Naive&Innocent

2.6K 56 7
                                    

Note: part two.

Naive&Innocent

Kinabukasan...

Puyat ako. May eye bags ako. Masakit ang ulo ko. Lahat to ay dahil sa ha-halik ni Kai. Oo, dahil hinalikan ako ni Kai kaya naman hindi ako nakatulog.

Paano na ako nito aakto sa harap niya? Nahihiya ako dahil si Kai ang first kiss ko. Lalaki ang first ko!?!

"Haaaay~"

"Good morning Bambiiii!"

Sabay akbay sa akin ni Sehunnie. Tumingin ako sa kanya at napailing bigla. Wala ako sa mood dahil iniisip ko pa rin si Kai.

"May problema na Bambi?"

"Wala naman... Hayyyy~"

"Wala pero kung maka-hay ka dyan akala mo naman pasan-pasan mo ang buong mundo. Anyare?"

Tumingin ako sa kanya. Sasabihin ko ba? Pero nakakahiya kung sabihin ko sa kanya yun.

"Huy Bambi~~ ano nga?"

Bigla kong naalala yung dahilan kung bakit ako hinalikan ni Kai. Dahil yun sa naamoy niya yung sigarilyo sa akin. At si Sehunnie ang nagsigarilyo kahapon. Tsk.

"Kasalanan mo to!?"

Sigaw ko kay Sehun na ikinagulat naman nito. Agad niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay na para bang sumusuko na.

"Wala po akong sala!? Hindi ako nang-rape, ako ang narape."

Binatukan ko siya. Baliw talaga to. Kung anu-ano ang sinasabi.

"Hindi yun. Ikaw yung nagsigarilyo kahapon di ba? Naamoy yun sa akin ni Kai kaya, kaya, kaya... Waaaaaaaaah!?"

"Kaya ano?! Ay, puta, ano ginawa sayo nun? Nirape ka?! Masarap ba!? Gusto mo iganti kita!?"

Napailing na lang ako. Wala namang sense kausap tong isang to eh. Pabayaan ko na nga lang. Kahit siya naman yung may kasalanan talaga eh hindi naman niya alam na... Na kapag naamoy yun ni Kai ay hahalikan ako.

"Mauna ka na pala Sehunnie sa room natin. May dadaanan pa ako."

"Ha? Eh saan ka pupunta?"

"Basta. Susunod naman ako agad eh."

Iniwan ko na si Sehun at nagmadaling pumunta sa rooftop. Nakita ko si Kai doon pero kasama niya yung SC president na yun. Bakit kaya sila magkasama? Pinapagalitan ba siya kasi palagi kaming tumatambay sa rooftop kahit bawal?

"Kai!"

Sigaw ko para mapansin nila ako. Nasa may hagdan pa lang kasi ako habang sila ay nasa tapat pa lang nung pinto ng rooftop.

Napatingin silang pareho sa akin. Nginitian ako ni Kai.

"Kyungsoo~"

Tumakbo ako paakyat hanggang sa nasa tabi na ako ni Kai. Hinawakan ko ang kanang braso nito at hinatak siya palayo sa Joomyeon na yun.

"Pinapagalitan mo ba si Kai dahil tumatambay siya sa rooftop? Ikaw ha!? Lagot ka sa akin kapag iniway mo si Kai!"


Napairap na lang yung president na yun sa akin. Tss.

"Jongin, sumunod ka sa Student Council Office."

Pagkatapos ay tinignan niya ako.

EXO FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon