Chapter 4
*The Haters and the contract*[Naomi’s POV]
It’s been 2 weeks eversince nalaman kong si Kryzel na and si Stephen. Ilang beses ko ding kinumbinsi si Kryzel na
hiwalayan niya na si Stephen but hindi parin siya nakinig. Sadyang matigas ang ulo ng best friend ko. I tried talking to
Stephen Cruz pero wala naman akong makuhang magandang pagkakataon kasi he is always surrounded by his
friends na pare-pareho ding maangas ang dating.Pero nung lumagpas naman ng 2 weeks ang relationship nila ni Kryzel, kahit papaano nakahinga ako ng maluwag.
Aba, diba 4 days lang ang pinaka matagal na naging relationship ng babaerong yan? Siguro naman dahil umabot ng
2 weeks ang relationship nila ibig sabihin seryoso na siya kay Kryzel? And nagpalit pa ng status si Stephen and si
Kryzel sa fb na in a relationship and naka list ang name ng isa’t isa. Baka nga nakahanap na ng true love si babaero...Sana..
Dahil 2 weeks nang in a relationship ang status ng loka kong best plen, mag isa na akong kumakain sa cafeteria.
Bruhang yun pinagpalit ako sa lalaki! Pero kung sabagay, blessing in disguise siya kasi madalas kong nakakasabay
ang aking drew sa pagkain ng lunch and paguwi.But today is another lonely day for me. Hindi kami sabay ng break ni Drew kaya magisa akong kumakain sa cafeteria.
As usual, dun ako sa favorite table namin ni Kryzel umupo. I’m in the middle of eating my lunch when someone
caught my attention.Sa far left corner ng cafeteria, nandun si Stephen Cruz, laughing boisterously with his friends. Teka, akala ko kasama
niya si Kryzel ngayon? Napatingin si Stephen sa direction ko and he caught me staring at him. He winked at me then
tinuloy niya ang pakikipag tawanan sa mga friends niya.EEWWWW. I think I want to vomit!
After lunch, dumiretso muna ako sa comfort room to pee, pag pasok ko ng cubicle, I accidentally heard the
conversation of the two girls.“I pity her, grabe iyak siya ng iyak. Ayun na ata ang malalang pinaiyak ni Stephen”
“tama, i break ba naman siya sa lahat ng madaming tao”
“akala ko pa naman seryoso sa kanya si Stephen, hindi pala”
“infairness, tumagal siya ng 2 weeks ha! But a playboy will always be a playboy! Kahit pa ang pinaka popular
na babae dito sa school natin nagwa niyang paiyakin”Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Naramdaman kong nag init ang mukha ko. Lumabas ako sa cubicle and I
faced the two girls.“where is Kryzel? ”
“ha? Sino ka naman? ”
Hinawakan ko yung kwelyo ng unifom niya “I AM ASKING YOU WHERE IS SHE?! ”
Napatalon sa gulat yung dalawang babae and mukhang natakot saakin “i-in the gym”
Sumugod ako sa gym and I saw Kryzel seating on one of the bleachers.“kryzel..”
Lumingon siya saakin and she was crying “what now? Sasabihin mo saakin na ang tanga-tanga ko?
Ipamumukha mo saakin na mali ang naging desisyon ko? Na dapat nakinig ako sa sinasabi mo? You can say
anything you want. Ipamuka mo saakin, tama naman kasi eh! ”I hugged her “It’s ok. He’s not worth your tears ”
She hugged me back “Naomi, ngayon lang ako nagmahal ng husto pero ano? two weeks pa lang natapos na
agad. Na loko lang pala ako! Malamang, I am quite popular, and may pride siya. Ipinakita lang niya sa buong
school na kayang kaya nya mabola at mapaiyak si Kryzel Aguilar! :'(Ang galing niya! Nakuha niya ang gusto
niya ”
![](https://img.wattpad.com/cover/100609993-288-k61393f.jpg)