◆Sandra POV ◆
"Ha? " narinig ko so James ... Alahhhh! Nag pa palpitate yung puso ko humaygadd!
nagpapawis yung kamay ko sabay nanginig...ano'ng gagawin ko? lalabas ba ako o hindi? guto kong makita ang reaksiyon ni James, hahanga kaya siya sa akin? magustuhan kaya niya ako for real? grabe nakakakaba ito. Lalabas na ba ako o hindi? Unti unti kong inabot yung kurtina lalabas na ako, magpapakita na ako kay James. Yes. Now I admit, kahit papaano isa siya sa mga nagtulak sa akin para magbago.
Gusto kong makita ang magiging reaksiyon niya. Hinawi ko yung kurtina..readyng ready na akong magpakita sa kanya. "Teka lang 'my! hinihitay nila ako sa dotahan eh, catch you later!" sabi ni James at umalis na bago pa ako makalabas, naiwan ako dun nakatulala parang gusto ko na maglupasay habang sinapok ko yung ulo ko, ano ka ba naman Sandra....ang vowvow mo talaga ever...grr buwisit na buhay ito oo! Naguguluhan napasadlak ako sa sahig, kumapit sa kurtina, nang may marinig ulit akong tinig. "Tita si James po?" sabi ng isang baritonong tinig
"Eh umalis hijo eh? bakit?" sabi ni ninang "Kasi sabi ko po sabay kaming magpapagupit eh natalo kasi siya sa pustahan, ugok talaga yung anak niyong yun ano?" sabi pa nito
"Haha..hindi ka na nasanay dun Reino, bweno magpapagupit ka ba?" sabi ni ninang homygosh?! ano daw??? REINO??? tengerzzzz +_+ ilan ba ang nagngangalang Reino sa mundo? imposible namang siya din yun diba author?...author?... (Hinde siya nga yun) O_O mamamatay na yata ako, pero teka nga...ang landi ko po, kanina lang nagiinarte ako kay James tapos ngayon? >_<
ang gulo gulo mo sandra! malandi ka malandi dapat sa iyo binabaril! aww pero papano? lalabas ba ako na nandyan si Reino? o magkukulong dito para hintayin si james ? =_= and more importantly? MAGKAKILALA SILA??? O_O author! ano ito? __
"Ah hindi na po sige po tita mauna na ako" sabi nalang ni Reino, relief flooded my system =_= shet ano ba talaga itong nangyayari sa akin? the eff--- sandra get a grip of yourself, anu daw? basta yun. Nagbago nga hitsura ko pero ako pa din yung sndra'ng ewan. Tss.
Pagkatapos nun ay lumabas na ako sa dressing room, oo! parlor ito na may dressing room, alam mo yung parang sm? ganun yun! o siya wag mo nalang pansinin ang mga sinabi ko. "Ninang." kako bigla ng biglang may nagtititili na yumakap sa akin, laking gulat ko si Ran! andun din siya "sandra sandra sandra! ang cute cute cute cuuuuuute mo talaga!!!!" sabi pa nito at ikiniskis yung pisngi niya sa pisngi ko, it's maui alright, paborito niya akong ginagawang stuffed toy.
Nakita ko sa bandang likuran niya yung kuya ko nakabusangot, hehehe siguro tinalo nanaman siya ni maui sa dota, ang astig talaga ng ate-in-law ko. "Maui bakit ka andito?" sabi ko sa kanya, sa bigla ko humiwalay siya sa akin at tinignan ako with her puppy eyes
"Ayaw mo na ba akon'ng makita sandra?" hay nako pambihira, nag emote nanaman ewan ko ba dito dapat yata dito ay kinoconfine sa mental eh, Nursing student si maui sa pinakamagandang paaralan sa Pilipinas na pinapasukan ng kapatid ko din, sadyang vowvow lamang ako at hindi nakapasok dun. Pero kung iisipin ko halos lahat ng kakilala kong pumapasok doon ay may saltik sa utak, gaya nalang nitong si Kuya, si maui tsaka yang si author. "Hindi naman sa ganoon maui, nagulat lang ako" sabi ko tapos mabilis pa sa alas-siyete na ikiniskis nanaman niya yung pisngi niya sa akin. "Sabi ko na nga ba mas love mo pa din ako sa kapatid mo eh! pwede bang ako nalang ang kapatid mo!" sabi pa niya "Hoy Darling of the Night sa Mental tigilan mo nga yang kapatid ko" sabi ni kuya, oo kahit mag-on sila para parin silang aso't pusa, sadyang ganun ang turingan nila, pero teka anu daw? O_O
"Darling of the night sa----" "Mwahahahaha!" biglang tawa ni maui bago ko pa natapos yung sinasabi ko
"Sandra! Nanalo ako bilang Darling of the Night sa National Center for Mental Health kahapon sa program namin" sabi pa nito na puno ng pagmamalaki "Teka? eh hindi ba yung mga pasyente niyo lang ang pwedeng sumali dun?" sabi ko sa gulat ko "Bah malay ko, nanalo ako eh, kewl diba?" sabi pa nito at ng peace sign at ngumiti, naiiiling nalang yung kapatid ko sa likuran niya "Proud pa talaga..." bulong niy Kuya
"Miss peram nga ako ng blow dryer kahit yung cord lang may bibitayin lang ako" sabi pa ni maui buti nalang at napigilan ko siya =_= nakakahiya talagang kasama itong dalawang ito. Naningkit yung mata ni Ran at hinarap ang kuya ko "Bakit Baby? hindi yata't wala kang tiwala sa Alindog ko ah?" sabi pa nito "Hinde, nakakatakot lang ang credentials mo kung sakali dear" sabi naman ng kuya ko, napailing nalang ako, anu ba yan sa parlor pa nagkalat =_=
pero alam niyo, minsan medyo inggit din ako sa dalawang ito eh. Parehong mukhang mga diyos sa ganda at sa gwapo (o bakit? maganda ka naman na ngayon ah?) tse author, himala kinampihan mo ako! May sakit ka? "Sandra!!! Makikikain ako sa bahay niyo ngayon ah?" sabi ni maui, sukat sa tinuran niya (awts so deep nosebleed) tse! patayin niyo nga 'to! (sige ka mag violent reaction nanaman si Megan jan) O siya tama na nga at mamya ay naiinip na ang mga readers sa pakikipagusap ko sayo tsupi!
"Ah eh ninang hindi ba at sabi ni Mommy dun na din po kayo magdinner sa bahay ni...ni....James" sabi ko, tengene bakit ba hindi ko masabi ng maayos yung pangalan ni James? "Bukas nalang siguro hija, sabihin mo sa mommy mo, hindi pa kasi umuuwi yung binata ko eh" sabi ni ninang, huwat?? aww sayang naman...U_U hoy sandra! ano'ng ini-emo emo mo jan ha? sita ko sa srili ko, omgosh! pinagpapawisan na ako ng malapot dito. nang biglang naging uneasy yung pakiramdam ko, yun pala ay nakatingin sa akin ng matimtiman itong si maui na parang psychic na binabasa kung ano'ng nasa loob ng kukote ko