◆sandra POV ◆
"Miss okay ka lang?" bigla ay tanong niya habang ako naman ay napahawak sa balakang ko, baka kasi nahulog na yung panty ko sa sobrang gwapo niya eh!
grabe nakakahiya ako, tumutulo na ata yung laway ko, nakanganga pa yata ako...nang bigla kong makitang sumilay ang mga magagandang ngiti sa kanyang labi...
"Miss don't gape at me too much, ikaw din baka isipin kong may crush ka sa akin" he smirked biglang sumemplang yung imagination ko, okay na sana eh! tae! nuknukan ng yabang! kahit pogi pa! bwiset! nakakainis pa mandin yung mga ganoon, alam mo yun bang panira ng pangarap? ganun yun eh! tsss....
bigla akong bumangon kahit pa medyo nahihilo pa din ako, kasi nga wala yung salamin ko, pero kasi ayokong makipag associate sa mga taong katulad niya, super turn off kasi eh... "Hey miss wait, saan ka pupunta, you're not well yet!" anito tsaka pa humabol sa akin, hinarap ko siya bigla,
"Magpapakamatay...sama ka?" sabi ko, o ha? nagtataray na ang lola niyo! nakakainis kasi eh! ang yabang ng kumag! oo nga at may crush ako sa kanya KANINA! pero ngayon no thanks! bwiset hmp.
"Hehe, tapos nun sa langit na?" anito at kumindat pa, waring lumaki yung ulo ko sa pagkakarinig nun! ang manyak ng potek!
bigla akong napasinghap at pinulot ko yung unan sa may kama at binato ko sa kanya, "Bastos ka ah!"
"Wait teka lang Miss! najo-joke lang naman ako eh...pero di nga? ayaw mo?" hirit pa nito...nakuuu makahanap ka ba naman ng saksakan ng yabang na nilalang na talaga namang ang sarap saksakin!
"Akin na yung salamin ko!" sabi ko bigla ayoko ng patulan yung katangahan niya, hinablot ko na din yung bag ko mula sa paanan ng kama, "Ha?" anito
"Yung salamin ko kako!" ay ang tanga kainis, inabot naman nito yung salamin ko, naaapuhap ko na ngingiti ngiti pa siya, isinuot ko yung salamin ko at muntik ko ng mabitawan yung libro ko, kasi kung kaninang wala pa akong salamin ay makalaglag panty na yung kagwapuhan niya, ngayon naman grabe parang gusto ko ng iuwi siya sa bahay bigla, ay! Lena anu ba naman yang iniisip mo, nahawa ka na sa kamayakan ng kumag na iyan. tae! pero hindi nga alam niyo yun bang ang sarap niya ipa-frame, hindi nakakasaw yung ka-cutean niya lalo na at nakangiti siya ng ganyan tapos ang cute cute pa ng dimples niya, ang sarap titigan>_< "Miss? baka matunaw ako, wag naman masyado" anito, kita mo? Yabang e.. sumemplang nanaman yung imahinasyon ko kasi eh! panira talaga ng pangarap itong kumag na ito grrrh!!!! bigla kong kinuha yung libro ko at nilayasan yung kumag na yun.
bwiset much! Nagmamadali akong lumabas ng Nurse's station, Nurses Station pala yun kanina hehe. Dirediretso ako sa paglalakad, teka nga pala ano nga pala ang ginagawa ko sa nurses station? bigla akong napahinto sa paglalakad at inalala kung ano nga ba yung nangyari? napaisip ako bigla, ah! alam ko na! dahil sa kapraningan ko, tinamaan ako ng bola at--- at !!!!! may paparating na namang bola sa harap ng mukha ko!!!!!! >__< so kailangan talaga ipaglandakan? kailangan? oo na! sige na aamin na ako, naiinggit na ako! kasi naman eh! feeling ko ang pangit ko na masyado...kasi naman biruin mo 16 na ako, sa 16 years na itinengga ko sa mundong ito ay wala man lang nagtangka manligaw sa akin, inilibot ko yung mata ko sa ibang lugar at may nakita akong dalawang pangi---erm hindi naman, sabihin nalang natin na...medyo....exotci ang pagmumukhang babae at isang lalaki na naghaharutan sa table nila, o hindi naman ganoon kapangi--err...ka exotic yung mukha ko, pero bakit siya may jowa? yung ngang bading na si Honey may boilet bakit ako wala? >_< ano bang meron siya na wala ako? maliban nalang sa male genitalia. At um-um nilang mahaba? Yuck. Ano ba tong iniisip ko!!
"Hoy sandra...kanina ka pa namin tinatawag at mukhang nasa dreamland nanaman yang ulo mo" narinig kong sita sa akin ni lpis
"ha? ah eh w-wala!" sabi ko bigla, sinundan nila lois at thena yung direksyong tinitignan ko Eh kasalukuyan akong nakatingin kay Honey na nakikipaglampungan sa kanyang panibagong papa .
"Ano ba naman yang tinitignan mo Lena, kadiri ha?" sabi ni thena at sumimsim ng orange juice, binigyan ko ng ngiting aso nalang si thena at ibinalik ang atensyon ko sa pagkain "So kamusta naman ang Kuya mo ha Lena?" biglang sabi sa akin ni lois yang si Lois kasi ay matagal ng may pagnanasa sa kumag kong kapatid na si john ace, friend ko siya oo ang kaso eh bestfriend ko si maui eh at alam ko siya ang mahal ng kuya kong bangangers...
"Ayun masaya naman sila ni maui" sabi ko, biglang nalukot yung mukha ni lois at sumimangot, ewan ko naman ba sa lpis na ito eh may jowa na nga siya eh pinapangarap pa din niya yung eng eng na john ace na yun, masaya na yun kay maui no, pareho silang abnotic kaya bagay sila.
"Teka nga pala sandra, bakit may benda yang ulo mo ha?"
Nginuso pa talaga ni thena yung nakabenda kong ulo, bigla akong napahawak doo, at napapitlag "Pauso mo?" ngisi ni lois, iniikot ko yung mata ko "Oo 'teh pauso ko, trip mo?" sabi ko, natawa lang yung dalwang bangag "Eh sa napano ka nga ba talaga ha?" tanong ni thena "Tinamaan kasi ako ng bola kaninang papunta ako sa botanical garden eh, kaya ayun dinala ako ng nakatama sa akin sa nurse station" sabi ko, at bigla ko nanaman naalala yung balahurang si James na yun at yung ka chorvahan niya kanina, bigla na naman nag init yun ulo ko, mga imoral talaga... Nang biglang sumabog ang liwanag sa may pintuan ng canteen, at pumasok doon ang liga ng basketball players sa campus namin . So kailangan talaga may grand entrance pa silang nalalaman? sa isip ko bigla, bigla kong naibuga yung iced tea na iniinom ko nang makilala ko ang isa sa mga players! ang hinayupak na James na iyon!!!!!"Oh my gosh! Ang pogi talaga ni Captain james" kinikilig na sabi ni lois, halos lahat ng mga mata ay nakatuon sa mga players, na mistulang kapre sa tatangkad, mga bakulaw ba? pero in fairness naman sa liga namin ha? wala yatang pangit sa kanila? :O wala din mukhang ordinaryo sa kanila, lahat siguro sila pogee...bawal ba pangit dun? eh maglalaro lang naman sila ng basketball? kailangan talaga pang model yung hitsura nilang lahat? bigla kong nakitang natuon sa direksyon namin yung paningin ng balahurang si James at nagliwanang yung mukha, sadya pang ngumiti ito..