multo? bwahahahaha!!! Sandra naman space age na ngayon at----" huuuuuuuuuuuuu~~~~~ O_O biglang nabitin sa ere ang tawa ni james, narinig niyo ba yun?eeeekkkk!!! >_< sinasabi ko na nga ba! sinasabi ko na eh!!!! pinaghahampas ko sa braso si james! "Tignan mo! ano'ng space age ka jan?" ngayon tuloy parang mas gusto ko ng suungin yung malakas na ulan sa labas ang kaso lang ay kumikidlat pa kasi.
"Ah yun? wala yun ano lang yun may aso lang siguro, sa loob naipit. Don't worry about it!" mayabang na sabi pa ni james "Teka! ano'ng aso lang ka jan?! pwede ba james?!"
awoooooo~
"Sandra naman, matatakot ka nalang sa fake na multo pa? obsolete na ang mga multong nagsasabi ng awoo ngayon no? duh? halika na nga sa loob. Home Eco building ito, sigurado ako may supplies padin dito kahit papaano" sabi pa nito at naglakad. Wala naman akong choice kundi sundan siya, kasi naman kung mananatili ako doon baka magpakita pa yung girlaloo na multo sa akin na duguan at at nahuhulog ang mata! nyay! wag na!!! Atubili man ako ay sumunod na din ako kay james. Mukhang cool na cool pa siya doon.
"James!" tawag ko sa kanya, lumingon naman ito, iniabot kosa kanya ang jersey niya, nakita ko pang napangiti ito. "Anu yan ha? concerned kang baka magkasakit ako? o nadidistract ka sa abs ko?" sabi pa nito sabay kindat, ang sarap talagang hambalusin ng taong ito, oo na nga both ang sagot dun! pero nek nek niya kung sasabihin ko sa kanya iyo noh! duhrr??? actually meron pa eh, natatakot kasi ako, ibibigay ko yung jersey niya para may makapitan naman ako, nahihiya kasi akong kumapit sa maskels niya eh! akusahan pa niya akong manyak (na siya nga namang ikaw) tse author na ito! nakangit pa rin itong inabot naman ang jersey niya. "Thanks, let's go?" iniabot nito ang kamay niya sa akin, ewan ko ba kung bakit pero tinanggap ko naman. So ayun magkaholding hands kami na tinahak ang madilim na building na iyon. Nahanapan naman ni james yung mga ilaw, hindi pa din ako bumibitaw sa kamay niya, natatakot pa din kasi ako eh, tsaka siyempre ewan ko ba parang sa simpleng hawak lang sa kamay niya safe na ako, pero ano bang safe ang pinagsasabi ko? eh hindi ba at siya nga ang dahilan kung bakit ako nasa sitwasyon na ito? ang vowvow mo talaga sandra
"ang boring naman dito, alam mo mabuti pa magkwnetuhan nalang tayo para mawala yang takot mo" sabi pa nito ng makahanap kami ng fireplace at nagsimulang magsunog ng kahoy para naman kahit papaano ay mainitan kami kasi ang lamig na eh. Gusto mo sandra para mainitan ka makipaghalikan ka para uminit Yang katawan mo? Joke lang!!!! Haha