1 chap left...
Author's Pov
Habang hindi pa naibaba ang kabaong ni Arya ay nag salita muna si JV sa lahat habang dala dala nya ang anak nila.
"Magandang araw po sainyong lahat. Kahit hindi magandang araw ngayon hahaha.. "
Nagawa nya pang makipagbiruan xD
"Salamat po sa mga dumalaw po dito. Kahit yung mga taong customers namin sa shop. Salamat po☺
Ipapangako kong aalagaan ko ng mabuti ang anak namin na si Julya. Kung itatanong nyo rin saakin kung paano kapag balang araw, nakahanap ako ng bagong babae sa buhay ko. Hindi ko yun gagawin. Hindi dahil sa natatakot ako pero kundi...
Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Mahal na mahal ko si Arya.. At si Julya.
Hindi ko kayang palitan si Arya sa buhay ko. Simula palang noong mga bata pa kami, sinabi ko na sa sarili ko na... Sya lang. Sya lang dapat. Wala ng iba pa. Mahal ko na nga si Arya noong mga bata pa kami eh. Hindi lang kababata ang turingan ko sakanya nun kundi mahal ko na talaga sya. Kung napakabaliw ko na dahil bata pa ako nun, wala akong pakealam.
Mahal na mahal ko si Arya. Kanina ko pa inuulit ulit toh pero dahil ganun ko sya kamahal... Kaya Julya.. Anak...."Nang tignan uli ni JV si Julya ay lalo pa syang naiyak.
Iniisip na nya agad kapag malaki na si Julya...
"..Julya.. Anak.. Alam mo namang inalagaan ka ng mabuti ng iyong nanay. Sya yung nanay na kahit ansakit sakit na ang nararamdaman nya... Nagawa nya paring alagaan ka ng mabuti. Wala ka man makita pero...
Biniyayaan ka parin ng nasa itaas ng buhay. Siguradong sigurado ako na maiintindihan ni Julya ito, pag laki nya. Iniimagine ko ngang baka balang araw, sabihin nyang ... 'Ang swerte ko pala sa nanay ko. Kung andidito pa sana sya... Papasalamatan ko sya ng madaming madami' Pero alam naman natin kahit wala na si Arya sa tabi natin. ..Lagi parin sya nasa puso't isip natin. Lagi parin syang nakatingin sa itaas at binabantayan tayo. ...Wew hahah.. matatagalan pa ata ako nito ah.. Kaya.. Hindi ko na tatagalan ito. Salamat po talaga sainyong lahat☺ Godbless to all of you❤" -JVPagkatapos nun ay sinimulan nang ibaba ang kabaong ni Arya. Ngunit hindi naituloy dahil biglang sumingit si Phoebe.
"Pwede pa po bang magsalita?" -Phoebe
At tumango lang nun si Father.
Umakyat na si Phoebe sa may maliit na stage at nag simula ng mag salita.
"Baka kasi magtampo si Ate saakin at multohin pa ako hahahha.. "
Pati mga tao ay nag tawanan xD
"Siguro.. Kunti lang masasabi ko dahil alam naman ni Ate na mahal na mahal ko talaga sya. Syempre, di ako nag sasawang mahalin sya. Wala namang taong nagsasawa kapag mahal mo talaga ang isang tao.. "
BINABASA MO ANG
I Lost Her {COMPLETED}
Mystery / ThrillerIlang taong nawala ang kakambal ni Arya Tremaine na si Phoebe Tremaine. Noong bata sila ay nasa palaruan sila nun. Nag bobonding magkambal. Nangangako silang di magkakahiwalay habang buhay. Nang may dumating na tag ice cream, nag aya si Phoebe na g...