Note: part three. Wholesome to. Hehehehe
Naive&Innocent
"Kyungsoo, buksan mo na tong pinto. Kumain ka na. Kaninang umaga ka pa hindi kumakain."
"Ayoko! Ayoko! Hindi ako kakain! Hindi ako lalabas dito! Ayoko, ayoko! Hyung, you're so mean! Gusto ko lang naman na makasama si Kai pero ayaw mo!"
Kinatok niya ulit ang pinto pero hindi ko pa rin siya pinansin. Ibinato ko ang unan na hawak ko sa pintuan.
Naiiyak na talaga ako. Bakit ba ayaw niyang makausap at makita ko si Kai? Sabi ko naman na mag-aaral na ako para sa susunod na exam. Magiging mabait na din ako at hindi na uuwi ng late. Pero bakit ayaw niya pa rin?
"Kyungsoo, buksan mo na ang pinto. Jongin is here."
Si Jongdae-hyung na ang nagsalita. Napatayo na ako at agad na binuksan ang pinto. Hinanap agad ng mga mata ko si Kai.
"Hyung, asan si Kai? Asan siya?"
Ngumiti ito at pinat ang ulo ko.
"Nasa baba. Inaantay ka. Di ba mag-oovernight ka sa kanila? Sige na, magbihis ka na at ayusin ang mga gamit mo."
Nanlaki ang mata ko. Payag na sila? Mag-oovernight na ako kela Kai? Yehetttt!
"Ah, pero si Minseokkie-hyung."
Dati naman okay lang kay hyung na mag-overnight ako kela Yeollie at Sehunnie. Bakit ngayon ayaw na niya? Mas mabait naman si Kai ah.
"Pumayag na si hyung. Alam mo naman na hindi ka matitiis ni Shomen eh."
Itinulak na niya ako pabalik sa kwarto.
"Magbihis ka na!"
**
"Kai-ssi!"
Tumakbo ako palapit kay Kai na tumayo para salubungin ako. Niyakap ko siya dahil sa tuwa.
"Kai kanina ka pa ba? Matagal ka bang nag-intay? Sorry kasi hindi kita natawagan. Tinapon ni hyung yung cellphone ko."
Saad ko sabay pout. Naalala ko na naman ang cellphone ko na ibinato niya sa dingding. Naluluha ako dahil madaming picture si Kai sa phone ko na iyon. Hindi ko pa naililipat sa laptop.
Pinat niya ang ulo ko kaya naman napatingin uli ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin.
"Okay lang. Tara na sa bahay? Gusto ka ng makita ng mama ko."
Lumaki ang ngiti ko dahil as sinabi niya. Nakaramdam din ako ng kaba. Juthko, mami-meet ko na ang pamilya niya. Sana magustuhan nila ako.
"Gusto ko na din siya makita, Kai."
Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinarap sila hyung. Si Jongdae-hyung nakasmile habang si Minseok-hyung naman nakasimangot.
"Iuwi mo ang kapatid namin bukas 7pm. Wag kang gagawa ng kung ano mang masama sa kanya."
Tumayo si Minseokkie at inabot sa akin ang isang bagong cellphone. Wow! Mas maganda pa ito kesa dun sa ibinato niya. Hehehe.
"Kyungsoo-ah, palaging naka-on dapat tong phone na ito. Sorry kung nagalit kahapon si hyung. Natakot ka ba? Hindi na ako galit. Kung ano ang magpapasaya sayo ay ibibigay ko. Basta tatawag ako at sasagutin mo ha?"
Tumango ako at kumalas sa hawak ni Kai para yakapin ang hyung ko. Kaya mahal ko si hyung eh. Sabi ko na nga ba gusto niya talaga si Kai para sa akin.
"Hyung thank you. Wag ka mag-alala aalagaan ako ni Kai. Di ba Kai?"
Tumango-tango naman ito at ngumiti. Hinawakan ko na uli ang kamay niya.
"Ah, Kai tinatamad akong maglakad. Ang sakit ng legs ko kakahiga pati. Pwede bang buhatin mo na lang ako? May dala ka bang sasakyan?"
Nanlaki na naman ang single eyelid na mata ng hyung ko tapos ay napatawa naman si Jongdae-hyung. Binuhat naman ako agad ni Kai. Ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya at isinubsob ang mukha ko dibdib niya.
Ang bango ni Kai!
"Inaantok na ako."
Sabi ko sabay hikab. Napipikit na din ako. Naramdaman ko ang paghalik ni ka isa noo ko.
"Ako na ang bahala sa kapatid niyo. You don't have to worry much. I can take really good care of him."
**
"Chen hindi mo napansin na parang kakaiba yung pagkakasabi nung Jongin na yun na aalagaan niya si Kyungsoo natin?"
Natawa si Chen sa inasal ng hyung niya. Over protective kasi ito kay Kyungsoo dahil halos siya na ang nagpalaki dito.
"Tsaka bakit kailangan niyang kargahin na para bang bago silang kasal silang dalawa? Pwede na namang piggy back ride na lang?"
Umupo ito at inilabas ang kanyang cellphone at idinial ang number ni Kyungsoo.
'The number you are dialing is currently unavailable or out of coverage area. Try your call again later.'
Nanlalaking ang mata na napasigaw ito.
"Bakit patay na agad ang cellphone niyaaaaaaa!?!!?!?!!!!"
**
Palihim na pinatay ni Kai ang cellphone ni Kyungsoo na nakapatong sa kama niya.
"Kai, pwede bang mag-shower muna ako? Hindi pa ako naliligo eh."
Tanong ni Kyungsoo habang nakatingin sa litratong nasa ibabaw ng study table niya.
"Sure. Ako din di pa nag-shower. Tsaka parang masarap magbabad sa bathtub. Sabay na tayo?"
Napalingon si Kyungsoo sa kanya at pinamulahan ng mukha.
"Sa-sabay? Ha-ha? Pe--pero bakit?"
Utal-utal na tanong nito. Kahit na kasi madalas na nilang gawin ang bagay na iyon ay naiilang pa din si Kyungsoo.
"Nagtitipid kami ng tubig. Conserve water, shower together."
At nilapitan na nito si Kyungsoo.
End of part three.