Note: I... honestly do not know why I wrote this one. The ending is kinda weird. But yeah, enjoy!
Loved Me Once
"Hyung mahal talaga kita pero kailangan ako ni Krystal."
Eto na naman siya. Eto na naman ang linya niya. Bakit ako ba hindi ko siya kailangan? Bakit ako ba hindi nasasaktan? Ako ang mahal niya pero siya ang mas inaalagaan niya.
Hindi na lang umimik at hinayaan siyang halikan ako sa labi bago ito tumayo at lumabas ng bahay.
Boyfriend ko si Kim Jongin at limang taon na kaming nagsasama. Sa loob ng tatlong taon ay naging maayos at masaya kaming dalawa pero nagbago iyon nang makilala niya si Jung Krystal - ang babaeng naging dahilan ng madalas na pagtatalo namin.
Si Krystal ay naging katrabaho niya sa law firm na pinapasukan niya. Naging malapit silang dalawa hanggang sa nagkagustuhan. Tanda ko pa nung araw na mahuli ko silang nagtatalik dito mismo sa bahay namin. Pakiramdam ko noon ay sinaksak niya ako sa puso.
Humingi ng tawad si Jongin sa akin at nangakong hindi na niya uulitin ang pagkakamali niya pero hindi niya ito tinupad, itinuloy pa din niya ang relasyon nilang dalawa.
Marami ang nagsasabi na nagpapakatanga na lang daw ako. Na kesyo hinahayaan ko pang may ibang karelasyon ang lalaking mahal ko, nag nagbubulagbulagan ako. Ang sabi ko na lang hangga't ako ang inuuwian, alam kong ako pa rin ang mahal.
"Soo!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Suho lang pala. Ang lalaking palaging nandyan para sa akin. Nginitian ko ito at kumaway pa habang papalapit ito sa akin.
"Hi Soo!"
"Hi Suho!"
Napakunot ang noo nito na ipinagtaka ko. Titig na titig ito sa akin. Hinawakan niya pa ang dalawang kamay ko.
"Umiyak ka ano? Si Jongin na naman. Tsk."
Napatawa na lang ako. Kapag umiyak ako si Jongin agad ang iniisip nila. Kunsabagay siya naman talaga ang dahilan.
"Kasama na naman niya si Krystal?"
Kagat ang labing tumango ako sa tanong niya. Napayuko ako dahil sa awang nakita ko sa mga mata niya.
"May sakit yung mama ni Krystal at gustong makita si Jongin."
Mahinang sabi ko sa kanya. Nagulat ako dahil sa biglang paghila sa akin ni Suho para yakapin ng mahigpit.
"Bakit ba nagtitiis ka ng may kahati kung pwede namang humanap ka ng walang makakahati? Yung buong atensyon ang ibibigay sayo?"
May halong galit ang tinig ni Suho. Alam ko naman na mahal niya ako at kung pwede lang turuan ang puso ay siya na lang talaga ang pipiliin ko pero hindi eh. Hindi ko kaya. Si Jongin talaga.
"Sorry."
Bulong ko na lang. Iyon na lang kasi ang kaya kong sabihin. Sorry. Sorry kasi nagpapakatanga ako. Sorry kasi siya ang mahal ko. Sorry kasi hindi ko ipinaglalaban ang karapatan ko. Sorry kasi ang duwag-duwag ko. Natatakot lang naman kasi ako na baka si Krystal ang piliin niya at hindi ako. Sabi nga nila; "there's no second one if you really love the first one".
Ang sakit pala talaga. Tangina, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Yun bang pagod na pagod na ako. Pero ayaw ko naman siyang isuko. Mahal ko eh.
"Tama na nga ang iyak, Soo. Tara na! I'll treat you some ice cream."
Napangiti na lang ako at tumango. Hinatak ako niyo patayo at nagpunta kami sa malapit na ice cream store. Naupo kami malapit sa glass window. Si Suho ang nag-order para sa aming dalawa.