Road Trip

1.3K 25 6
                                    

Note: 2/9 requests. Sorry kung natatagalan. Dedicated kay Gly! <3

Road Trip

"I can go anywhere as long as I am with you."

Naging mahirap ang takbo ng relasyon nila Dyo at Kai. Bukod sa miyembro sila ng sikat na sikat na boy group na EXO ay maraming naging hadlang sa kanilang relasyon.

Naging tanggap naman sila ng kanilang mga kagrupo pero ang mismong magulang pa nila na dapat na umunawa ay silang pang tumutol sa pagmamahalan ng dalawa.

"Pareho kayong lalaki! Mali iyan at hindi pagmamahalan. Tawag ng laman ang nararamdaman niyo para sa isa't-isa."

Masakit man na marinig iyon mula sa kanyang ina ay hindi iyon pinansin. Nagbingi-bingihan si Dyo dahil sa labis na labis na pagmamahal.

Hindi lang ang pamilya nila ang bumatikos sa kanilang relasyon. Maraming mga taga-hanga nila ang tutok din dito. Maging ang ilang kasamahan sa industriya ay ganoon din ang tingin.

Madumi. Nakakadiri. Hindi katanggap-tanggap.

Naging mapanghusga ang madaming mata sa kanilang dalawa pero kahit na ganoon ay mas naging matibay ang pagmamahalan ng dalawa. Aanhin ba naman nila ang opinyon ng iba? Hindi naman iyon ang magpapatatag sa relasyon nila.

Nag patuloy ang career ng dalawa bilang miyembro ng grupo. Nagsikap sila hanggang sa mas madaming tao ang nakakita sa pagmamahalan ng dalawa na naging dahilan na kanilang labis na pagsisikap sa buhay.

Pareho silang nagtagumpay sa buhay. Namuhay sila na hindi iniinda ang pandidiring tingin na ibinibigay sa kanila. Na hindi kinasusuklaman ang mga taong lumalait sa kanila. Namuhay sila na puno ng pagmamahal sa isa't-isa at pag-unawa na hindi lahat ng tao ay tatanggapin ang kung anong meron sila.

Natuklasan nila na hindi mo kakailanganin ang pagmamahal ng marami hangga't may isang taong nagmamahal sayo. Na hindi iyon nasusukat sa kung ilan ang taong masaya as mga desisyon mo sa buhay.

"I love you, Kai."

"I love you, too, hyung."

Dumaan muli ang ilang pang taon at sabay na nilisan nila Dyo at Kai ang buhay artista. Namuhay sila sa matahimik na lugar kung saan nagsimula silang bumuo ng pamilya.

Nagbukas ng isang restaurant si Dyo na kanyang pangarap habang si Kai naman ay naging dance teacher. Sabay nilang inabot ang mga pangarap na nais pa nilang makamit.

Ang dating miyembro ng kanilang grupo ay namuhay na din na malayo sa magulong mundo ng showbiz. Naging masaya sa pamilyang kanilang binuo. Nakuntento sa kung anong meron sila at nagpasalamat sa mga bagay na natamo nila.

"Hindi ko makakalimutan ang grupo natin, Kai. Mahal ko silang lahat. Si Suho, Kris, Lay, Chen, Luhan, Xiumin, Chanyeol, Baekhyun, Tao at Sehun. Sila ang naging karamay at saksi natin sa pagmamahalan."

Tumanda na silang dalawa at ganun na rin ang ibang miyembro ng grupo at kahit ganoon ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang mga pinagsamahan. Nagagawa pa din nilang magsamasama. Nagkukwentuhan tungkol sa nakaraan, at ibinabahagi ang bagong karanasan.

"Do you want to go on a road trip, hyung? Malaki na ang mga anak natin. Natupad na rin natin ang ating mga pangarap. We can now travel. Nasa bucket list mo iyon, hindi ba?"

Tumango si Dyo at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ng asawa. Magkahawak sila ng kamay habang pinapanood ang pagsikat ng araw.

"Hmm... Let's do that, Kai. Where do you want to go?"

Pinisil ni Kai ang kamay ni Dyo at ngumingiting pinagmasdan ang pagsikat ng araw na sumisimbolo sa isang araw na puno ng pag-asa.

"I can go anywhere as long as I am with you."

End.

EXO FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon