Done With Love

3.5K 61 3
                                    

Note: Poor plot. Product of all the articles I've been reading about HunHan being ripped apart. <///3

Part one and two are both here.


You only need the light when it's burning low
You only miss the sun when it starts to snow
Only know you love him when you let him go

And you let him go...

"Luhan~ Luhan-hyung! Let's gooooo!"

Pagtawag ni Sehun sa kanyang boyfriend na si Luhan. Ngayong araw kasi ay napagkasunduan nilang magdate. Pupunta sila sa mall para manood ng movie.

"Wait lang Sehunnie~"

Makalipas ng ilang minuto ay nasa labas na si Luhan. May hawak itong papel at ibinigay niya iyon kay Sehun.

"Buksan mo ang papel na yan mamaya pagkatapos ng date natin."

Tumango si Sehun at nginitian si Luhan.

Mahigit isang taon na ring nagdadate sila Luhan at Sehun. Nagkakilala sila dahil sa pareho nilang kaibigan sila Chanyeol at Baekhyun. Unang pagkita pa lang nila ay nagkagustuhan na agad sila. Naging madalas ang pagkikita nila dahil sa mga kaibigan kaya naman isang araw ay nagtapat na si Sehun nang kanyang nararamdaman para kay Luhan.

"Tara na?"

Inilahad ni Sehun ang kanyang kamay para hawakan ito ni Luhan ngunit hindi ito hinawakan ni Luhan. Basta na lang siya nitong nilagpasan.

Napapansin na ni Sehun ang mga pagbabago na ikinikilos ni Luhan. Naging malamig na ito sa kanya hindi tulad noon na sweet at caring. Madalas na din itong magalit o mainis sa kanya kahit wala siyang ginagawang mali. Minsan na lang itong pumayag na lumabas na kasama siya.


Pagod siguro si hyung...

Pagdadahilan niya sa sarili niya upang maiwasan ang pag-iisip ng kung ano.

Nakarating na sila sa mall at inaya niya si Luhan na kumain na muna dahil tanghali na naman. Kumain sila sa paborito my restaurant ni Sehun. Pagkatapos nun ay naisipan na nilang manood ng sine.

Magkatabi sila sa upuan. Hinawakan ni Sehun ang kaliwang kamay ni Luhan at naghahangad na huwag sana nitong iiwas ang kamay. Hindi nga iniwas ni Luhan ang kanyang kamay. Hinayaan niya lang si Sehun na hawakan ang kanyang kaliwang kamay.

Makalipas ang dalawa't-kalahating oras ay tapos na ang pelikula. Palabas na rin sila ng mall.

"Sehunnie~ Buksan mo yan pagdating mo sa inyo, okay? Thank you for this day. Thank you."

Hinalikan ni Luhan ang pisngi ni Sehun at agad na pumasok sa bahay nila. Si Sehun naman ay naiwang nakatayo sa harap ng bahay ng boyfriend niya.

Napahigpit ang hawak niya sa papel na nasa kamay niya. Bakit pakiramdam may hindi magandang mangyayari?

Nagsimula nang maglakad pauwi si Sehun. Tumutulo na rin ang mga luha sa mata niya pero hindi niya ito ininda. Diretso lang ang tingin niya habang hawak ang papel na galing kay Luhan.

"Nakakapagod ba talaga akong mahalin?"

Tanong niya sa kanyang sarili. Ginawa ni Sehun ang lahat para mapasaya si Luhan pero sa huli ay iiwanan din pala siya nito.

Sehunnie,

Sorry. I can't be with you anymore. It was fun while it lasted. Thank you for everything.

EXO FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon