Naive&Innocent

2.4K 54 7
                                    

Note: part three.

Naive&Innocent

"Siya pala yung sc president? Akala ko yung Suho eh. Hahahahaha."


"Hindi ko din alam yun. Kasi naman tuwing opening ceremony palagi tayong wala."


"Pwede bang tumahimik na lang kayo? Ang sakit na ng ulo at mata ko! Please lang, konting consideration naman."


Inis na inis ako. Hindi ko alam kung inis ba ako kay Kai o sa sarili ko. Pero naisip ko bakit naman ako maiinis sa sarili ko? Dahil ba hindi ko binibigyan nang chance si Kai na magpaliwang? O dahil sa inis akong malaman na siya pala ang kinamumuhian kong tao sa buong school?



"Sabi ko na nga ba may kakaiba dyan sa Kai na yan eh. Una pa lang nagtaka na ako nung makipag-kaibigan siya sayo. No offense meant, pero hindi ka matalino para maging kaibigan nung honor student slash sc president na Kai na yun."


Sinamaan ko ng tingin si Sehunnie. Sa haba nung sinabi niya yung part na 'hindi ka matalino' lang ang pumasok sa tenga ko at nagretain sa utak ko.


"Matalino ako hindi pa lang halata."


Nagtinginan sila Sehunnie at Yeollie tapos ay napatawa na lang. Sinamaan ko uli sila ng tingin. Nakakainis talaga. Nakakainis. Miss ko na si Kai! Tatlong araw ko na siyang iniiwasan at hindi iyo madali dahil kahit saan ako magpunta nandoon siya, kahit saan ako magtago nahahanap pa rin niya ako.


"Kyungsoo~~"


Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Kai na nakatayo sa pinto nitong storage room. Miss ko na siya~


"Pwede ba tayong mag-usap?"


Inirapan ko siya tapos ay kinuha ko na yung notebook ko tsaka tumayo. Lalagpasan ko na sana siya pero bigla niya akong hinawakan sa braso.

"Talk to me, okay? Talk to me."

Napatango na lang ako at hinawakan na niya ang kamay ko sabay hatak papunta sa kung saan.

"Saan tayo pupunta?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Hinatak na lang niya ako hanggang sa nakarating kami sa rooftop. Isinara niya ang pinto at tsaka ako binitiwan para harapin.

"I won't apologize for not telling you. I have my reasons. And to tell you honestly, it's a valid one. I'm here to apologize because I know I've hurt you. Sorry for that Soo. Hindi ko iyon ginusto, ang malaman mo ang katotohanan sa ganoong paraan."

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako dahil sa haba nung sinabi niya. Nagulat din ata si Kai dahil bigla niya akong hinigit palapit sa kanya at niyakap.

"Pero--- pero naiinis pa rin ako sayo. Naiinis ako. Ayaw pa kitang makita, ayaw ko."

Sabi ko yun habang umiiyak pero mahigpit naman yung pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko alam pero may isang parte ng utak ko na nagsasabing pahirapan ko muna si Kai pero may parte din naman na gusto na lang patawarin siya.

"Anong gusto mong gawin ko?"

Tanong niya habang yakap-yakap ako. Naramdaman ko na lang na itinulak niya ako sa may pinto. Yung mga kamay niya nasa may gilid nung balikat ko. Ikinulong niya ako habang nakatingin siya sa akin.

"Kahit ano gagawin ko para lang hindi ka na magalit."

Napalunok ako nung madapo sa labi niya yung mata ko. Parang gusto ko siyang halikan pero ayaw ko. Lalaki siya at ganun rin ako kaya hindi yun pwede. Hindi kami pwede.

"Bakit-bakit mo ako hinalikan?"

Napatitig siya sa akin at kumunot ang noo niya.

"Hindi mo ba talaga alam? Hindi ka ba nagbibiro nung tinanong mo din ako niyan?"

Napailing ako bilang sagot. Hindi ako matalino kaya yung mga ganung bagay dapat ipinapaliwanag pa sa akin.

"Hinalikan mo ba ako dahil ganun talaga kapag magkaibigan?"

Iniwas niya yung tingin niya at lumayo sa akin. May nasabi ba akong mali? Teka, nanghuhula lang naman ako eh.

"Kai..."

Pagtawag ko sa pangalan niya pero hindi niya ako pinansin. Tatawagin ko sana siya pero biglang,

"Paging Kim Jongin, please proceed to the SC Office."

Humarap siya sa akin at tinitigan ako.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Kyungsoo. Aalis na ako. May meeting pala akong kailangang attend-an."

Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Mas pinipili niya ba ang student council na yun kesa sa akin? Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib at inis.

Tinalikuran ko na siya at binuksan ang pinto. Hawak-hawak ko ang seradura tsaka sinabing,

"Tama. Dun ka sa student council buddy mo. Mas sila ang dapat mong kasama."

Aalis at iiwan ko na sana siya pero inunahan ako ni Kai. Mas nauna siyang lumabas at bumaba ng hagdan. Pero bago siya tuluyang bumaba ay my sinabi siya na nagpatulo ng luha ko.



"Siguro nga mas dapat na sila na lang samahan ko."


End of part three.

EXO FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon