“conscience”
[Naomi’s POV]
Tokwa 2:30 am na pero hindi parin ako makatulog. Kailangan ko pang gumising ng maaga. >______< Kinuha ko si
pen-pen at itinakip ito sa mukha ko.“thanks for the night Naomi, nag enjoy talaga ko. Hindi ko to makakalimutan”
Step 3 and 4 is already done.
But still…
“syempre tinawanan ko lang siya at sinabing hindi ako marunong magmahal. Kaso ngayon pakiramdam ko
kinain ko na lahat ng sinabi ko..”Waaaaaaaaaaaaaah ano ba to?! Di ba dapat matuwa ako sa sinabi ni Stephen? Dapat mag bunyi ako dahil atlast—
atlast, nahuhulog na siya sa alindog ko.. pero bat ganito ang nararamdaman ko?..ayoko ng ituloy..
Gusto kong lumayo na kay Stephen. Pakiramdam ko kasi kada lalapit ako sa kanya mas masasaktan ko siya eh.
Gusto ko na mag back out.Pero ganun parin, pag nag back out ako masasaktan ko parin siya dahil malalaman niya ang lahat. At hindi ko naman
talaga siya mahal, si Drew ang mahal ko.Kaso..
Hay naguguluhan talaga ako sa dapat kong gawin. Isa pa itong si Yannie, kahit anong isip ko hindi ko malaman kung
bakit ganun na lang ang galit niya kay Stephen.Baka naman dahil iniwan siya ng boyfriend niya? Pero imposibleng ayun ang dahilan kasi si Stephen pa nga ang nag
comfort sa kanya nun eh. At sabi ni Stephen parang magkapatid na talaga sila.Hindi kaya mahal ni Yannie si Stephen?
Waaaaaah ano ba to. Naguguluhan ako!! Alam ko may iba pang dahilan si Yannie, hindi lang yun. Kailangan kong
malaman yun, baka sakaling mapagbago ko ang isip ni Yannie.Ayoko na kasing ituloy to. Natatakot ako..
The next day, kahit bangag na naman ako dahil sa sobrang pagiisip at pambubulabog ng mga karpintero, agad kong
hinanap si Yannie sa university.Nung nakita ko siya na pababa dun sa building nila, agad ko siyang nilapitan.
“Yannie!!”
Lumingon naman si Yannie saakin “oh Naomi!” nilapitan niya ako “kamusta? May kailangan ka ba?”
“uhmm pwede ba tayo magusap?”
“oh sure”
Nagpaalam si Yannie doon sa mga kasama niya then nagpunta naman kami agad sa headquarters.
“ano yung sasabihin mo Naomi?”
“uhmm nag date kami kahapon ni Stephen”
Napatingin naman bigla si Yannie saakin “talaga? Siya nagyaya? Nag enjoy ba siya?”
I nod
“oh my gosh!!! Ang galing mo talaga Naomi!!! ” sabi ni Yannie habang kilig na kilig.
“uhmm, Yannie ayoko ng ituloy ”
Natigilan bigla si Yannie “b-bakit?”
“nakokonsensya na ko” I looked away
Alam kong binalaan nila ko bago ko pirmahan yung kontrata kaso talagang tinatamaan na ko ng konsensya eh.
Habang tumatagal ayoko ng saktan si Stephen.Lumapit saakin si Yannie then she held my hand “Naomi, hindi ka dapat makonsensya dahil sa ginagawa mo
mas matutulungan mo si Stephen”“Yannie, bat mo ba gusto saktan si Stephen?”