Author: so... Andaming nag sasabing mag bago ka na raw. Anong masasabi mo sakanila?
Hindi naman nila ako hawak eh at wala silang pakealam kung mag babago ako o hindi.
Author: nga pala, anong mga rason mo kaya itong tatlong ito ay pinatay mo? Kilala mo na kung sino mga yun.
Alam nyo naman na may galit ang kabilang half ko sakanila at hindi ako ang gumawa nun kundi ang kabila kong half.
Eh ang kabilang kong half ay mahilig talagang pumatay ng mga tao.
Author: hindi mo ba mapigilan man lang?
Hindi na. Tsaka.. Hinahayaan ko na lamang dahil.. Wala eh at hindi naman ako mismo ang gumagawa eh. Kundi ang kabilang half ko lang.
Author: pero katawan mo parin yun. Next question.. Nag simula ito dahil sa magulang ninyo. Gaano ba kahirap ang naranasan mo noon?
Parang... Tinuturing kang alagang aso.
Sinasaktan lagi at mali ako lagi sa mga tingin nila. Laging tama ang kakambal kong si Larry.
Pero kahit nga ganun, noon mahal ko pa din si Larry. Alam kong kapag sinasaktan ako, gusto nya man tulungan ako pero hindi nya magawa dahil natatakot sya.
Kaya isa pa yun sa dahilan kaya paboritong anak talaga sya.
Wala naman mali saakin eh. Parehong pareho na nga kami ni Larry pero... Hindi ko alam kung anong mali.
Kahit man hindi nila iniexpect na dumating din sa buhay nila, sana naman ay tinanggap parin nila ako. Hindi naman ako pasaway sakanila pero... Ganun parin. Mali parin sila saakin.
At.. Yung araw na namatay sila. Ako na mismo gumawa nun at hindi ang kabilang half ko. Ako na talaga mismo ang gumawa. Nakita pa ni Larry yun eh.
Dun na rin nag simula ng mag hiwalay na kami at alam ko naman mga pinag iisip nya kaya lumayas nalang sya bigla nun.
At ako naman ay umalis na din nun at iniwan lamang ang mga magulang namin sa bahay. Wala akong naisip na itapon sila, hindi dahil naaawa ako pero... Wala naman kasing malapit saaming dagat man lang eh at bata pa ako nun kaya hindi pa ako marunong mag drive nun.
Kung andun pa si Larry ay matutulungan nya pa ako dahil marunong sya mag drive kaysa saakin. Syempre paboritong anak.
At... Namuhay ako nun mag isa. May natanggap akong trabaho. May split personality man ako pero... Wala naman nakakapansin nun kumbaga lalabas iyon kung wala ng gaanong tao nun.
Kaya ang tino ko talaga sa trabaho ko.
Yung pagiging photographer ko nun, trabaho ko din yun.
Yung araw na nagkita na kami ni Arya nun, yun ang first time kong mag photograph.
Author: may araw din ba na nagustuhan mo si Arya?
Aaminin kong oo. Pero.. Pinagtataka ko ay ang epal ng kakambal ko nun. Akala nya bang sasaktan ko din si Arya.
Hindi ko pa magagawa yun sakanya. Kaya... Naisip ko nun sa una na baka may gusto si Larry kay Arya. Pero... Wala pala kundi kay Phoebe naman.
Author: naging balak mo din ba na mapatay si Arya?
Oo.. Na ako mismo sa sarili kong katauhan ang gagawa sakanyang patayin. Kaso wala eh... Naunahan na ako dahil sa sakit nya.
At kaya gusto ko din syang patayin ay dahil sya na sana ang first love ko eh kaso naunahan din ako ni JV nun. Ano bang nagustuhan nya dun?
Author: so balak mo din patayin pa si JV?
Sana. Pero ng malaman kong nagka anak pa sila ni Arya nun. Naisip kong wag nalang at dahil naaawa ako. Dahil walang magiging pamilya man lang ang anak nila kaya pag bigyan muna.
Author: edi sa balang araw ay mapapatay mo din si JV?
Hindi ko alam.
Author: hmm. May masasabi ka pa ba kay Julya (sa anak nila)?
Ummm.... Ano bang masasabi ko sakanya?
Na.. Sana magkita din kami balang araw..? Ayun lang
Author: ookay. Ano pa bang balak mo sa ngayon? Nabalitaan mo na din ba na ikakasal na sina Phoebe at Larry?
Ngayon ko palang nalaman at buhay naman nya iyon eh. Hindi na ako manggugulo pa sakanila.
Author: sigurado ka ba?
Oo. Pero.. Hindi natin alam ang ikot ng mundo😊
Author: at.. Ito muna pala, anong masasabi mo sa ikinamatay ni Arya?
Wala. May gusto man ako sakanya pero sandali lang yun. Nasabi ko man kanina na sya na sana first love ko pero mali pala ako.
At... Wala na talaga akong masasabi pa.
Author: hayy... Huling katanungan na. Ano na nga balak mo ngayon?
Makakasama pa naman ako sa susunod na storya kaya abangan nalang😊
.......
Author: natapos na din itong special chaps na ito at salamat po talaga sa mga nakabasa💕💕
Pero uli, pwede pa kayo mag tanong sakanila. Thank you talagaa😊💖💖
Atsaka ang book 2 nito ay napublished ko na kaya pwede nyo na ring basahin iyon.
BINABASA MO ANG
I Lost Her {COMPLETED}
Mystère / ThrillerIlang taong nawala ang kakambal ni Arya Tremaine na si Phoebe Tremaine. Noong bata sila ay nasa palaruan sila nun. Nag bobonding magkambal. Nangangako silang di magkakahiwalay habang buhay. Nang may dumating na tag ice cream, nag aya si Phoebe na g...