Note: huehuehue. Wala kinikilig lang ako todayyyyyy hehehehe =))))) Poor plot poor ending
"Anong ginagawa mo?"
Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at napangiti. Nandito na naman siya. Bakit na siya palaging nandito?
"Nagp-paint. Hindi ba halata?"
Umupo siya sa tabi ko at inabot sa akin ang isang paper bag.
"Ano to?"
Inirapan niya ako bigla na ikinangiti ko muli.
"Paper bag. Tanga lang? Hay nako! Alam mo hindi ko alam kung saan hahantong yang pagp-paint mo. Yayaman ka ba dyan?"
Hindi ko na lang siya kinibo at inalabas ang nasa loob nung paper bag na dala niya. Pagkain pala yun. Napatingin ako sa wrist watch ko at nalaman na almost lunch time na pala.
"Passion ko kasi to. Di ba nga ikaw passion mo ang pangongolekta ng Gucci bags?"
Tumango siya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Napangiti na naman ako.
"Alam mo hindi ko alam kung bakit palagi kitang pinupuntahan dito sa art studio. I mean, no offense ha, hindi naman ikaw yung tipo ko eh."
Napatawa na lang ako at ginulo ang buhok niya.
"Gusto mo bang lumabas?"
Bigla siyang napaayos ng upo at napatingin sa akin. Nakangiti siya tapos biglang nagseryoso ng mukha.
"Anong klaseng labas ba yan? Parang date?"
Hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinalikan ito. Namula ang mukha niya kaya binawi naman niya iyon agad.
"Anong parang? Date talaga."
Nanlaki ang mata niya at niyakap ako bigla.
"Akala ko hindi mo na ako aayaing makipag-date. Akala ko forever manhid ka na."
Napatawa uli ako sa sinabi niya.
"Sorry ha. Ramdam ko naman na yung nararamdaman mo para sa akin nung unang beses mong punta dito pero hindi ko lang kinibo."
Humiwalay siya sa pagkakayakap namin at nagpout.
"Insensitive."
"Oo na. Sorry naman. Being romantic is not my style."
"Eh anong style mo?"
Hinila ko siya palapit sa akin at hinalikan sa labi.
"Hmm... I don't know. Pero I'm sure of one thing."
Ngumiti siya at ipinulupot ang braso niya sa leeg ko.
"Ano naman yun?"
"You are my style."