Beauteous Love

1.6K 28 9
                                    

Note: another parallel story of Mad, Mad, Mad Baby. Not a one shot. A fan fiction featuring HunHan. Probably a byuntae story. Lol.

Beauteous Love

"Bakit ba paulit-ulit mo akong sinasaktan?"

Nag-iwas ito ng tingin at napaluha na naman ako. Ang sakit-sakit dahil kung sino pa yung taong nagpapasaya sayo ay siya rin palang magpapaluha sayo.

"Maghiwalay na tayo. Pagod na pagod na ako, Sehun. Pagod na pagod na."

Nanlaki ang mga mata nito at agad akong nilapitan. Hinatak niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Ibinaon niya ang mukha ko sa kanyang dibdib.

"You can't, lulu. I love you. You can't breakup with me."

Sabi nito at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Pilit akong kumakawala pero ayaw niya akong bitawan.

"Ayoko na. Pagod na ako sayo. Mas mabuti pa na maghiwalay na lang tayo."

Tinignan ako nito at biglang hinalikan. Kinagat pa niya ang labi ko para buksan ito at papasukin ang kanyang dila. Napaungol ako.

"Hindi pwede. Masyado na akong lubog sayo para pakawalan ka pa. Akin ka lang, Luhan. Akin lang."

**

"Nakita ko si Sehun na may kasamang babae kagabi. Naghahalikan sila lulu. Bakit ba hindi mo siya hiwalayan?"

Inis na tanong ni Minseok sa akin. Magkasama kami sa bubble tea shop at hinihintay ang mga kaibigan namin na sila Kyungsoo at Tao.

"I love him."

Simpng sagot ko. Totoo naman kasi eh. Mahal ko siya kaya hindi ko siya kayang iwan. Sinubukan ko pero hindi ko lang talaga kaya. I'm lost without him.

"Damn love. He's an asshole."

Nag-iwas na lang ako ng tingin at ininom ang order kong bubble tea. Chocolate flavor iyon dahil iyon ang favorite ni Sehun.

-----

Tada! Hehehehe. HunHan naman! Puro KaiSoo ako eh. Lololol. Tapusin ko muna ang Mad, Mad, Mad Baby at Flower Boy bago ito.

EXO FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon