Naive&Innocent

2.5K 58 6
                                    

Note: part four.

Naive&Innocent

"Yang mga delinquent na yan. Sila ang dahilan kung bakit pumapangit ang reputation ng school natin."

"Oo nga. Hindi sila marunong sumunod sa mga patakaran. Hindi na nga nila magawang isoot ng tama ang uniform natin tapos nagpapakulay pa sila ng buhok at naglalagay ng kung anu-ano sa katawan."

"President, ano sa tingin niyo ang dapat nating gawin?"

"I don't think that dying your hair can do harm to our school. There are really no rules written against it. Plus, it really shows uniqueness of every students. We are wearing our uniform as a sign of unity, but isn't it too much if we stop them from dyeing their hairs, putting tattoos and body piercing? It's their own free will to do that. We are an all boy-school so stuffs like that are really not important to fuss about."

Napatingin si Kai kay Joonmyeon na nakatayo lang sa tabi niya. Hawak-hawak nito ang report na isu-submit nila sa school directors.

"It's my personal opinion, but then we shouldn't mind those little things we should focus on the future events and plans for our school. We have the guidance committee to handle misbehaviors of the students. Let's mind more important matters."

Napatahimik lang ang lahat at nagkatinginan. Minsan lang kasi magsalita si Kai pero kapag nagsalita naman ito ay talagang makikita mong matalino ito at karapat-dapat na maging student council president.

"Meeting adjourn."

Sabi pang muli ni Kai bago tumayo at lumabas ng sc office. Gusto niya sanang puntahan si Kyungsoo ngunit naisip niya na dapat ay hayaan niya itong alamin kung ano ang ibig-sabihin nang halik na ibinigay niya.

"Kyungsoo... Until when can I hold on?"

**

"Galit siya sa akin. Galit siya. Galit siya."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Galit si Kai sa akin. Bakit ba siya nagalit? Dahil sa sinabi ko? Pero sinabi ko lang naman yun dahil... dahil mas inuna niya pa yung student council na yun kesa sa akin.

"Bambi~~"

Inakbayan ako ni Yeollie at kinausap pero lumilipad pa rin talaga ang utak ko kaya hinayaan ko lang siyang magsalita.

Papunta na kami sa may locker ko nung may makita akong isang lalaki na naglalagay ng papel sa locker ko. Agad ko yung nilapitan at itinulak.

"Hoy! Anong nilalagay mo sa locker ko ha?! Basurahan ba yung locker ko para lagyan mo ng scratch paper?!"

Galit na tanong ko dun sa lalaki na nakatingin lang sa akin at nakangisi. Aba't iniinis pa akong lalo. Sasapakin ko na sana siya nung hinawakan ako sa kwelyo ni Yeollie at inilagay sa likuran niya.

"Ako na lang susuntok para sayo Bambi. Ayaw kong nadudungisan ang kamay mo."

Tapos ay hinarap niya yung lalaki at sinuntok. Napahiga ang lalaki habang hawak niya ang mukha niyang may malaking pasa dahil sa suntok ni Yeollie.

"Dahil sa mga delinquent na kagaya niyo kaya masisira ang pangalan ng school natin!?"

Galit na sigaw nung lalaki. Binelatan ko siya at nag-fuck you finger ako para lalo pa siyang maiinis. Dun ko lang naalala yung papel na nilagay niya sa locker ko. Kinuha ko yun para basahin.

'This is the final warning! Dye your hair black or you'll get expelled in this school.'

"Ha! Akala mo naman matatakot ako dito! Hindi no! Hindi ko ipapa-black ang buhok ko. Atsaka final warning agad? Wala bang first warning?"

EXO FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon