◆sandra POV ◆
dahan dahan kong minulat yung mata ko,
o ayan okay na! hehehe kaso ang problema ko naman ngayon ay yung dyaskeng hati ng buhok ko, ano ka ba naman hair? maayos ka na nga pero hindi padin tayo magkasundo, hair meet comb, comb meet hair. Nagsuklay naman ako kahit alam kong allergic sa suklay itong ulo ko. >_< ang daming falling hair! nakakatakot! baka naman makalbo na ako nito, inabot ko yung hair spritzer sa vanity mirror ko oo meron na ako nun dati ayokong nagsasalamin wala kasi akong ka-aya ayang nakikita nun eh. Since hindi ko pinaliguan yung buhok ko (o wag magya-yuck! ganun talaga pag rebond) oo na! may sinabi ba ako? nilagyan ko nalang siya ng pabango, nakakahiya naman kay Reino. Eeeeehhh~ ayun naalala ko nanaman! ano'ng gagawin ko sa date namin ni Reino na wala akong kaide-idea! kung ano ba ang sasabihin ko? paano ako gagalaw...eeehhh naman kasi eh, kung sana siya pa din yung Reino noon eh di mangongolekta lang kami ng insekto hindi ba? kaso hindi eh! rock star na yun ngayon! eh ang vow vow ko pa mandin sa music stuff...kasi hindi naman ako blessed na singer o kahit ano eh, naninigas yung kamay ko sa piano, masakit sa daliri yung gitara, halos sa lahat ng musical instruments ay vowvow ako, o sige tanggalin mo na yung halos, lahat na talaga =_= tinapos ko na yung "pag-aayos ko" kung pag-aayos na ba ang matatawag dun, konting eyeliner tsaka lipgloss lang tapos pulbo tapos na ako, hehe...mahirap kasi o sige baka sa akin lang, nahihirapan kasi akong maglagay ng kung anu-ano pang colorete sa mukha, nakakatamad =_=
Nakita kong pababa ng grand staircase si daddy. He looks slightly pissed off, anu ba yan oo workaholic ang parents ko kahit weekend nagtatrabaho sila, pero okay lang yun sa amin ni Rigid, I mean sanayan lang kasi yan, gasgas na kasi yung mga batang kunwari rebelde kasi workaholic yung mga magulang nila, papansin nalang kasi ang tawag dun eh. Mantakin mo yun? yung parents ko subsob na nga sa trabaho para may manahin ako tapos magwawala pa ako na parang tanga di ba?
"Dad! ba't nakabusangot ka?" bati ko sa kanya, mukhang napansin naman niya ako "Wala ito cherub, ikaw bihis ka ata?" sabi sa akin ng daddy ko, napakagat naman ako sa ibabang labi ko, ano'ng sasabihin ko sa kanya? na 'dad lumalandi na kasi ang maganda mong anak at may date siya ngayon?' naku wag na ano? baka ibitin pa ako patiwarik niyan. "Uhm dad, ano...kasi...naalala niyo yung kababata kong si Reino? ayun eh for old times sake magkikita kasi kami eh" sabi ko, naku >_< any minute now, dad will hurl out his litany to me again about sa nagboboyfriend ng maaga kahit asa naman ako kung maging boyfriend ko yun noh? "Reino? as in Reino Hashitsorii?" anito, gulp...kilala ni daddy si Reino?? O_O "Kilala niyo po siya?" "Aba oo mabait ang batang yun, sige anak mauna na ako may powerhouse meeting kasi sa kumpanya ngayon eh, ingat ka baby and enjoy your day" anito at humalik sa pisngi ko "Ikaw din po dad, ingat po kayo" kako nalang tapos humalik din kay daddy, huh? kilala niya si Reino? tengene much! ako yung kababata niya tapos ako pa yung last na nakaalam na andito na siya, tengene naman eh.
Medyo nawiwirduhan pa ako kay daddy kasi for the first time okay lang sa kanya na lalabas ako, pero in fairness naman to him, kasi naman ngayon lang ako nagsabi di ba? oh well nakaupo ulit ako sa sofa, nanonood ng invader zim tapos tawa ako ng tawa ng mamataan ko ang mommy ko.
"Hindi tawa yan ng dalaga baby" sabi nito at nakangiti sa akin "Ay sorry po ma" kako oo nga naman balahura kasi makatawa eh "Mukhang bihis ang dalaga ko ah! may pupuntahan ka?" sabi nito "Eh 'my makikopag meet up lang po ako sa friend ko" sabi ko "O sige but be back before dinner okay? you know the rules" sabi pa nito "Yes ma...kayo po pupunta po kayo sa clinic?" "Oo may aasikasuhin lang ako" sabi nito "Okay po my enjoy your day ingat po kayo sa pagmamaneho" kako nalang at humalik sa pisngi ni mommy "Ikaw din darling" sabi nito at lumabas na, well ganun naman talaga ang drama parati dito sa bahay eh, aalis sila mommy, daddy for work at si kuya ay makikipaglandian kay Ran, so technically naiiwan ako mag-isa dito nagmumuni muni, nagpapawis yung kamay ko habang naghihintay kay Reino,
ano kayang gagawin--- ding dong (pati tunog ng doorbell namin generic) O_O homygoshhomygoshhomygosh!!!