chapter Twenty two

30 2 0
                                    

◆Lena POV ◆

Pagmulat ko puting kisame na ang nakita ko. Teka? bakit parang paulit ulit ang nangyayari? nangyari na ito hindi ba?

Bumangon ako at nakita ko ang kuya ko na prenteng prente ang pagkakaupo sa silya malapit sa kama ko, nagbabasa ng broadsheet, as usual naghahanap nanaman siguro ito ng wrong grammar ng mga writers sa dyaryo, kung hindi niyo kasi naitatanong prodigy yang kapatid ko eh! yun bang mga taong sobrang talino? =_=

o di sige! siya na! siya na talaga! teka lang! ano muna ang nangyari?

"Kuya.." baling ko sa kanya, he looked at me with boredom in his eyes "hey little sister...how are you feeling?" tanong nito, sinapo ko yung ulo ko ng mapansin ko na may IV cannula sa kamay ko at nakahook iyon sa isang D5W at isang side drip na--teka wag na yan! hindi naman ako nursing student =_=


"Okay lang po, ano'ng nangyarI? sandali lang! si Aston? at si Reino at Rain?" tanong ko sa kuya ko, memories from the home eco building came flashing through my mind. Tinignan ako ng kuya ko ng matagal.

"Hmm it looks like you're quite okay..." he whispered, dumagundong ang kaba sa dibdib ko, yumuko lang ang kapatid ko at naitago ang mga mata niya sa bangs niya *drama effect* "Rain sustained multiple injuries from her fall but she's recuperating well, pareho sila ni Reino na nakasaklay sa ngayon...and Aston..." Lalo akong kinabahan

"Ano'ng nangyari kay Aston kuya?!" I demanded, never in my whole life na ginusto kong magbiro bigla, fear was piercing through me. "Gumuho ang home ec. building at nabagsakan ng divider si Aston, trying to protect you Lena..." "Kuya! please lang wag ka ng pasuspense jan! Ano'ng nangyari kay Aston???" "So far wala pang response from him. Spine ang tinamaan kay Aston, and he's still on coma...and he's on the ICU" "NO!" tili ko at kahit hindi ko pa kaya, bahala na! binunot ko ang mga nakasaksak sa akin. "Lena!" galit na sigaw ng kapatid ko, sakto namang pagdating ng nurse "Kuya! kelangan kong makita si Aston!" pagmamakaawa ko.

"Lena wag ka ngang tanga! sa tingin mo matutuwa siya pag nakita ka niyang ganyan ha?" "Please kuya I just want to see him" I pleaded, I felt my tears flowing freely, my brother sighed. "Wag kang magulo, magoorder ako ng wheelchair para sayo. Jan ka lang" he said habang inaasikaso ng mga nurse ang IV ko...patuloy naman ako sa pagiyak... Aston... __




"We want Aston! We want Aston!" patuloy pa din ang pagwewelga ng fangirls ni Aston sa labas, parang gusto ko na nga sila pagbabatuhin ng paputok eh! nasa ICU pa din si Aston, hindi pa din gumigising, sabi ni Ran masama daw ang lagay nito since ang dami daming tubo na nakasaksak sa kanya, ako na ang naaawa sa kalagayan ni Aston. Nakawheel chair pa din ako sa ngayon at kung anu-ano'ng gamot pa din ang isinasaksak sa akin pero kaya ko naman na maglakad, unlike Rain and Reino na parehong nasa orthopedic, may braces sa paa at tine-therapy, sino'ng magaakala na sa ganito hahantong itong lahat? sana pala nagpakabasa nalang kami nun.


Nasa window lang ako since bawal pumasok sa ICU, umiiyak din si ninang.



Sa wakas lumabas na ang doctor. "Doc how is he?" bungad ko agad sa doctor (akala mo asawa eh noh?) "He's quite stable now, ililipat na siya sa recovery room mamaya, aalisin na din namin ang ilan sa contraptions sa kanya since stable na ang vital signs niya. Excuse me for a bit" he said Parang nawalan ako ng isang tinik sa lalamunan ko, out of danger zone na si Aston pero the fact na hindi pa din ito gumisgising ay isa pa din napakalaking tinik sa dibdib ko.



"Lena, wag ka naman ng ganyan bestfriend, para ka ng pinagsakluban ng langit at lupa eh!" pang-aalo sa akin ni Ran. Nginitian ko lang siya, alam ko hindi kayo sanay na malungkot ako, hindi pa definite ang feelings ko kay Aston pero alam ko gusto ko siya...


ang tanga tanga ko para pagdudahan lahat ng ginagawa niya para sa akin, the mere fact na lagi siyang anjan pag kailangan ko siya, at lagi din siyang anjan pag hindi...the way he treated me equally even when I was just plain and ordinary. The way he saw me not with his eyes, sadyang masyado lang yatang sarado ang isipan ko noon para i-acknowledge ang sincerity ni Aston para sa akin. Ang tanga tanga ko talaga! Y_Y


"Lena, umuwi muna tayo, mag-ayos ka muna, baka pag nakita ka ni Aston macomatose pa lalo" sabi ng kuya ko, usually pag ganun yung banat niya lumilipad yung tsinelas ko sa direction niya eh, pero ngayon kasi wala pa talaga ako sa mood makipag-asaran sa kanya 😭😭


iniisip ko pa din si Aston. Pero nagpatianod nalang ako ng hilahin ako ng kuya ko.

Si Ran na din ang nag-ayos ng mga gamit ko since tulala lang talaga ako these past few days. Hatak hatak ako ng kapatid ko sa kamay, na para bang bata akong naliligaw lang ng lumabas kami ng hospital. Naroon ang nagwewelga niyang fans.

"Kasalanan mo ito eh!" paninisi sa akin ng mga babae, oo na ako na may sala! pero hindi ko naman ginusto na mangyari yun sa kanya eh. "Mga boba ba kayo? It was Aston's choice to defend Lena! at kayo?! ano namang ini-echeng niyo? ni hindi nga kayo kilala ni Aston eh!" isang matinis na boses ang naringgan ko, sa gulat ko it was Rain, nakasaklay pa din ito halatang hirap pa din maglakad. Todo alalay naman ang mga body guards nito, nakakapagtaka na hindi nito kasama si Reino.

"Rain..." mahinang sambit ko, nahihirapan man maglakad ay nakalapit sa akin si Rain, sa gulat ko binigyan niya ako ng isang malakas na sampal sa mukha! nasapo ko lang ang pisngi ko.

Ngumisi ito. "Sa hitsura mo hindi ka magugustuhan ni Aston niyan, nagsakripisyo siya para sa iyo ikaw naman mukhang namatayan, paano pa ako magkakaroon ng drive na agawin sa iyo si Reino kung umaakto ka ng talunan ngayon palang Lena? Show me you're not just a pretty face, and show Aston that the girl he saved is ready to return the favor. Ciao!" she said at iika ikang naglakad tungo sa limo. Tumakbo naman palapit sa akin si Ran.


"Sino yun? masampal nga din minsan! hmp!" sabi ni Ran, but wait, may point si Rain! Ano nalang ang iisipin ni Aston pagkagising niya? dapat ipakita ko sa kanya na okay ako at babawi ako! this time! ako naman ang magpapakita kung gaano siya kahalaga sa akin! So with a renewed strength and spirit nagkarron ako ng drive para ayusin ang buhay ko! I mean hindi pwedeng malungkutin nalang ako hindi ba? hindi bagay! hehehe 😉



So umuwi na ako kasama sila kuya! siguro naman pagbalik ko gising na si Aston! time to start anew with him. Pero paano na si









Reino? .... ....

My Nerd PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon