Larry' Pov (ONLY)
"Paano nga ba ito nag simula?"
Ako ang paboritong anak ng pamilya namin at ako rin yung unang lumabas.
Di ko alam bakit.Bakit ako lang paboritong anak nila?
Anong merun ako na naging paborito ako? May pagkakamali ba kay Harry?Parehong pareho lang naman kami ni Harry. Pero iba para sakanila.
Hanggang sa patagal tagal iyon ay dun na nagsimula ang pagkakaiba ni Harry.
Nalaman ko iyon sa pagdradrawing nya paminsan. Nakakatakot tignan. Kaya pinagmasdan ko sya nun hanggang yun na.
Hindi ko nga alam kung paano ko sabihin sa pamilya namin nun dahil ayoko talaga ang pagtuturing nila kay Harry. Ayoko ng madagdagan pa.
Kung sila ay kampi saakin, ako naman ay sa kapatid ko. Ganun ko sya kamahal. Hindi naman sa hindi ko na mahal pamilya ko, pero masama naman na ikaw na nga paborito ay kampi ka naman sakanila kaysa sa kapatid mong nag iisa.
Pumipigil na nga lang ako kapag minsan pinapagalitan si Harry at gustong gusto ko makasingit pero pinipigilan ko yun.
"Larry, di ko na kaya~" -Harry
"Harry wag! Bitawan mo yan!" -Me
"Paboriton ka kasi nila kaya pinipigilan mo ako" -Harry
Pero di nya ako pinakinggan at sya mismong pumatay sa pamilya namin.
Gusto kong agawin pero.... Bakit di ko yun magawa? ..Dahil wala na kaming magawa pa.
Ginawa ni Harry iyon habang natutulog sila. Nakita ko iyon dahil may oras nang mapansin ko nun na nakabukas ang kwarto ng pamilya namin kaya pagkapasok ko nun, ayun na ngang si Harry ay may hawak na dalawang malaking kutsilyo at nakatapat na sakanila.
Pinigilan ko sya nun pero di nya pinakinggan. Kitang kita ng dalawang mata ko na kung paano nya pinatay.
Syempre, masakit.
Sya na rin gumawa ng libing nila. Wala parin ako magawa kundi nakatingin nalang ako.
Ang wala kong kwenta. Ang hina ko talaga.
Sorry...
Sorry sa mga ginawa kong walang kakwenta kwenta. Wala man lang nagawa ang paborito nyong anak. Pareho ko kayong mahal pero...
Bakit ganito?!Tatanggapin ko na di ako mapatawad nila dahil ganun talaga dapat.
Sobrang nakakapagsisi. Wala akong pakealam kung paborito ako. Hindi ko yun pinagmamalaki.
Mahal ko ang kapatid ko at
Mahal ko rin pamilya ko.Pero bakit ganito nga?! Wala akong ginawa! WALA TALAGA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author: magiging kunti lang talaga ito guyzz ah dahil para lang talaga kay Larry ito.
Bakit? Balik kayo sa previous chap at alamin kung saan tayo tumigil uli^^ JOKSSSS HAHAHAHAH ambad ko😈😂😂😂Base po sa tanong e ∩__∩
At wala na rin akong maidagdag pa..
BINABASA MO ANG
I Lost Her {COMPLETED}
Mystery / ThrillerIlang taong nawala ang kakambal ni Arya Tremaine na si Phoebe Tremaine. Noong bata sila ay nasa palaruan sila nun. Nag bobonding magkambal. Nangangako silang di magkakahiwalay habang buhay. Nang may dumating na tag ice cream, nag aya si Phoebe na g...