chapter two

194 8 5
                                    

◆sandra POV ◆

pumasok na ako sa kotse, ihahatid ako nung driver namin, hindi pa kasi ako marunong mag drive kaya naman hatid sundo padin ako, hind katulad ni Kuya na umaariba na ang harurot ng kanyang sasakyan, hindi naman kami mayaman, pero o sige na mayaman na pala kami, medyo. pero hindi mala-ayala ha? mga half? o sige one-fourth hinde padin wag na nga icompare sa kanila! kasi kahit sinong pilipino ang i compare sa mga yun do namin ipagmamayabang.

si Papa ay isang business man at may ari ng isang textiles company at saka nasa import and export business, si Mama naman ay isang brain surgeon sa isang malaking hospital at may clinic din pala kami sa may bayan, originally kami yung may-ari pero hindi dun nagwowork si Mama. So ayun sa tingin ko pwede na? Ayun pagbaba ko sa school, umalis na yung driver, wala akong friends na sumalubong sa akin, kasi dalwa lang naman yung friends ko sila camille,lois,at thena , eh may boyfriend pa sila so kanya kanyang buhay kami, madalas ay naka tengga lang ako sa library pag free time ko, library assistant din pala ako pag may time, kasi pag trip lumandi nun librarian namin eh ako yung sub na tiga-ayos ng libro, nakakainis kasi yung mga taong vowvow na hindi marunong magbalik tsaka yung mga abnoy na magtatago pa ng libro para hindi makita ng iba? (duh? although ganoon ako minsan) sige abnoy na din pala ako.

So yun ang tawag lang naman sa amin ay NERD yun, pero hindi naman ako nerd pagdating sa pag-aaral kasi ang binabasa ko lang na libro ay yung mga trip ko, pag textbooks nakow! no thank you nalang ako jan. Pero minsan din pag hindi ko trip tumambay sa library ay dun mo ako sa botanical garden malapit sa basketball court makikita, tahimik kasi dun tsaka madaming tutubi, mahilig ako maghuli ng tutubi tapos ikukulong ko sila sa bote, magiisip ng love story sa kanilang dalawa tapos papakawalan ko na, ayun at least nag meet sila in this lifetime di'ba? kahit sa bote lang...oo ganyan talaga ako ka praning, pag walang tutubi ay pinagttyagaan kong gawang ng love story yung mga malalanding butiki sa kisame namin, buti nga sila may love story eh ako bokya.

Hayy buhay, kung minsan naman ay dala dala ko ang aking ever trusted DSLR at nagpipicture ng kung anu-ano, yung tipong balat ng candy sa lupa, wala lang trip ba? o kaya naman nagddrawing, pero kadalasan ay nagbabasa lang talaga ako ng kung anu- ano'ng libro na hiniram ko sa library, katulad ngayon katatapos lang ng klase ko kaya naman libre akong magmuni muni sa may botanical garden at syempre pa may dala na naman akong garapon, hayy...dalawang tutubi na naman ang pakikialaman ko ang destiny ngayong araw...naku excited na ako sa kabaliwan ko ng biglang!

Boogshhh!!

tinamaan ako ng bola sa likod ng ulo ko, aww...ay...ano ba yan, biglang umiikot yung paligid ko @_@

"Miss! Sorry Miss!" narinig ko pang sabi ng boses na lumalapit sa akin, "Naku miss nasaktan ka ba?" tanong pa ng isa, aba'y malamang masakit! tinamaan nga di'ba? bugbugin kaya kita diyan? pero mali, wala man lang ako'ng nasabi...kasi naman umiikot talaga yung paligid ko, blurred na yung paningin ko lalo pa at nahulog yata yung salamin ko, bigla akong napakapit sa kung sino pero hindi ko kinaya... BLAG! natumba na ako at nawalang ng malay...

After 4 hours~

paggising ko, puting kisame na yung namulatan ko, medyo blurred kasi hindi ko pa suot yung dyaskeng salamin ko...teka nga ano ba ang nangyari sa akin? wag mong sabihin continuation ito ng tulog ko na binulabog ng aking pinakamamahal na madeer kaninang umaga? Puting kisame? bigla akong napaisip, inaninag ko yung gumagalaw sa kisame, at anak ng butiki ka! dalawang butiking may ginagawang kabalbalan ang nabungaran ko! ang sarap batuhin ng lastiko tong mga imoral na hayop na ito at talagang sa mismong harapan ko pa talaga ginwa yang kabalbalan na yan ha? ng matapos ang kanilang maka mundong gawain naghabulan pa sila, mga malalanding butiki to! Pashneya!   Walang forever!!!

Plakkk!-

Futang inersss! shet!!!!!
nahulog yung butiki sa mukha ko, bigla akong napabalikwas ng bangon at sumigaw "WWWWWAAAAAAhhhhhh~~~~!!!!!
Putangina mong malanding butiki ka! layuan mo ako!!! kyaaaaaa!!!!!!" nagpumiglas ako habang nakapikit, oo alam ko madalas ay baliw ako at ginagawan ko ng love story ang mga dyaskeng butiki na yan pero kasi...takot ako sa kanila eh...lalo na yung bigla bigla eh napuputol yung buntot nila, naiimagine ko si Chuckie yung panget na doll sa horror na putol putol na yung katawan eh buhay pa din kaya hindi parin ako nagtigil sa kasisigaw, lalo na at sa mukha ko pa talaga lumanding ang bwisit na butiking yun! mukha na ba akong pader ha? at dun pa talaga kelangang kumapit??? nakakainis!!! nang maramdaman kong may pumigil sa pagpupumiglas ko

"Miss calm down...miss! the lizard is gone" anang ng baritonong boses sa may tabi ko, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata (syempre kelangan dahan dahan kasi effect ba? o ha?) tss baliw! ang epal ng author na 'to! pakibaril na yan! ayun back to moment ko, pagmulat ng mata ko, I was greeted by a very handsome creature, t-teka Lord, napaisip akong bigla..anghel ba ito? may anghel sa lupa? o baka naman patay na ako? may butiking malibog kaya sa langit? napa-kurap ako bigla, at isa pa ulit, o sige tatlong beses ngunit hindi pa din naglaho ang magandang nilalang sa harapan ko, ah! hindi pala maganda napakakisig pala (o ha? ang deep!)

"Miss okay ka lang?" Tanong nya sakin

My Nerd PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon