Naive&Innocent

3.4K 65 7
                                    

Note: Feel ko talaga ang KaiSoo. Hihihihihi :'> Anyway, kunwari si Jongin yung mas matanda kesa kay Kyungsoo dito.

Naive&Innocent

"Nakakainis talaga ang student council president na yaaaaan! Hinding-hindi ako susunod sa mga ipinapagawa niyo sa akinnnn! Neverrrrrr!"

"Don't shout too much. Baka mapaos ka."

Napalingon ako kay Kai. Nandito kami ngayon sa rooftop. Eto kasi ang tambayan namin. Dito din kami nagkakilala, nakita ko kasi siyang natutulog dito nung unang beses kong pagpunta nung nag-cutting class ako. Dapat sisirain ko yung pinto pero langya, may susing dala yung isa kaya ayun.

"Naiinis kasi ako sa Joomyeon na yun eh. Akala mo naman susundin ko siya. Ha! Hindi. Hindi ko ipapabalik sa dating kulay tong buhok ko. Aba, ang mahal kaya ng pagpapakulay ko dito."

Tumayo si Kai at lumapit sa akin. Hinapit niya ako sa beywang kaya naman halos magkadikit na ang buong katawan namin.

"Awayin mo lang sila. Ayos lang yan Soo. Akong bahala sayo."

Tapos nginitian niya ako. Nginitian ko din siya. Eto ang bagay na gusto ko sa kanya. Palagi siyang nandyan para sa akin.

Sa totoo lang ahead si Kai ng isang tao sa akin. Tapos nabibilang pa siya sa mga top students ng eskwelahan. Ewan ko nga ba kung bakit naging mag-kaibigan kami eh.

"Ay, kailangan ko na palang umalis. Magkikita kami nila Yeollie at Sehunnie. Alam mo na magpapaka-cool kami."

Tumango ito at binitiwan na ako. Ginulo niya yung magulo ko nang buhok sabay sabing,

"Sabay tayong umuwi, okay? Hahatid kita."

"Okay. Bye Kai."

Iniwan ko na siya at tumakbo na ako papunta dun sports storage room. Yun kasi ang ginawa naming hideout nila Yeollie at Sehunnie.

"Bambi!! Bat ang tagal mo? San ka ba galing?"

Bungad sa akin ni Yeollie na nakahiga dun sa foam na dinala niya dito.

"Sorry nagkita pa kasi kami ni Kai."

"Kai na naman?! Palagi kayong magkasama ha."

Hirit naman ni Sehunnie habang naka-pout. Umupo ako sa tabi niya at tinapik ang balikat nito.

"Sehunnie bestfriend ko na din kasi Kai. Parang kayo ni Yeollie. Tsaka kapag break lang naman kami nag-uusap eh, eh tayo buong araw. Classmate kayo tayo since kinder."

"Pati kaya sa uwian siya na kasabay mo."

Sabi naman ni Yeollie habang nagbabasa nung libro na ewan ko kung saan niya nakuha.

"Basta. Wag nga kayo. Kaibigan ko yun. Kaibigan ko din kayo."

"Alam mo may kakaiba dun sa Kai na yun eh. Kasama siya dun sa mga top student pero kinakaibigan ka niya."

"Hindi kasi siya katulad nung student council president na yun! Mabait si Kai. Tsaka kampi siya sa akin."

Pagtatanggol ko kay Kai. Eto talagang dalawa na to, palagi nilang pinagdududahan si Kai. Mabait naman yung tao eh.

"Basta mag-ingat ka sa kanya. Medyo tanga ka pa naman."

Sinamaan ko ng tingin si Sehun. Grabe to ha!?

"Oh, totoo ang sinasabi ko. Tsaka gullible ka masyado. Madaling mag-take advantage sa iyo. Masyado ka pang naive."

"Gullible? Ano yun, bubble gum? Sus. Ewan ko sa inyo."

EXO FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon