chapter four

137 5 0
                                    

◆James POV ◆

 
Nginitian ko yung binuhat ko kanina papuntang clinic.. Haha
Nakita Kong tinaas nya yung isang kamao nya at ibinuka yung bibig na "sapak you want? "
Hahaha... Any cute nya talaga parang shi-tzu!! 😂😂😂

"Oh my gosh! nginitian ako ni Captain James! pwede na akong mamatay!" tili ng isang babae sa kabilang table

"Ang feeling mo bitch! ako kaya yung nginitian niya! duh??" sabi naman nung isa nyang katabi

"Hoy! huwag nga kayong mahadera mga hitad! ako yun!" biglang singit ni Lois sa  paguusap ng dalawang babae sa kabilang table, napailing nalang ako, si Lois talaga...famous din yan si Lois dito kaya kilala ko sya.

Pumunta ako sa puwesto ni
Ms. Eyeglasses

lahat ng babaeng madaanan ko ay halos maglupasay na para lang mapansin ko.. Grabe na ahh... How ano naman mga babaeng to!! (oa na uthor ha?) pero ayun

"homigoshhomigoshhomigosh!!!" tili ni Lois at nagpaypay umakto itong naghhyperventilate at nagsi-seizure pa, baliw talaga. napailing nalang ako, at hindi ko namalayang nakalapit na ako sa tapat no me. Nerd ngumiti ako na parang nang-aakit..hahahaha, at direktang tinignan sa mga mata nya..ang ganda ng mga mata nya color sky blue at halatang natural lang, ilang pulgada lang yung lapit ng mukha niya sa mukha ko, napasinghap ang lahat ng tao sa loob ng canteen ng lumuhod ako sa harap nya, and within a snap of my fingers tumayo ang members ng basketball team sa likuran ko.... Then charahhh!!

may kanya kanya silang hawak na bond-paper at may nakasulat. W-I-L-L Y-O-U G-O O-U-T W-I-T-H M-E ?

--------------------

◆sandra POV ◆

W-I-L-L Y-O-U G-O O-U-T W-I-T-H M-E ?

daig ko pa yung sinabugan sa nabasa ko, nagsinghapan ulit yung mga epal na audience sa paligid namin! ang heartthrob at leader ng mga jocks na si James? nakaluhod at inaayang lumabas ang isang nerd at napaka- ordinaryong babaeng katulad ko? teka nga sino ba talaga ang tinamaan sa ulo sa aming dalawa ha? nakatulala pa din ako sa mga letra sa harapan namin nang bigla siyang magsalita, (may paluhod luhod pang effect)

"Will you go out with me?" he was smiling intently, the romantic sizzle on the air... "Bebang?" sumemplang nanaman ang mga sinabi niya sa pandinig ko.

"Will you go out with me? Bebang?" ngingiti ngiti pa ang herodes na si James habang nakatingin sa akin, tengene naman ito oh! nakakakilig na sana eh! Hindi pa rin ako nagsasalita at mukhang nangangawit na ang damuho "Bebang?" he asked again ngrrrrhhhh!!!! ang sarap talaga hambalusin ng bwisit na ito oh! wala pa ring nagsasalita

"Ako! I can be Bebang for you if you want to ask me out" malanding tugon ni Rian, at inabot ang kamay dito, tumayo mula sa pagkakaluhod si james, at tinignan ako, nakakahiya ito to the max! magaaya nalang lumabas mali pa ang pangalan!!!! >_<, may kung ano'ng kinuha ito sa mula sa isang alipores nito, isang bookmark, inabot niya ito sa akin syempre tinanggap ko naman, bookmark nga ito at may nakalagay na 'Bebang'

"So? aanhin ko ito? ngangatngatin ko?" sabi ko sa kanya, awtomatikong nagliwanang yung mukha niya tsaka ngumiti sa akin, yung tipong nakakatunaw! kinikilig nanaman ako, kainis ang landi ko talaga! >_<

palibhasa hayok eh huy hindi naman gaano! nakakabaliw lang isipin na isang heartthrob papansinin ang isang ordinaryong babaeng katulad ko! off na off di ba? tsk "Hindi ba sa iyo yan?" sabi nito at may alanganing ngiti sa kanyang labi, in-adjust ko naman daw yung eyeglasses ko, pademure kunwari tapos pa genius kunwari kahit hindi naman talaga, pero medyo nakakahiya din kasi biruin mo nakatingnin lahat sa akin yung mga tao, pati yung mga nagmamagandang froglettes ay nakatingin sa akin, kung siguro nakamamatay ang tingin kanina pa ako bulagta dito. "Bebang naman nakakangawit kaya, sumagot ka na please?" sabi nito at nag squat sa harap ko bigla nakangiti ang cute niya shet!!! >_< bagay na bagay pa sa kanya yung varsity jacket nila. "Hindi ako si Bebang, kaya hindi akin ito" sabi ko sa kanya sabay abot ko sa kanya pabalik nung bookmark, ngumiti pa ito bigla sa kanya na waring naunudyo. "Huusss...si Bebang denial..." umupo ito sa tabi ko at inakbayan ako bigla ang lakas talaga ng bilib sa sarili nitong ungas na ito! "Alam mi hindi naman nakakahiya kung medyo....umm...mabantot ang pangalan mo at..." pinisil pa niya yung pisngi ko "Cute ka padin naman eh" ano daw???? ako?? cute?? shet! eh mas bulag pa yata 'to sa akin eh!! >_< pero aaminin ko ha? dumbstruck na dumbstruck ako kasi pinuri niya ako...pero teka? nananantsing na 'tong manyak na to ah, kinurot ko yung kamay niyang naka-akbay sa akin "Aw!! Bebang naman! karinyo brutal ka pala!" sabi nito sapo niya ang nasaktang kamay, nag-init nanaman yung ulo ko siyempre! ang ganda ganda ng pangalan ko, yun na nga lang ang maganda sa akin pagkatapos papapangitin pa? ngrrrr tumayo ako sa sobrang frustration sa abnotic na lalaking ito at hinarap ko siya.

"For the last time! Hindi BEBANG ang pangalan ko! bwisit ka! It's Sandra!! Sandra chariz! Import pa yan ng nanay ko kaya wala kang dahilan para tawagin ako ng mabantot na pangalan!!!" sabi ko, nakita Kong nakangiti lang sya sakin... wag kang ngumiti dyan baka mayakap kita este masapak kita

"Okay, got it...will you go out with me sandra?" he said, at hayun na naman ang bombang mistulang itinapon sa harapan ko, narinig kong suminhap nanaman ang mga epal naming audience sa aniticpation, pero shet nga naman ano'ng gagawin ko? magpapakipot pa ba ako?





pero... ...............

_________

A/N: sorry sa typo.. Hihi ☺☺
Sana nageenjoy kayo.. Lablats 😍😘

My Nerd PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon