Second Chance

3.1K 57 7
                                    

Note: REQUESTED BY SOMEONE WHO WROTE SUCH GOOD FANFICS ABOUT EXO OTP's. DIE-HARD FAN HEREEEE! =)))))




Staring at the bottom of your glass
Hoping one day you'll make a dream last
But dreams come slow and they go so fast

You see him when you close your eyes
Maybe one day you'll understand why
Everything you touch surely dies


Nakalipas na ang tatlong taon. Hanggang ngayon hindi pa din mawala ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Sehun.

Ang pagmamahal na sinayang ko.

"Luge~~ Why are you hiding in your room?"

Tanong sa akin ni Drake na nakilala ko dito sa New York. Naging kasa-kasama ko siya dito sa apartment na tinitirhan ko.

"I'm not hiding, Drake."

"But why are you here? Don't you have class to attend?"

Hindi ko na lang sinagot ang sinabi ni Drake. Wala akong gana na pumasok, wala.

"Oh Sehun!"

"Hyung~ wae?

"Pwede ba tayong mag-usap?"


"I'm sorry... Sorry kasi sinaktan kita."

Napatingin ako sa kanya na nakatingin naman sa malayo.

"Bakit mo ba ako iniwan, hyung?"

"Kasi... Kasi tanga ako. Hindi ko pinakinggan yung sinasabi ng puso ko. Akala ko, akala ko hindi kita mahal. Akala ko yung nararamdaman ko sayo ay attraction lang."

"Akala? Ang daming namamatay sa akala."

Napayuko ako dahil sa sinabi niya.

"Tatanggapin mo pa ba ako kung sasabihin kong mahal kita? Na nagkamali lang ako?"

Napatingin ako sa kanya para tingnan ang expression nang mukha niya. Nakangiti siya sa akin kaya naman nabuhayan ako ng loob.

"Lahat naman tayo nagkakamali. Madali ring magpatawad. Alam mo ba kung ano ang mahirap?"

Napatitig ako sa kanya. Kumakabog ng mabilis ang puso ko.

"Ang makalimot... Ang kalimutan ang ginawa mong pag-iwan. Kung tatanggapin kita, sa tingin mo ba hindi ko iisipin na baka iwanan mo lang uli ako? Sa tingin mo ba hindi ko maiisip na baka may iba ka na naman?"

May pait sa tono ng pagsasalita niya. Ramdam ko na parang dinudurog ang puso ko. Dito na ba matatapos ang kwento namin? Hanggang dito na lang ba ang pagmamahalan namin?

"Ang isang bagay na may lamat na kahit anong pantakip ang ilagay hindi mo pa rin maitatago. Nandun at nandun pa din ang pagdududa, ang hinanakit. Ayokong magsumbatan lang tayo sa dulo. Mahal kita hyung, pero minsan kulang yung mahal mo lang ang isang tao. Kung walang tiwala, sa wala din mapupuntahan ang isang relasyon. Tiwala ang nasira sa atin... At hindi iyon basta-basta naibabalik na parang nang-hiram ka lang ng laruan. Hindi ganun iyon."

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Kahit second chance lang, Sehun. Please... Hindi ko na gagawin ang mga ginawa ko sayo. Pangako..."

"Naniniwala ako sa second chances, ang hindi ko lang pinaniniwalaan ay ang lahat ng tao ay dapat bigyan ng second chance."

Tumalikod na siya sa akin. Aalis na siya... Iiwan na niya ako...

"I love you hyung. But I'm sorry I can't take you back."

You only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love him when you let him go

And you let him go...

"You're doing it again Luge~"

"Doing what?"

"Spacing out. Anyway, have you seen the mini film that Tristan made? 'Twas awesome. I wanna fall in love like the characters in that film."

Tumayo ako at pinat ang balikat niya.

"Don't fall in love."

"Huh? Why?"

"Because everything that falls eventually breaks. Just love. And then value trust, it's the main ingredient of a long-lasting relationship."

Hindi kami nagkaroon ni Sehun ng happy ending. Pero natapos ang love story namin.

Siguro hindi ito ang panahon para sa pagmamahalan namin. Hindi ngayon, pero alam ko na darating yung panahon na para sa amin. Panahon kung saan maitatama ko ang mga pagkakamali ko. Panahon na magiging masaya kami sa piling ng isa't-isa.

End.

EXO FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon