Three is Never a Crowd

1.7K 42 30
                                    

Note: Contains graphic sex scenes. I've always wanted to write something like this so yeah.

Three is Never a Crowd

Bata pa lang ako sila na ang kasa-kasama ko. Kahit na malayo ang mga agwat ng estado sa buhay namin ay naging malapit pa din kami sa isa't-isa.

"Kyungsoo! Sorry kung late kami. Ang tagal kasi ni Kai. Sorry."

"Oo nga, Bambi. Sorry."

Sila ang mga kaibigan ko. Sila Kim Kai at Oh Sehun. Si Kim Kai ay anak ng isang sikat na actress at actor dito sa Korea, habang si Oh Sehun naman ay anak ng isang business tycoon at isang dating model.

Kung tinignan ang mga panlabas na anyo ay parang alalay lang nila ako. Sino ba naman kasi ako para ikumpara sa kanilang dalawa?

"Okay lang. May sasabihin nga pala ako sa inyong dalawa."

Tumango ako at nginitian sila. Gusto ko talaga na mapabagay sa kanilang dalawa para naman hindi kahiya-hiya na maging kaibigan nila ako.

"Sasabihin?"

Sabay na tanong nila. Kunot pa ang kanilang mga noo habang inaantay ang akong sasabihin.

"Ano?"

Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin bago nagsalita.

"Nahanap ko na ang ideal man ko!"

awkward silence.

more awkward silence.

"Anooooooooo?!!?!?!?!"

**

"Kung totoong meron ka ng ideal man ay wala na kaming magagawa. Teka, sino ba ang ideal man mo?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago nagsalita.

"Si Luhan-hyung."

Nahihiyang sabi ko sa kanilang dalawa. Napatitig silang dalawa sa akin. Nagdilim din ang mga mukha nila.

"Bakit siya ang gusto mo?"

"Ah, kasi ganito yun..."

**

"Sobrang late na akong nagising. Baka kanina pa ako inaantay nila Kai at Sehun. Nakakahiya."

Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may tao pala akong makakasalubong. Nagkabunguan kami at nalaglag ang akong dalang bag.

"Ouch!"

"Aray!"

Sabay namin na sabi. Nag-angat ako ng tingin at nakita na si Luhan-hyung pala ang nakabungo ko.

"Hyung!"

Tumingin din ito sa akin at nagulat.

"Oh, Kyungsoo, ikaw pala yan!"

May ngiti pa ito sa kanyang mga labi. Grabe, kung ang ganda niya pala sa malapitan. Hindi na ako nagtataka na madaming nagkakagusto sa kanya na lalaki.

"Ah, hyung, yeah. O-okay ka lang ba?"

Tumango ito at tumayo. Pinagpag niya ang dumi na napunta sa pants atsaka inilahad ang kamay niya para tulungan akong tumayo.

Dahil doon ay napagpasyahan ko na si Luhan hyung na ang ideal man ko. Siya talaga. Siyang-siya talaga.

**

EXO FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon